Prologue

4 0 0
                                    


"A moment of silence now for the graduating batch of 2013!!!!!!!!!", sabay hiyawan ng mga students sa loob ng hall.

Actually it was just a practice for the graduation for tomorrow. Hindi lang talaga mapigilan ni Ernesto ang humiyaw dahil at last, after 6 years gra-graduate na din sya.

"HOY JINHO! IKAW ANG STUDENT COUNCIL PRESIDENT DAPAT IKAW ANG NANDITO SA TAAS!"

"Oo pagtapos kong gawin 'tong dapat ikaw ang gumagawa!" sabay akyat sa upuan para ilagay ang ilang pictures ng mga kaklase ko sa napaka-laking bulletin board. Sa wakas, bukas gra-graduate na ako. Sa apat na taong pag-aaral at stress pwede ko na ding itapon yung mga quiz at exam booklet ko na nakatambak sa loob ng kwarto.

Makakahinga na rin ng maluwag si mama. Nakapagtapos ang unico hijo nya ng sya lang ang sumusuporta and yes, she was a single-mother. I am half-korean. Iniwan ako ng tatay ko nung nasa loob pa lang ako ni mama, nagulat daw sya nung sinabi ni mama na buntis sya and he was the father. Hindi naman daw nya sinasadya dahil nagbakasyon lang sya sa pilipinas para mag-saya.

PUTANGINA.

Makalipas ng apat na buwan iniwanan lang nya si mama ng sampung libo at sulat para daw makapag-umpisa uli. Hindi na sya bumalik.

Si mama naman naiwan sa pilipinas. Kumayod dito, kumayod doon. Pumasok sa mga fast food restaurants para maging crew, naging sales person sa sm, nagtinda ng turon at banana cue, nag-karinderya at iba pa. Wala syang ibang hinangad kundi maging maganda ang buhay ko. Ultimo pagpasok sa international school na pang-korean pinasukan ko hanggang high-school.

Pero ngayong tatapos na ako sa college ng B.S. in Medical Studies sa unibersidad ng pilipinas ng apat na taon na magna cum laude *sigh* sarap sa feeling.  Mababayaran ko na ang lahat ng pagod at pawis ng mama ko.

"JINHO!"

"Oo pupunta na ako jan."

"May tumawag na tiga-hospital, yung mama mo daw!" hinihingal na sabi ng isa kong kaklase na pumasok sa hall.

"ANO?!"

2,555 days with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon