Ako nga pala si madam, isang babaeng broken hearted parin sa kanyang long time ex na si bangus. Parang gaga lang. Hahaha .Kasi naman kahit 6 years na kaming hiwalay ng lalaking yun nanatili parin ang communication namin kahit may mga bagong karelasyon na kami which is, so unhealthy. Kaya nga hiniwalayan ko ang isa ko pang ex para hindi ko na siya masaktan pa. Swerte ko pa naman sa kanya, kasi sabi nga nila siya yung tipo ng lalaki na hiningi at binigay ng diyos kaso sinayang ko lang dahil sa bangus na yun. Iwan ko nga sa sarili ko bakit baliw na baliw ako isdang yun dun. Siguro nga sa lahat nga mga naging karelasyon ko. Naisip ko, baka tama nga sila.
I WILL ALWAYS BE THAT GIRL,
WHO DOESN'T GET TO BE CHOSEN. 😂
Enough of that miserable lovelife, nandito nga pala ako ngayon sa isang CHRISTMAS PARTY ng isang christian community na pinagsasalihan ko. At kung sinuswerte ka nga naman, ay mali pala sa katangahan ko nga naman kasama ko sa community si bangus lalong lalo na ang girlfriend niya. AS IN GIRLFRIEND, maraming nagtatanong kung nasasaktan ba ako. Aba't oo kaya, masakit makita ang lalaking mahal na mahal mo ng mahabang panahon pero kahit kailangan hindi ka minahal at seneryoso pero ngayon harap harapan niyang pinapakita sa buong mundo kung gaano niya kamahal ang babaeng ito. Hindi ko naman siya masisisi, ngiti palang nong babae nakakainlove na talaga. Nakakatibo nga minsan pagtinitingnan ko siya. Hahaha. Pero seryoso sa mga araw na ginawa ng diyos na nakakasama at nakikita ko sila kulang pa ata ang word na sakit ang nararamdaman ko, palagi parin akong nag-iiyak. Napaka tanga ko talaga! Hindi na nadala. Kasi naman dream ko talaga na mag-e-effort then siya ng ganun sakin, kasi sa lahat ng ginawa ko para sa kanya deserve ko din naman yun. Pero totoo nga ang sinabi nila, hindi mo mapipilit ang puso mo. Siguro nga sa babaeng yun niya naramdam ang tunay na pagmamahal at sa tagal ng pagsasama namin kahit minsan kahit masakit man aminin hindi niya talaga ako kayang mahalin at nirerespeto ko yun, walang choice eh. 6 years na niya pinamumukha sa akin yun ako lang talaga ang assumira na may maibabalik pa ang naudlit naming love story. Kaya promise ko sa panginoon, sa sarili ko at pumanaw niyang tatay na hindi ko na siya kukulitin kasi wala sa plano kung saktan yung babae dahil alam kong hindi yun madali at kahit naman anong pilit ko, kahit maghubad pa ako sa harap niya alam kung panalo parin sa taong mahal niya. Kaya ngayong gabi CHRISTMAS Siguro naman panahon na para atupagin ang sarili ko at ibalik ang dating ako na nawala nong panahon na minahal ko si bangus.
BINABASA MO ANG
12 Days with You
RandomHai guys, this is my very first time to write a story. As in true to life story, i hope kahit boring ito ay sana magustuhan niyo. Salamat