Chapter 17: The Real Reason

381 3 0
                                    

Shaley's POV

Si Lea talaga... Ang daldal. Hmmff. Dapat kasi hindi ko na talaga sinabi nun e. Nadadala kasi ako sa emosyon ko kaya nasabi ko nalang kahit ayaw ko naman magsabi kahit kanino.

Kasi naman ih. Hay.

"Shaley! Shaley!" Tawag ng kaklase ko kaya lumingon naman ako.

"Pakibigay naman tong report namin kay Jayem. Kasi aabsent ako ngayon. Dumaan lang ako para ibigay to. Eh hindi ko kasi makita si Jayem e.."

"Ah.. Baka nasa Gym?"

Mukha naman kasing basketball yun.

"E.. Naghihintay kasi yung tricycle sa labas. Pwedeng ikaw nalang magbigay? Kailangan na kailangan niya to mamaya e. E hindi pa tapos kasi may hindi pa ako naisusulat kaya kailangan gawin niya to ngayon na.."

Inabot niya sa akin yung manila paper tapos nag thankyou saka umalis. Hay. Nautusan pa ng wala sa oras.

Nasaan na ba kasi si Ashleen? Para siya nalang magbigay tutal magbarkada naman sila. Nakakainis naman kasi si Mark e.. Sinundo niya kanina kaya ako tuloy ang walang kasabay.

Dumaan muna tuloy ako ng gym para tignan kung andun si Jayem. E pano naman kasi? Kahit umagang umaga, nagbabasketball yun. Walang sawa.

Nakita ko siya na nakaupo sa isa sa mga bleachers kaya pumasok ako.. Ibibigay ko lang naman tong report nila.

Pumasok ako at natamaan ako ng bola sa ulo. Buset! Kamalasan naman! Medyo masakit pa nga ulo ko e. >.<"

"ARAY!"

"Sorry. Sorry!"

Nagkatitigan pa kami. Si Xander pala...

"Nasaktan ka ba?" Tanong niya sa akin.

Bigla kong binaba yung kamay ko na hawak hawak yung parte ng ulo kong natamaan kanina.

"Sorry. Ako yung nakatama..." Biglang sabat ni Allen sa amin.

Tapos lumapit na rin si Jayem para makiusyoso..

"Binibisita mo ba si Xander dito?" Pangasar na tanong ni Jayem.

"HINDI AH!" Sagot ko naman agad.

"Mukhang defensive si Ate ah?" Sabat pa ni Allen.

"Excuse me?" Mataray na sagot ko sa kanya.

Tumingin tingin sa paligid yung Allen tas..

"Dadaan ka ba?" Pamimilosopo niya.

"Not funny." Sabay irap ko.

"Tama na guys. Ano ba kailangan mo, Shaley?" Serysosong tanong ni Xander.

Hindi ako tumingin sa kanya at hindi ko rin siya sinagot. Bitter me, who cares? Humarap ako kay Jayem.

"Oh. REPORT niyo daw. Hindi pa daw tapos yan so you need to work on that first before playing your sport." Sabay abot ko kay Jayem nung report na yun.

"Putsa naman. Bakit di pa tinapos? Hay!" Napakamot ulo naman si Jayem.

"I'll go ahead.. See ya' around.."

"Bye sungit!" Pahabol na sigaw nung Allen!

Wierdo. -,-

--------

Sa Classroom.

"Aray' Aray! Shaley!!!!" Habang hila hila ko si Lea papuntang CR.

Binalibag ko naman agad yung kamay niya pagdating namin ng CR e.

"Aray naman! Ano bang problema mo na naman? Ang tutulis naman ng mga kuko mo!" Daing ni Lea.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon