Prince Yonard GreffinNasa bahay pa ako ngayon. Nagbibihis dahil may pasok ako ngayon. Pagbaba ko ay tumungo ako sa dining at doon ko nakita sina Mommy at Daddy na kumakain. Umupo ako sa harapan nila at nagsimulang kumain.
"Yon." biglang sambit ni Daddy napabitin naman sa ere ang pagsubo ko at tumingin sa kanya. Di siya nakatingin sakin.
"Bakit po?" tanong ko.
"I heard, may girlfriend ka na daw." sagot niya habang patuloy na kumakain.
Napatingin naman sakin si Mommy na gulat. Yes, I didn't tell them yet about sa relationship namin ni Franzine. Hindi naman sa kinahihiya ko siya, kumukuha lang ako ng timing. Sobrang busy kasi nila.
"Is it true?" tanong ni Mommy. I just nod at her.
"Wow! Congratulations Son. I bet that girl is lucky to have you." masayang sabi ni Mommy sakin. Ngumiti lang ako at napabaling ang tingin kay Daddy.
"Is it true that-" di natuloy ang sinabi ni Dad ng biglang nag ring ang phone niya. Tumayo siya at sinagot ito. Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik siya.
"We need to go hon. May urgent meeting daw si Mr. Cruz." sabi ni Daddy. Tumayo naman si Mommy at lumapit sakin.
"You didn't tell me huh? Mamaya mag usap tayo, dami mong utang na kwento sakin. We have to go, Son. Bye!" sabi ni Mommy at hinalikan ako sa cheeks. Nagpaalam narin si Daddy sakin tsaka sila umalis.
Maya-maya lang ay umalis narin ako sa bahay at pumunta na sa school. Pagdating ko sa room ay wala pa si Franzine. Tinext ko siya para tanungin kong nasan na siya.
To: Franzine
Where are you?
*Send*
Maya-maya pa ay dumating naman si Franzine na cold ang expression. Tch! Whats with that face again? Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa harap.
"Franzine." sambit ko sa kanya. Di siya tumingin sakin. Nasa harap parin ang atensyon niya.
"Franzine." sambit ko ulit. That time tumingin na siya sakin but in a cold way.
"What?" tanong niya sakin.
"Are you okay? Do you have a problem? Are you sick?" sunod na sunod na tanong ko sa kanya.
"Okay lang ako. Walang problema at wala akong sakit." walang ganang sagot niya at tumingin ulit sa harapan.
"Pero, parang may problema ka? Come on, Franzine tell me baka matulungan kita." sabi ko sa kanya. Whats her problem? Masaya pa naman kami last week ah? Masaya pa kaming magkasama sa birthday ko? What happened to her?
"Nerd, walang problema." sagot niya sakin.
Di na ako muli pang nagsalita at baka mapunta pa sa away ang usapan. Baka wala lang siya sa mood ngayon.
°°°°°°°°°°°
"Kumain ka na." ulit ko sa kanya. Pangatlong sabi ko na ito sa kanya pero wala talaga siyang sagot sakin.
"Franzine, kumain ka na. Please lang. Nag aalala na ako sayo." inis na sambit ko sa kanya. Tumayo naman siya at humarap sakin.
"Di ako gutom." sigaw niya sakin.
"Gutom ka man o hindi. Kumain ka. It's lunch. Ano ba? Baka magkasakit ka pa niyan." sigaw ko rin sa kanya.
"Sabing di ako gutom eh. Di mo ba ako naiintindihan? Tsaka di ako magkakasakit." sigaw rin niya pabalik sakin.
"Magkakasakit ka kapag di ka kakain. Ano ba? Kumain ka nga! Ako natong nag aalala sayo. Pwede ba?!" inis na sigaw ko sa kanya.
"Sinabi ko bang mag alala ka sakin? Tsaka, di ako kakain dahil hindi naman ako gutom. Kaya pwede ba? Tantanan mo ako. Kainis ka." sigaw niya at padabog na lumabas ng room.
Napabuntong hininga nalang ako at napa upo ulit sa upuan. Kami lang dalawa dito sa room dahil naglulunch ang mga classmates ko.
Naiinis talaga ako kay Franzine. Kanina ko pa siya pinapakain pero ayaw niya. Nag aalala lang naman ako sa kanya.
Lumabas ako at hinanap siya. Pumunta ako sa cafeteria at baka nandun pero wala. Pumunta ako sa garden pero wala. Last naman sa rooftop. Atlast, nakita ko siyang nakaupo habang nakasandal sa semento. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Bago pa ako makalapit ay narinig ko siyang nagsasalita.
"Put*ngina naman. Ano ba ang gagawin natin huh?" sigaw niya. Tumingin ako ulit sa kanya at doon ko nakitang may kausap pala siya sa phone niya.
"Ayaw ko. At kahit kailan di ko gagawin yun.- Aish! Sige! Pupunta ako mamaya. Magkita nalang tayo." sabi niya at binaba na ang phone niya. Narinig ko pa siyang nagmura at napatakip sa mukha niya.
Sino ba yung kausap niya?
Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ko siya nilapitan.
"Franzine." sambit ko sa kanya. Tumingin muna siya sakin at tumayo.
"Wag muna ngayon, Nerd." malamig na sabi niya at aakmang aalis na ng bigla ko siyang hawakan sa braso niya.
"Ano bang problema mo Franzine? Sabihan mo naman sakin. Nag aalala na ako sayo." sabi ko sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga at dahan-dahang inalis ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.
"Wag muna ngayon, Nerd. Kung may problema man? Akin nalang yun ayaw kitang madamay pa. Please, Nerd. Wag ka ng magtanong pa." mahinahun na sabi niya at tuluyan ng umalis.
Di ko namalayan tumulo na pala ang mga luha ko. Ngayon pa ako nakaranas na umiyak. Luha na nasasaktan talaga ako sa mga ginagawa ni Franzine ngayon.
"I'm crying because of her." bulong ko at umalis narin sa rooftop.
---
Franzine Guillar
Paglabas ko ay di muna ako umalis tumingin muna ako kay Nerd at doon ko siya nakitang umiyak ng dahil sakin.
Nasasaktan ako sa mga pinaggagawa ko sa kanya. Napabuntong hininga ako tsaka tuluyan ng umalis sa lugar na yun.
His crying because of me. Damn me!!
Sorry Nerd for making you cry today. I'm really sorry for hurting you.
Di mo lang alam Nerd kong panong sakit ang nararamdaaman ko ngayon. Doubleng sakit!
Sorry Nerd.
___________________
Oh my! Whats happening?
Please keep reading and voting...
Cinelayeers27
BINABASA MO ANG
Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)
Novela Juvenil(Completed) Paano magmahal ang isang Gangster sa isang Nerd? Paano kung may desisyon na kailangan gawin para sa kapakanan ng mahal niya? Paano kung susuko na siya? Pero ang isa naman ay patuloy parin ipinaglalaban ang pagmamahalan nila? Magiging mad...