Prologue

18 3 4
                                    

Prologue

Sa buhay, hindi maiiwasang maka-incounter tayo ng mga taong iba-iba ang katangian.

Iba-iba ang sarili nating defects and flaws.

May mga taong akala mo napakaperfect kung makapang judge ng isang tao, hindi muna tumingin sa salamin para makita niya na may mali din sa sarili nila.

May mga taong mapuri lang ng kaunti akala na nila sila na ang pinakamagaling. Hindi nila alam, ginagamit na pala sila ng ibang tao.

May mga taong palagi nang nasa taas. Akala nila wala nang makapagpapabagsak sakanila pababa.

May mga taong sobra kung magbigay ng tiwala sa isang tao. Hindi nila alam, nililinglang na pala sila.

'Yan lang naman ang ilan sa mga natutunan ko sa paaralang nilipatan ko.

Akala ko nung una, magiging kaparehas lang ito sa dati kong school. Na walang pakielamanan;

Akala ko nung una, magiging masaya ang buong school year ko because of new friends;

Pero nagkamali ako...

Hindi ko inakalang, may mamimeet akong iba-ibang uri ng tao. Mga taong alam kong never kong makakasundo;

Hindi ko inakalang, matatalo ko ang nag-iisang pinakamatalino or should I say, Brain Master nila;

Hindi ko inakalang, mahuhulog ako sa patibong niya at higit sa lahat;

Hindi ko inakalang, mangyayari ang first heart break ko;

Pero sa lahat ng nangyari, may pinakamahalaga akong natutunan...

That Love is a hard test.

Love Is A Hard TestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon