Secret 17
Im Jaebum"Wow ang ganda naman ni Dahyun sa music video nila! Nagpalit nanaman pala siya ng kulay ng buhok" Puri ni Jackson na nanonood ng music video ng Twice.
"Uy Yugyeom diba si Momo yung lagi mong kalaban sa mga sayawan dati?" Youngjae
"Hindi ko napansin member rin pala siya ng Twice" Bammy
"Uy diba ito yung kapatid ni Kassi noona? Yung Harmony?" Pagbabago ng topic ni Yugyeom
"Uy si Mark hyung namimiss si noona!" Pang-aasar nila kay Mark hyung na nakikinood na rin
"Uy Yugyeom si Momo to diba? Yung crush mo?" Junior
"Member din pala siya ng Twice? Hindi ko napansin eh" Yugyeom
"Nako si Gyomie chickboy si Momo pala ang crush pero dinedate dati si Yoana" Bammy
"Buti ikaw si noona lang no?" Pang-aasar ko kay Bammy.
Pinagpatuloy ko ang panunod ng mga video ng Twice. Pati ang JYP Sixteen na sinubaybayan ko noon ay inulit ko uli. Pilit kong sinasaksak sa isipan ko na masaya na siya at hindi na niya kami babalikan pa. Na andyan na si Nayeon na siyang pupuno sa pagiging nanay niya.
---
"Waaaah grabe got7!" Bumisita kaming buong grupo sa dorm ng Twice para icelebrate ang debut nila.
Ginawa rin ito sa amin ng mga sunbaenim namin nung debut namin. Babawi lang kami.
"Congratulations on your debut, Twice" bati namin sa kanila.
"Wow ang dami namang pagkain! Yari tayo kay CEO kapag tumaba tayo!" Ji Hyo
Tuwang tuwa ang Twice sa hinanda naming pagkain para sa kanila. At halos lahat sila nakikiselfie sa amin. Isa lang ang hindi. At kilala niyo na yun
"Uy Dahyun ayaw mo ba makiselfie sa kanila? Minsan lang to!" Rinig kong bulong ni Mina kay Dahyun
"Ay naku ayoko. Kayo na lang" sa wakas, narinig ko nanaman ang boses niya sa personal. Miss na miss ko na ang babaeng may ari ng boses na iyon.
"Oppa!" Nilingon ko si Nayeon na nasa likod ko at nakangiti. "Thank you!" Tumingkayad ito at hinalikan ako sa labi. Sa harap ng got7, sa harap ng Twice at sa harap ni Dahyun!
"Nayeon!" Itinulak ko ito at napahawak sa labi ko at tinignan si Dahyun na nakatingin lang sa amin. Nagkatinginan kami nito at umalis. "MAHA-- Dahyun wait!" hahabulin ko na sana ito ng pigilan ako ni Nayeon.
"Oppa, no! Pabayaan mo siya"
----
Kim DahyunAkala ko ba ako lang ang mahal niya? Akala ko ba ako lang? Puta naman hindi lang naman siya ang nasasaktan dito eh! Ako rin naman nahihirapan! Gusto ko na siyang balikan..sila! Pero kapag naaalala ko ang mga pangarap niya, lalo kong gusto sumikat. Lalo akong nagiging pursigido.
"Da..." tumayo ako sa pagkakadapa at niyakap ang mga kaibigan ko
"Momoooo...minaaaa..." inilabas ko na ang lahat ng sakit sa kanila
"Da....mag-usap kaya kayo ni sunbaenim?" Momo
"Oo nga..para hindi ka na umaasa dyan, friend. Ayan na ang ebidensya sila na ni Nayeon!" Mina
"Natatakot kasi ako eh..natatakot ako na baka wala na talaga akong balikan"
"Wala na naman tayong magagawa, Da eh. Minsan talaga pinagtatagpo lang kayo para matuto" Momo
"Mali ba na isipin ko muna ang pangarap niya?"
"Da, wala namang mali dun. Ang mali mo lang, hindi mo inisip ang mangyayari sa mga anak niyo. Yun ang mali mo" Mina
Pagkatapos kong mahimasmasan ay bumalik na kami sa sala para makiparty sa kanila. Nakatingin lang sa akin si Jaebum na katabi si Nayeon.
"Momo laban daw kayo ng sayawan ni Yugyeom!" Youngjae
"Bakit laban pa? Aba mag couple dance na lang kayo!" Bammy
"Oo nga!" Tzuyu
"Now na lang ng Troublemaker!" Jaebum
Iiling-iling na tumayo si Momo at Yugyeom. Sa pagkakaalam ko, crush ni Momo si Yugyeom dati sa arts school. Dalawa sila ni Yoana. Kaso yung Yoana daw ang nagustuhan ni Yugyeom at yung ang dinate. Kaso, bigla na lang daw nawala yung Yoana.
"Woooh go MOMOLITAAA!" Sigaw namin ni Mina. Aba proud kami sa friend namin no!
"Go friend!"
Nag-umpisa ng sumayaw si Momo at Yugyeom. Lahat naman ay tuwang tuwa sa performance nila dahil para bang pinractice nila ito sa sobrang ganda ng pagsasayaw nila. Bagay sila!
------
Im Jaebum
Kanina pa tulog si Iseul sa tabi pero ako dilat na dilat pa rin. Hindi matanggal sa isipan ko ang nangyari kanina. Ayos lang naman na halikan ako ni Nayeon eh. Pero bakit kailangang sa harapan pa ni Dahyun?
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag-iinstagram at twitter. Ang daming bagong picture na pinost ng anak ko. Ang anak ko, nababaliw na sa sns. Kung ano ano na ang nalalaman.
Youngjae @Youngj
Hi @kimdahyun ;) congratulationsAba tong si Youngjae may picture pa kasama si Dahyun?! At may personal account na rin pala si Dahyun? At finofollow pa nila ang isa't isa?!
Agad kong binuksan ang account ni Dahyun at syempre nakaprivate ito. Ngunit ang bio ng account niya ay talaga namang nagpakabog ng puso ko.
DAHYUN @kimdahyun
A & I. J 💚 D
BINABASA MO ANG
The Secret Life Of Im Jaebum
RomanceWhat is Im Jaebum's darkest secret that even his members doesn't know?