Chapter 6:A Night with Him

11.7K 177 4
                                    


Venus


Ilang araw na ang nakalipas nung maaksidente si Ice. Hindi parin siya pumapasok, siguro nagpapagaling parin yun. Sana nga. Hys

Si Mars naman hindi rin pumapasok siguro nagbabantay yun kay Ice.


Habang naglalakad ako mag-isa napatigil ako ng makita ang pamilyar na kotse. sh*t!

Tumalikod agad ako parang lang hindi niya makita, binilisan ko ang paglalakad pero nabigla ako ng tumigil ang kotse na yun sa harapan ko..sh*t namann!!

Lumabas siya at agad akong hinila papasok sa kotse niya.

Lalabas na sana ako sa kotse niya pero agad niyang ni-lock ang pinto ng kotse niya.

"Ano ba Ice!! Buksan mo to!!"-sigaw ko pero pinaharurut niya lang ang kotse niya.

"Saan mo ko dadalhin hah!"-sigaw ko pero wala parin siyang imik kaya tumigil nalang ako. Napatingin ako sa mukha niya, may mga band-aid parin ito. Gusto kong hawakan ang mukha niya.

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Ano ba Venus..itigil mo nga ang mga iniisip mo!!

Napansin kong papunta ito sa condo niya, at tama nga ako.

Pinark niya agad ang kotse niya sa parking lot atsaka lumabas na sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Pero nanatili parin akong nakaupo." Lalabas ka ba o bubuhat pa kita."-pagbabanta niya." Ito na nga lalabas na! Kainis!"-inis kong sambit tsaka lumabas sa kotse niya.

Nauna na kong maglakad kay Ice. Alam ko naman kung saan ang unit niya dito.

Pumasok nako sa elevator isasara ko na sana pero nakahabol pa siya.. sayang naman.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng elevator."I miss you."-napatingin naman ako kay Ice na nakatingin rin pala sakin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, gusto kong sabihin sa kanya na.. Namiss ko din siya kaso hindi pwede, hindi talaga pwede.

Hanggang makaabot kami sa unit niya, Binuksan naman niya agad ang pinto. Nung nakapasok na siya, nagdalawang isip akong pumasok pero kailangan ko na itong tapusin.


At nang makapasok na ko sinara naman niya agad ang pintuan, pinaupo niya ako sa sofa niya. So normal

Umupo ako at siya naman pumunta sa kusina at bumalik na may dala ng meryenda.


Umupo siya sa harapan ko.

"Meryenda ka muna."-malambing niyang sambit pero tiningnan ko lang siya. Ang taong sobrang mahal ko.

"Bakit mo ko dinala dito?"-tanong ko sa kanya at naging seryoso ang mukha niya.

"Gusto lang kitang makita at bakit hindi mo man lang ako dinalaw sa hospital."-sambit niya at damang-dama ko ang desmaya at lungkot sa boses niya.

"At bakit naman ako dadalaw sa iyo? nandun naman ang s-soon-to-be-wife mo diba?"-ani ko gusto ng pumatak ng mga luha ko pero pinipigilan ko lang. Di siya umimik, totoo naman diba?;) magmumukha lang ako dung katawa tawa.


"Uuwi na ko."-paalam ko sabay tayo nakailang hakbang palang ako ng maramdaman ko ang braso niya sa bewang ko.

"Please Ve,wag mo kong iwan. Ikaw ang mahal ko, ikaw lang Ve."- ani niya habang humihikbi. Napapikit lang ako, kailangan ko tong tapusin.

Pilit kong tinatanggal ang mga kamay niya pero masyado siya malakas sakin.

"Bitawan mo nako Ice."-utos ko sakanya sabay ng pagpatak ng mga luha ko.

"Hindi, hindi kita bibitawan! mahal kita Ve! Please, stay with me! Please"-saad pa niya.

Napapikit na lang ako. "Ice, wag mo ng pahirapan ang sitwasyon natin."-pagmamakaawa ko.

Kinalas niya ang pagkakayap niya sa bewang ko tska tiningnan ko siya hinawakan ako ng dahan dahan ang pisngi niya.

"Siguro, h-hindi tayo para sa isa't-isa. S-siguro may taong nararapat para satin. W-wag na nating ipilit ang mga bagay na nagbibigay ng sakit satin. "-sambit ko tsaka niya ako tiningnan.

"Hindi tayo itinadhana para magsama."-dagdag ko pero napailing nalang siya.

"Kung mahal mo ko, gagawin mo to. Okay?"-utos ko sa kanya pero siya imiiling parin.

"Hindi, di sa lahat ng panahon Ve kaya kong gawin ang gusto mo. Sana isipin mo naman ang mararamdaman ko para sayo"- matigas niyang ani.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko, nagulat nalang ako ng bigla akong halikan ni Ice nung una hindi ako humahalik ng pabalik sa kanya pero bumigay rin ako. (a/n: ang rupok ampppp!)

Bumaba ang halik niya sa leeg ko habang lumalakbay ang mga kamay niya sa buong katawan ko.

Bunuhat niya ako ng parang bagong kasal kami papunta sa kwarto niya.

Nilapag niya ako sa kama niya ng hindi nababasag ang halik namin.

Pumaibabaw siya sakin at sinimula niya na akong hubaran at ganon rin ako sa kanya.

At nangyari na ang hindi inaasahan.

~~~

Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon