Mga matang nangungusap
Mga kamay na ayaw magbitaw
Mga pusong iisa ang isinisigaw
Narito kami ngayong dalawa sa lugar kung saan kami unang nagkita...
Nagkakilala..
Sa lugar kung saan mga buhay namin ay nagbago..
Sumaya..
At higit sa lahat naging iisa..
Ngunit hindi katulad ng dati..
Parang may kung anong kaba sa aking puso.
Ang dating mga ngiti ngayon ay kalungkutan.
Ang dating mga tawa ngayon ay napalitan na ng luha...
At ang mga halakhak na nangingibabaw sa kapaligiran ngayon ay nakakabinging katahimikan..
Sabi nga nila lahat may katapusan. May ending.
Pero bakit ganito kabilis
Bakit kung sino pa yung taong mahal mo yun pa yung kailangan umalis..
Mawala..
Maglaho..
Bakit kung sino pa yung nagpapasaya sayo..
Sila pa ang magiging dahilannng kalungkutan mo.
Ayoko ko syang bitawan dahil baka pagbitaw ko mawala na sya ng tuluyan..
Ngunit bakit ganoon luha lang ang nakikita ko sa kanya.
Walang gustong umimik.
At higit sa lahat walang gustong bumitaw.
Pero bakit nga ba kami umabot dito??
Paano??
Sino??
IS THERE SOMETHING WRONG???