Charlene's PoV"I'm sorry."
Cejay mouthed me before he close the door of my so-called room.
Pumikit lang ako ng mariin bago tinignan si Raineer na ngayon ay naglalakad palapit sa akin. He look wasted. Pinapabayaan niya ba sarili niya?
I want to hug him tight pero pinipigilan ko ang sarili ko. Galit na galit ako sa kanya pero mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko kahit na nasasaktan ako.
Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong hilahin at yakapin. Muli, napapikit na naman ako at unti-unti ko siyang tinutulak palayo sa akin hanggang sa bumitaw na siya sa akin.
Pinipigilan kong bumagsak ang mga luha ko dahil ayokong ipakita sa kanya na mahina ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Matigas na tanong ko sa kanya.
Yumuko siya. Bakas sa mga mata niya ang sakit at lungkot na ipinaparanas din niya sa akin.
"I'm..."
Bago niya masabi ang dapat na sasabihin niya ay nagsalita na ako.
"Kung magsosorry ka, please lang sa ibang araw nalang. Nasasaktan pa rin kasi ako. Oo, sobra kitang namimiss at gustong gusto kitang yakapin pero hindi ko magawa dahil matagal na kong gumawa ng malaking bakod sa pagitan nating dalawa. I want to be fair with you but not today, not tomorrow, maybe in time. I don't want to forgive you for the sake of our marriage and family, I want to forgive you because I love you more than I love myself... but like I said, maybe In Time, Raineer. I'm sorry!"
Nakatitig lang siya sa mga mata ko na para bang nangungusap that's why I had to break it and turn away from him.
I heard his footstep.
"I'm not here to apologize. I'm here to see you if you're ok and I think you're doing fine that's why I'm leaving for now. I love you!"
And the next thing i heard he closed the door.
"Uh!" I reacted to myself. Did he just say he's here not to apologize??
God! I should've known para hindi ko siya pinangunahan magsalita. Nagmukha tuloy akong assumera!
"Grrrr!!"
******
"Hoy!"
Naalimpungatan ako ng may kumalabit ng malakas sa braso ko kaya tinanggal ko ang eye mask ko.
"Ella!!" Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko saka siya niyakap ng mahigpit.
"Umuwi ka na." Sabi nito kaya napasimangot ako sa kanya.
"Wag kang sumimangot, hindi ka maganda!" Banat niya.
"Wow ha." I reacted sarcastic saka bumangon sa kama. "Ano bang ginagawa mo dito?" Iritadong tanong ko at saglit siyang natigilan saka ibinagsak ang hawak niyang kumot na sana ay tutupiin niya.
"Wow din ha. Bahay mo to teh?" She asked. "Umuwi ka na sa inyo bago kita kaladkarin palabas ng bahay ko."
"Naglilihi ka ba?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Oo." Mabilis na sagot niya at mabilis din niyang binawi. "Este hindi noh!" Sabay hampas sa braso ko and believe it or not halos mapahiga ako sa kama sa ginawa niya pero hindi ko yun ininda dahil nacurious ako sa paglilihi niya.
"So, ilang buwan na yan?"
"Tigil tigilan mo ko Charlene." Sambit nito saka ipinagpatuloy ang pagtupi ng kumot. "Maligo ka na. Yung damit mo naihanda ko na sa shower room tapos yung mga damit mong iba pa nasa maleta mo na, naiimpake ko na rin. Pinadala ko na din kay Cejay sa baba kanina. Kaya pagkatapos mong maligo ihahatid na kita sa inyo."
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomansaNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...