"Gustung-gusto kita King. I wanna be with you. OO, handa akong itaya ang pagkakaibigan natin dahil gusto kita. Sana maintindihan mo yun." Sabi niya habang-habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Gusto kong lumundak ng milyun-milyon pero hanggang patak ng luha ang lumabas dahil sa sobrang saya ko.
Lihim kong minahal ang bestfriend ko. Pero ngayon dream come true na. Sana maging kami sa huli. Kami na nga ba ang itinadhana? Sana nga. Pero dapat paring magpakipot shet. Babae ako eh. Babae. Girl. Woman.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip, nag walk out ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Dapat akong magdesisyon. Mahal ko talaga at mahal niya din ako. Pero hindi naman ibig sabihin nun na goorabells na kaagad. Dapat ring tumanaw sa maaaring mangyari. May mga what ifs sa buhay. What if? What if?
Nandito ako sa cubicle ng campus namin. Hindi ko lubos maintindihan ang mga nangyayari. OO. Masaya nga ako na gusto din ako ng taong mahal ko. Pero may mga bagay na bumagabal sa utak ko.
Months Later
Palagi akong sinusuyo ni Dy. As in Dy yung name ng minsan kong bestfriend at lover na ngayon. Char. Dy Formenta. Hindi siya gumive up sa akin kahit gustong-gusto ko na siyang bastedin pero hindi ko magawa. Yung mga parents ko kasi tutol sa pag boboyfriend kaya ayun. The fact that gusto ko na talaga siyang sagutin at magiging kami na pero yung mga magulang ko kasi. Dy's family company and our company were having a huge quarry and I don't know kung ano yun.
Pero alam niyo ba kung ano ang nagugustuhan ko kay Dy? Hindi siya sumusuko kahit anong sinasabi ng mga tao. Ang alam lang niya masaya siya kapag kasama niya ako. Like, iba yung ngiti niya sa akin at sa ibang tao. Kaya ayaw ko na siyang pakawalan dahil konti na lang ang mga lalaki na kagaya niya.
"Dy, saan ka ngayon?" sabi ko kay Dy na nasa kabilang linya.
"Nasa bahay lang King, bakit napatawag ka?"
"Uhm, pwede ka bang pumunta sa may Ice Cream Parlor? May ibibigay kasi ako sa 'yo." OO. Ibibigay ko na yung puso ko. Kaya loko pumunta ka please.
"Sige, text lang ako pag malapit na ako. Bye King!" at ayun nag end call na siya.
Mga 5 minutes lang at dumating na kaagad si Dy sa Ice Cream Parlor. Shet, ang gwapo niya. Parang lamunin ko na yung sarili ko dahil pogi niya.
"King? Gabi na ngayon ah? Ano ba kasi yung ibibigay mo sa akin?" tanong ni Dy na kapitbahay si C.
"Dy, uhmmm ah. Ehh." Shet, hindi ko masabi. Pa'no nga ba sabihin? "Dy, sinasagot na kita Dy! Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko Dy. Kahit ano pa ang sinasabi ng mga tao, mahal na mahal kita. Dy."
Hindi ko mapigilang matawa dahil umiiyak ang lalaking pinakakamamahal ko sa harapan ko. Kahit kelan napaka cute niya. Napaka cute pala ng boyfriend ko.
"Alam mo ba King na napakatagal kong hinintay ang araw na to? Sorry ah if para akong bakla ako pa ngayon ang umiiyak. Tsk." 5 months lang naman siyang naghintay. OA.
"Gagu. Tsk."
"Ano nga pala yung ibigay mo sa akin King?" tanong niya sakin.
"Actually nabigay ko na eh." Sabi ko at parang taking taka siya sa mga sinasabi ko.
"Ang ano?"
"Ang puso ko."
It's been 2 years simula no'ng sinagot ko siya. Lalong nagtagal, lalo niya akong minahal. Same din sa akin. Hindi siya nagkulang ng surprises. Palagi niya akong pinasaya. Palagi siyang nandyan para sa akin. I'm too lucky enough to have him.
"King, punta ka muna dito sa bahay ni Dy, pinsan niya to. ASAP." Sabi niya sa kabilang linya. So what's the surprise again Dy? Hmm.
I give up. Not on you. On the people around us. Bullsht. Love yourself when I'm gone. I love you so much King <3
- Your Dy One J
Lutaw. Bagsak. Wala na pala siya. Suicide is bullsht Dy. Gumive up ba siya dahil may kapansanan ang girlfriend niya? Bulag ako pero hindi sa pag-ibig. Minahal ko naman din siya kahit Stage 4 na ang Lukemia niya.
Akala ko happy ending na. Hindi pa pala.
Vote|Comment|Follow