Only Tears

14 3 0
                                    

Sunggyu's POV

"Wahh Kim Sunggyu Oppa!!!"
"Oppa saranghaee!"
"Marry me Sunggyu Oppa!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong sigaw ng mga fans. Sobrang saya lang na maraming tao ang nagmamahal sa'kin at nakaka-appreciate sa mga ginagawa ko.

Pero kahit nag-iisang tao lang ang sumoporta saakin ay masaya na ako basta't siya yun.

Siya na nagpapasaya saakin...

Siya na mahal na mahal ko...

Siya na minahal ako kung sino man ako noon...

Siya na everything ng buhay ko...

3 years ago

"Good morning Sunggyu-shi ^_^" nakangiti nyang bati sakin
"Good morning Naeun." bati ko nang hindi manlang tumitingin sa kanya

"May problema ka ba Gyu?"

"Wala. May iniisip lang ako." NAkasimangot kong sagot sa kanya

"Galit ka ba sakin?"

"Bakit? May dapat ba akong ikagalit?"

"Eh kahapon mo pa ako di pinapansin simula nung ipinakilala ko si Minhyuk sayo eh--- teka, nagseselos ka??" Nakangisi nyang sabi

Matagal ko nang alam na may gusto siya sakin. Oo alam ko. Umamin siya last year sakin pero sabi ko ay hanggang kaibigan lang ang tangi kong maibibigay sa kanya sa mga oras na yun.

Simula nun ay naging magkaibigan kami. Hanggang sa maging best friends

Naging close kami nang sobra at hindi ko inakalang mahuhulog ako sa kanya sa bawat oras na magkasama kami.

"Oo nagseselos ako, eh ano naman yun?"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil nanlaki yung mga mata nya haha ang cute nya talaga.

"Mahal kita Naeun at ayokong makitang may kasama kang iba dahil nasasaktan ako nang sobra. Pwede bang akin ka nalang?" Nakatingin lang ako nang diretso sa mga mata nya habang sinasabi ko yun

"Alam mo na ang sagot ko diyan." Namumula nyang sabi

Simula nun ay naging kami ni Naeun. Ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo sa bawat oras na magkasama kami.

I thought that was our happy ending. But faith was really playful.

Sabay kaming nakagraduate ni Nauen at going strong kaming dalawa. Akala ko ay wala nang makakapaghiwalay saming dalawa pero dumating ang isang problemang hindi ko inaasahan.

Matagal nang pangarap ni Nauen ang makapagtrabaho sa ibang bansa upang maging model pero hindi ako pumayag dahil ayokong magkahiwalay kaming dalawa.

Nung gabing yun ay yun ang pinag-awayan naming dalawa. Iniwan ko siya sa restaurant kung saan kami nag-usap. Hindi ko manlang naisip na maaaring may mangyaring masama sa kanya.

Nung gabing yun rin ay nakatanggap ako nang tawag mula sa mga magulang niya at halos maluha ako dahil sa ibinalita nila.

Nasagasaan si Naeun ng isang truck na nawalan umano ng preno.

Hindi kinaya ng katawan ni Naeun at sa isang iglap ay nawala siya sakin.

Sising-sisi ako nun. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko siya iniwan ay sana kasama ko pa siya ngayon. Ang tanga tanga ko. Patawarin mo ko Naeun. Mahal na mahal kita.

Iyun lang ang tumatakbo sa isipan ko nang mga oras na yun habang walang tigil ang pagbuhos ng mga luha ko.

Parang dinurog yung puso ko sa mga panahong yun. Halos mabaliw ako. Tinangka kong patayin yung sarili ko pero isang gabi ay napanaginipan ko siya.

Sinasabi nyang wag ko daw sirain ang buhay ko. Ako daw ang tumupad sa mga pangarap naming dalawa. Hindi nya raw ako mapapatawad kung gagawin ko sa sarili ko iyun.

Kaya simula nun ay sinimulan ko nang ayusin ang buhay ko. Mahirap. Sobrang hirap pero para sa kanya ay kakayanin ko.

Present

"Saan ka pupunta Gyu?" tanong ni Manager Jungyeop sakin.

"Pupuntahan ko lang yung taong pinakaimportante sakin."

XXXXXX CEMETERY

Nakaupo lang ako habang nasa harap ng puntod ng babaeng pinakamamahal ko.

Hanggang ngayon ay sobrang sakit parin ng pagkawala nya.

Karma na rin siguro to dahil sa kasalanang nagawa ko sa kanya.

"Happy 6th anniversary, love." Pinipigilan kong tumulo yung mga luha ko pero wala eh tuloy tuloy lang silang lumabas sa mga mata ko. "Sigurado akong masaya ka na dyan sa heaven. Huwag mo na akong aalalahanin dahil kakayanin ko kahit ang sakit sakit na. Miss na miss na kita. Sobra." Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy sa sasabihin ko dahil halos hindi na ako makahinga sa sobrang bigat ng dibdib ko

"Mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na. Ikaw ang kauna-unahan at huling babaeng mamahalin ko. Pangako yan. I love you, love. Until infinity ends."

" I know that my heart
is wherever you are.
Close enough our breaths
can touch.
Always in that same place.
Oh I can't hold your hand
But I'm missing you
I'm worried I might just have
My tears to hold.
So I'm missing you." -Only Tears(Infinite version)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Only Tears(KIM SUNGGYU FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon