MinTaeee
Hi guys! First of all thank you naka-abot pa kayo sa chapter na'to. hahaha. Ahmmm. The meaning of Mors Certa Hora Incerta sa first chapter is death is certain, its hour is uncertain. Ayna. Sorry kung natagalan. Anyway, have a nice day ! Lovelots :)) BTW, magiging irregular ang update nito. Hahaha. Ano yun regla lang? Joke. XD. Pabasa naman po ng story ko ung isa, Falling in Real.pa Finished na po iyan. :) Sana po magustuhan niyo. :") Yan ang dahilan kung di ko natutuloy tong story na to. XD Thank you! :)----
Scarlett's POV“Mahal na mahal kita,Scarlett. Sana kasama kita palagi. Kaya simula ngayon,sasamahan na kita sa buong buhay mo.”
Isang boses ang narinig ko. Napangiti ako ng napakapait. Isang tao lang ang alam kong nagsabi nun.
Alice.
Pitong taon na ang nakalipas hindi parin ako matahimik. Tuwing naaalala ko iyong araw na iyon. Pakiramdam ko napakasama ko sa iyo. Napatingin ako sa itaas at inisip ang mga araw na kasama ko pa siya.
Sana hindi nalang siya ang namatay. Ako nalang sana.
“Scarlett, anak. Uwi na tayo.”
Tawag ni Mama.Tumayo ako sa kinauupuan ko. Tinignan ko muli ang nakasulat sa lapida.
Alice Viar L. Cortez
Born: April 23, 1999
Died: October 18, 2009Sa susunod muli kapatid. Ika-pitong anibersaryo mo na.
Pumasok na ako sa kotse at pinaharurot ni Papa ang kotse palayo sa sementeryo.
--
Nagising ako sa isang tunog na uma-alingawngaw sa gilid ko. Hinawakan ko ang alarm clock at pinindot ito sa likod.
Bumangon na ako at inayos ang higaan pagkatapos ay naligo na. Lumabas na ako at kumain at lumabas upang pumasok na.Pagkarating ko sa school. Tahimik pa ang paligid. Konti palang ang mga pumapasok.
“Scarlett!!”
Lumingon ako at nakita si Carrie tumatakbo papalapit sa akin.“Ang aga mo ngayon ha.”
Inakbayan ako nito at nagpatuloy kaming naglakad. Sa paglalakad namin, nasalubong namin sina Gideon at Haron. Nagsasagutan ang mga ito habang naglalakad. Sabi na nga ba. Hindi talaga pwedeng magsama ang aso't pusa. Tumingin naman ang mga ito sa amin at ngumiti nalamang at pinagpatuloy ang kanilang pagsasagutan.Dumiretso kami ni Carrie sa room at naabutan si Demi at ang kasintahan nito.
“Good morning , Scarlett! Good Morning Carrie!" Masiglang bati ni Demi. Ngumiti lamang ako bilang tugon.
Paupo na sana ako ng upuan ko ng may nakalagay na papel rito. Binuklat ko ito.
“Those who wanted. Will always be. What they don't wanted.”
Tatlong pangungusap. Hindi maproseso sa utak ko kung ano ang ipinararating nito.
“Ano iyan?" Lumapit sa akin si Carrie at kinuha ang papel sa kamay ko. Nagulat ito ng mabasa niya at lumapit kay Demi.
Bumulong ito at parehas silang lumabas. Umupo ako sa upuan. Iniisip ko parin. Sino bang may pakana? Bakit ako nakatanggap ng sulat?
“Those who wanted. Will always be. What they don't wanted.”
Carrie's POV
Pumunta kaming dalawa ni Demi sa rooftop. Hawak-hawak ko parin ang sulat na nakuha ni Scarlett. Bakit siya nakatanggap nito? Inayos ko ang uniform ko at hinarap si Demi.
“Nakita mo ba ito nung pumasok ka?" Tanong ko.
Umiling ito. “Kararating ko rin lang. Bakit ba?” napataas ito ng kilay.
“Demi, hindi mo ba nakikita? May balak nanaman sila!"
“Na alin? Na pumatay ? ” umirap ito. “Hindi mo ba alam? Lahat ng namamatay ay ang mga taong palaging nangingialam sa mga bagay! Kaya wala na tayong magagawa!"
Napasigaw ako sa sinabi nito. “Wala kaba talagang pakialam? Gusto mo bang maulit? Demi, alam nating dalawa nagsisimula na. Kumikilos ulit sila.”
Tumingin ito sa buong campus. “Alam ko. Wala na tayong magagawa. Tumingin ka sa paligid mo, Carrie. May nagbabago ba? Wala. Walang nababago. ”
“Demi... Kaibigan mo ang nawala dati. Gusto mo parin bang maulit muli ang nangyari? Gusto mo bang maisisi sayo ang lahat muli?”
Napapikit ito sa mata. “Alam ko. Inikot ko ang laro. Mas pinili kong mabuhay kaysa mamatay.”
--
Gideon's POV
Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa loob ng campus. Hinahanap ko parin si Haron. Bakit pa kasi siya ang nakasama ko sa project na ito? Mas mabuti ng mag-isa kaysa kasama ko pa ang lalaking iyon.Habang naglalakad ako sa kahahanap sa lalaking iyon dinala ako ng mga paa ko sa kumpol ng mga estudyante.
Hindi ko naigalaw ang mga mata ko sa nakita nito. Halos lahat ng mga estudyante ay gusto ng sumigaw sa takot pero hindi nila magawa dahil sa gulat.
Umagos ang dugo sa apakan ng sapatos ko habang nagkahiwalay-hiwalay ang mga parte ng katawan nito. Mapapansin ring nagkadurog-durog ang mga daliri nito na para lang karneng galing lang sa isang gilingan. Putol ang leeg. Duguan sa uniporme. At hindi ko matanggap kung sino ang nasa harap ko ngayon.
Victoria.
Nagsitakbuhan na ang mga estudyante habang nakatayo parin ako sa kinahaharapan ko. Nanginginig.
Hindi ko na magawang gumalaw pa.
Dahil alam kong bawat galaw ko. Maaring nakamasid sila.
Scarlett's POV
Itiniklop ko ang libro na hawak ko matapos ko itong basahin. Maiigi ko itong ibinalik sa lalagyan nito at tahimik na bumalik sa kinauupuan ko. Andito ako ngayon sa silid-aklatan. Hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante dahil patapos na ang klase at marahil umuwi narin ang mga ito. Mahigit 3 oras akong nandito mag-isa simula ng nagpatawag ng board meeting ang mga guro at pansamantalang hindi magsasagawa ng klase.
Inilibot ko ang mga mata ko sa library at napansin kong ako lamang ang nasa loob nito. Wala si Ms Perez, ang librarian namin. Binaling ko naman ang mga mata ko sa mga libro. Halos maayos at tahimik ang lahat ng may napansin akong bagay na nakakasilaw sa mata dahil sa sikat ng araw malapit sa dulo ng aklatan.
Hindi mapigilang naglakad ang mga paa ko papalapit rito upang ma tahimik ang kuryosidad.
Natuntong ko ang dulo nito at kaming gulat ng mga mata ko ng makita ang isang kutsilyong nakababad sa dugo sa sahig. Kinuha ko ito at pinagmasadan.
Nadampi ng kamay ko ang malagkit na dugong nagmumula sa kutsilyo. Pinunasan ko ang hawak an nito gamit ang kamay ko ng mapansin kong may nakasulat na pangalang "Demitria" rito. Ngunit bigla akong napapikit ng isang nakakasilaw na ilaw ang tumama sa mga mata ko.
Tinignan ko ang likuran ko ngunit wala na ito. Naisipan kong magpaliwanag rito kaya't dali-dali akong lumabas at tumakbo.
BINABASA MO ANG
The Art Of Killing ( On Hold)
Kinh dịKilling is the name of the game. Survival is a claim to every. But killing is not a choice to survive. Killing is an art to terminate your life. But which shows its art? Dying or Surviving? A story on which mystery, horror and secrets are told.