SANA

125 8 8
                                    

ONE-SHOT STORY

SANA ...

---------------------------------------------*

Tatlong buwan. Tatlong buwan na rin pala ang nagdaan.

Pero simula no'n parati kong binabalik-balikan, ang mga ala-ala at pagkakataon na sinayang ko't nagawang palampasin ang mga sandaling 'yon ng buhay ko.

Sana nagkaroon ako ng lakas ng loob na ipagtapat ito sa'yo.

Sana nagawa kong tatagan ang loob ko sa kung ano man ang isasagot mo.

Sana no'ng mga panahong nasa tabi mo 'ko'y nagawa kong aminin lahat. Lahat-lahat ng ito sa'yo.

Sana hindi ako ipinanganak na torpe, edi sana tayo pa rin siguro.

Pero lahat ng 'yon puro 'Sana' na lamang ngayon.

Dahil lahat ng 'yon pinalampas ko, lahat ng mga pagkakataong 'yon sinayang ko.

Tanda ko pa ang mga sandaling 'yon ng buhay ko. Ang mga ala-alang hinding-hindi ko kailanman makakalimutan.

Matagal na tayong magkaibigan no'n, simula grade school pa lamang magkakilala na tayo. 'Krissa.'

Pangalang kay sarap pakinggan ng paulit-ulit.

Ang pangalang kumumpleto sa buo kong pagkatao. Hindi lilipas ang isang araw na mapapangiti ako sa bawat pagbigkas mo ng pangalan ko.

Sa oras na pipikit ako, tanging mukha mo lamang ang nakikita ko.

Sana pala no'ng nasa tabi mo ako, matagal ko ng ipinaramdam sa'yo.

Na mahal kita't hindi 'yon pa magbabago. Pero hindi ko lubos-maisip na nagawa kong bitiwan ka.

Nagawa kong iwanan ka. Litong-lito lamang ako no'ng mga panahong 'yon, siguro? O sadyang hindi ko lang pinahalagahan ang kung ano mang meron tayo.

Hindi ko kasi akalaing mahuhulog ako sa'yo ng husto, edi sana nagawa kong pigilan ang sarili ko.

Bakit nga ba ako naduwag na ipagtapat ito sa'yo? Bakit noong mga panahong abot-kamay kita ay nagawa ko pang talikuran ka?

Sana no'ng mga oras na hawak-hawak ko pa ang mga kamay mo'y nagawa kong higpitan ang pagkapit dito.

Edi sana hindi ako naghihirap ng ganito. Ang sakit-sakit na kasi dito, sa puso ko.

Parang nadudurog ng pira-piraso ang puso ko sa t'wing naiisip ko lahat ng mga 'yon.

Ang lahat ng mga bagay na dati sana'y naipadama ko sa'yo.

May nagmamay-ari na ba ng puso mo ngayon?

Hindi na ba magbabago pa ang isip mo sa oras na malaman mo?

At magawa mo rin kayang tanggapin pa ako sa lahat ng mga nagawa ko?

Kapag ba nadinig mo ang mga sasabihin ko'y may pag-asang maging tayo?

'Yan ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko.

At isang sagot lang din ang napagtanto ko

Sa tingin ko kasi huli na.

Masaya ka na kasi sa piling niya.

Kuntento ka na nga rin siguro sa pagmamahal na ibinibigay niya.

Ang tanga-tanga ko!

No'ng mga panahon kasing kaharap kita hindi ko pa nasabi sa'yo.

'Yung mga sandaling iyon kasi mas pinili kong magpakaduwag imbis na naging matapang sana ako para sa'yo.

Hirap na hirap na tuloy ako sa posisyong kinalalagyan ko.

Dahil pinapanood kitang kapiling niya.

Samantalang, maaaring ako pa din 'sana' ang nasa pwestong kinalulugaran niya.

SANA...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon