Secret 18

471 23 3
                                    

Secret 18
Im Jaebum


"Anong oras ba ang dating ng mga bata dito?" Tanong ko kay Mark hyung.






Ngayon ang flight ng mga bata papunta dito sa Korea para dito magpasko at New Year.





"8 pm pa. May trabaho ako nun, JB. Ikaw na ang bahalang sumundo sa kanila ha? Tapos dalin mo na lang sila sa agency. Gusto daw sila makilala ni CEO"





"Sige ako ng bahala. Sa likod na lang kami dadaan"





7:30 pa lang ay nasa airport na ako. Mahirap ng malate dahil mga bata pa ang susunduin ko.





"Hyung ang tagal naman nila miss na miss ko na si Jun Young" kasama kong susundo ngayon si Junior dahil katulad ko, namimiss na rin nito ang anak niya.





"Appa!" Napatayo ako sa pagkakaupo ng marinig ko ang sigaw ni Areum na itinutulak ang stroller ni Andrew. Si Andrei naman ay nakasakay sa mga baggage nila habang hinihila ng kaibigan ni Mark na naghatid sa kanila dito sa Korea.





"Areum ko!" Agad kong binuhat ang anak ko na kulang isang taon kong hindi nakita ng personal. "Ang bigat mo na anak"




"Masarap po kasing magluto si tita Kassi eh!"





"Oh Drei halika na pupunta na tayo sa daddy mo kanina ka pa hinihintay nun" binuhat ni Yugyeom si Drei na inaanatok na pala at itinulak na ang parang pushcart kung san nakalagay ang mga bag ng mga bata.





"Hyung ako na magdadrive dyan" suhestiyon ni Junior ng mailagay namin ang mga bag sa likod ng kotse ni mark hyung






"Ako na, junior. Itabi niyo na lang sa gitna niyo si Areum"







Tahimik kaming bumyahe galing airport hanggang agency. Buti na lang walang traffic dahil gabi na at mabilis rin naman kaming nakarating sa agency.





"Appa dito din nagwowork si umma diba?" Tanong ni Areum habang umaakyat kami





"Oo dito siya nagtatrabaho. Kapag hindi siya busy, pupuntahan natin siya ha?"






"Wow Areum ang ganda mo!" Youngjae




"Kamukha mo ang umma mo!" Bammy



"Oh mark hyung ito na ang anak mo. Grabe mapapanis laway ko dito hindi nagsasalita!" Reklamo ni Yugyeom kay hyung at ibinigay si Drei na kagigising lang.






"Aba si Junior proud na proud sa anak niya oh!" Bammy





"Kung ikaw ba naman magkaroon ng cute na anak hindi ka ba magiging proud? Mag-anak ka na rin kasi!" Sagot naman ni Junior




"Ayaw pa nga ni noona eh! Masyado pa daw akong bata" nakapout na reklamo ng isa.





"Ayaw niya lang talaga magka-anak sayo! HAHAHA" dagdag na pang-aasar pa ni Yugyeom





"Appa gusto ko makita si umma" lumuhod ako at pinantayan ang anak ko. "Anak busy kasi si umma eh. Bukas na lang ha? Promise----" naputol ang sinasabi ko ng biglang pumasok si Nayeon at tumakbo papunta kay Areum





"Waaaah ang ganda ganda mo talaga baby girl! Ang cute cute ng pisngi!" Pinang-gigilan pa ni Nayeon si Areum na ikinatuwa naman nito.






"Tita diba kagrupo mo si umm---" bago pa matapos ni Areum ang sasabihin ay natakpan ko na ang bunganga nito. Madaldal na bata!





"Jaebum ito na si Iseul oh" agad namang lumapit si Bammy kay crissa na buhat si Iseul.





"Noona nandito na ako"





"Hoy bammy wag ka dito humarot madaming bata!" Saway naman ni mark hyung.






Matapos ang trabaho namin sa agency ay kinausap lang namin ang CEO at umuwi na sa dorm. Mabuti na lang mabait ang CEO at kahit halos lahat kami ay pamilyado na, tanggap niya pa rin kami.





"Appa diba isasama mo kami sa christmas party niyo bukas?" Bilin ni CEO sa amin na isama ang mga bata sa private christmas party sa agency. Walang media kaya pwede namin isama ang mga bata





"Oo anak. Pero may trabaho ako ng christmas eve kaya hindi tayo magkakasama. Sa backstage lang kayo okay ba yun? Tapos sa gabi ng christmas, dun na may party."






"Yehey makikita ko na rin si umma!" maagang nakatulog ang mga anak ko dahil sa pagod.




Kamusta na kaya sila Junior at Mark hyung?





"Ano ba yan Drew ang baho baho ng tae mo!" Reklamo ni Drew sa anak na hinuhugasan nito. Aba asa namang sagutin siya ng isang taong gulang na anak niya no?





"Mana sayo yan hyung! Bomba din yung tae mo eh!" Yugyeom na naliligo





"Nagsalita ang hindi bomba ang tae" bammy na nagsisipilyo






"Ang hirap pala mag-alaga ng bata! Paano ba natitiis ni Kassandra na mag-alaga ng tatlong bata?" Reklamo ulit ni Junior






"Ganyan talaga kapag nanay ka. Titiisin mo lahat" youngjae.







Kinabukasan ay si Mark hyung nag nagluto ng breakfast. Hindi daw kasi kumakain ng korean dishes ang mga bata kaya american food ang niluto nito. Nagbigay din pala si Kassi ng listahan mula brrakfast hanggang dinner. Talagang tutok ito sa pag-aalaga sa mga bata






"Wow pancakes! I already miss tita Kassi's chocolate drink every morning" Wow englishera!






"Wow Areum engrish spokening dollars!" Youngjae






"I'm sorry I can't copy your tita Kassi's cooking. But please bare with it for the mean time" mark hyung







"Goodmorning everybody! Wow ang daming junakiz!" Biglang pasok ni Jackson na kakagaling lang ata sa queen niya





"buti naisipan mo pa umuwi" bammy





"Syempre may trabaho mamaya eh"





"Oh kumain ko na diyan" aya ko kay Jackson at inabutan ito ng plato





"Sorry kakakain ko lang eh. Alam niyo naman ang reyna ko hindi ako pinapayagang magutom"







Sa aming lahat ay si Jackson lang ay matatawag na matinong relasyon. Hindi pa sila naghihiwalay ni queen at talaga namang mahal na mahal siya nito. At alam naman namin na baliw na baliw rin si Jackson dito. Baliw na baliw tulad ng pagkabaliw ko kay Dahyun noon.

The Secret Life Of Im JaebumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon