Chapter 7: Never leave you alive.

32 9 3
                                    

Scarlett's POV

Pumasok ako sa loob ng classroom namin. Maingay sa loob. Kanya-kanya sila ng pinag-uusapan kaya't halos wala ka ng marinig na maayos sa mga sinasabi nila.

Inilapag ko ang aking bag sa upuan at umupo. Wala pa sina Carrie kaya't tahimik lang ako. Wala na kasi akong ibang kakilala maliban sa kanila.

"Nasaan na ba kasi yung babaeng iyon?!"
Sigaw ni Demi pagpasok sa classroom na ikinatigil naman ng lahat sa kanilang mga ginagawa.

Napacross-arm ito at tinaas ang kanyang kaliwang kilay.

"Anong problema ninyo ha!?"
Agad naman silang umiwas ng tingin kay Demi at sa barkada niya. Lumapit si Demi sa akin at ang kanyang barkada.

"Scarlett, pwedeng makiupo?"
Saad nito na nakaupo na tabi ko.

"Sige lang."
Sagot ko rito at iniwas ang tingin sa kanya.

"Scarlett,pwedeng magtanong?"

" Ano yun?"

"You see, your friends and I were close friends back then. Nawalan lang kami ng oras sa isa't isa noong naghigh school na kami. And right now, magkaibigan na kayo. Maybe we can be friends?"
Sabi nito habang inabot ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman ito at ngumiti sa kanya. 

"Oh by the way, where is Carrie?" tanong nito.

"Wala pa siya . Siguro late nanaman iyon. O kaya naman hindi papasok this first class. Ayaw niya kasi magturo yung professor natin."

She laughed.
"Oh I remember Carrie doing the same thing noong grade school kami! She is funny. And knowing Carrie, she is always busy on something."
Sagot ni Demi.

Ngumiti nalamang ako bilang tugon.

Natapos ang dalawang subject ngayong araw na wala si Carrie. Gideon is busy with his investigatory project as well as Haron. Mag-isa ko lang ngayon. Ayaw kong sumama kay Demi kahit napagkasunduan naming magkaayusan na. Naglalakad ako sa hallway mag-isa tumigil ako sa paglalakad ng nadaanan ko ang tapat ng college building. Kahapon lang nangyari. Pero parang wala lang sa iba. Iniimbestigahan daw ng mga pulis ang nangyari kahapon. Pero wala akong namamataang pulis sa loob ng campus kahit anino man lang. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng nakita ko si Carrie at lumapit ito sa akin.

Demi's POV
Andito kami ngayon sa harap ng classroom namin kasama ko sina Clark.

"Hoy Demi, anong pabait-bait na nalalaman mo diyan? Making friends with that one? Bet we're better than her."
Sabi ni Yeri.

"Tss. Manahimik kang haliparot ka. Sa tingin mo ganun ako katanga para makipagkaibigan sa kanya? Manahimik ka nga."
Kahit kailan talaga paarte yang babaeng yan.

"Eh ano bang plano mo? Aligid ka ng aligid sa Scarlett na iyan. Nagpapalinta ka na"

"Basta. Mas matindi pa sa arte mo. Baka mamaya magugulat ka nalang siya na ang kinakampihan mo sa sobrang awa."

"Bet that,Demi. Hindi ko gagawin yan."

Natahimik na si Yeri. Habang papalapit na sa amin ang Victoria na know-it-all ang feels.

I sighed with ignorance.

"Mabuti naman naisipan mo pang pumasok. Bababa ang grade mo nyan. Baka ika-iyak mo pa."

Sumimangot naman tong Victoria na ito. TSS akala mo sobrang talino.

"Oh anong sinisimangot mo diyan? Tss. Dahil wala ka sa trip ng barkada noong nakaraang araw. Ikaw bibili ng pagkain namin. Heto oh. Dalian mo ayoko ng mabagal."
Sabi ko at inabot ang isang daang piso. Mabuti naman at tinanggap nito ang pera at naglakad papalayo. Tss. Ang talino talaga ng babaeng 'to sa sobrang talino magiging uto-uto.

The Art Of Killing ( On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon