Mapanuring Bantay

150 2 0
                                    


  **** ito po ay story ni Tom friend ni mac****

    Medyo malayo ang bahay namin kina Mac kaya napag desisyonan ko ng gabing ihatid namin sya na doon na lang matulog. Mga bandang alas dos na sila pumasok sa kwarto dun pinatulog si Mac sa kwarto nina tita.

   Natulog naman ako sa sala nila doon sa sofa, malamig din kasi doon kahit electricfan lang ay ok na. Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod siguro.

   Blag!!! Blag!!! Bumangon agad ako nagulat at tumingin ako sa bandang kusina nila, si Tita lang pala, akala ko magnanakaw.

   Muli akong bumalik sa tulog ko mayamaya pa ay nagising na naman ako ng walang dahilan, minulat ko ang aking mga mata napatingin ako sa bintana madilim pa naman kaya sabi tulog ulit ako,. Maya maya dinig ko na may naglalakad mula sa maindoor, tiningnan ko ngunit parang nanigas ako sa aking nakita, may babae doon naglalakad patungo sa direksyon ng sofa,. Dinig na dinig ko ang langitngit ng bawat hakbang nya sa hagdan, medyo pababa kasi iyon sa sala nina mac kaya nilagyan nila ng apat na baitang na hagdan.

    Isa.....
    Dalawa....
    Tatlo....
     Apat....

    Sa bawat hakbang ay dinig na dinig ko ang puso ko na parang kumakawala sa dibdib ko, gusto kong ipikit ang mga mata ko ngunit parang hindi ko magawa. Mula sa aking uluhan dinungaw ng babae ang kanyang mukha at parang titingnan nyang maigi ang mukha ko, sumasagi ang kanyang buhok sa mukha ko at amoy na amoy ko siya,.napakabango nya na parang ngayon ko lang na amoy sa buong buhay ko. Ilang saglit pa ay umangat sya ng kaonti at doon ko natawag ang ibat ibat santo, nakita kung parang galit sya sa akin na parang sumisigaw pero palang boses.

   Dahil sa takot ko tumakbo ako patungong pintuan  hindi ko na alam kung gaano ka tagal ko tinatanggal ang security lock ng pintuan nina Mac ng nanginginig kung kamay, basta ang nasaisip ko lang noon ay lumabas na at umuwi.

   Hindi na ako nagpaalam pa, agad akong umuwi pagdating ko sa balay mag alas kwatro na. Doon ko naisip natawagan si Mac at sabihing naumuwi na ako ng maaga, nagdahilan na lang ako na tinawagan ako ni mama at pinauuwi na Ako.

   Pumupunta pa din ako sa bahay nina Mac pero di na nla ako mapapatulog doon, kahit lasing ako gagapang ako pauwi after that incident hahaha.

**** dont forget to vote and comment****

Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon