How the world works
Chloe's POV
No one tell me that life would be this hard. No one tell me that you need to fight in order to survive. No one tell me that i was born to die.
Pinahid ko ang luhang nagkalat sa mukha ko at mas siniksik pa ang sarili ko sa dingding. Yakap ko ang mga tuhod ko habang umiiyak.
Ako nanaman ang mag isa. Walang ibang tao, ako lang. Minsan naisip ko, mas mabuting ng mag isa ka. Yes, nobody can hurt you but you can hurt yourself.
Nakakapagod pa lang maging feeling strong. Nakakapagod ipakitang malakas ka kahit hindi naman talaga.
Pwede bang sumuko na lang? Total andito na rin naman ako.
Nakakapagod kasing magmukhang tanga sa harapan nila. It's sad when you feel alone in a room full of people.
Pakiramdam ko tinalikuran ako ng buong mundo at ang inaasahan kong matitira sakin iniwan na rin ako.
Naikuyom ko ang kamay ko dahilan para humapdi ito. Nanginginig na hinawakan ko ang blade at tinapat yun sa braso ko.
Siguro nga may mga sakit talagang hindi na kayang tiisin.
Nakapikit akong pinadaan ang talim ng blade sa braso ko. Ilang beses ko itong inulit ulit habang umiiyak. Bawat hiwa malalim. Puno ng sakit.
*kringg~
Nanghihina akong pinulot ang phone kong nagkalat sa sahig.
Napangiti ako ng mapait ng mabasang si Aiden yun. He used to be my whole universe but for him I'm just another planet.
"C-Chloe!!"
"A-asan ka?!"
Pilit kong dinidinig ang boses nya habang nanlalabo ang paningin ko sa sobrang panghihina.
"P-please baby, tell me where are you?!"
"Please baby i'm begging you tell me where you are... please dont do anything stupid,"
Pilit kong iminumulat ang mata ko at tinitingnan ang hiwa sa braso ko. I want to say sorry but i was sick of saying it so I'll just bid goodbye.
Everyone cares when it's too late.
"Chloe, asan ka?!" Muli nyang tanong.
Mariin kong ipinikit ang mata ko. "Kung san pwedeng matapos ang lahat,"
At saka ako sinakop ng kadiliman.
~
Aiden's POV
"Aiden," kahit hindi ako lumingon ay alam ko ng kay Sir Ramirez ang boses na yun. Hindi ko inalis ang tingin ko sa natutulog na si Chloe. Ayoko ng alisin ang tingin ko sa kanya baka mawala na sya ng tuluyan.
"Sir, wala pong magbabantay kay Chloe wala pa ang parents nya. Hindi na muna ako papasok," tuloy tuloy kong sabi.
Hinawakan ni Sir ang balikat ko na parang pinapakalma ako.
Katulad ko magkahalong awa at tuwa ang nararamdaman ni Sir. Awa dahil sa nangyari sa kanya at tuwa dahil sa kabila ng maraming dugong nawala sa kanya nakaligtas pa rin sya.
"Malalaman mo lamang na mali ang isang bagay kapag alam mo na ang tama," biglang saad ni Sir.
"Sermon mo ba yan para sa kanya?" Natatawa tawa kong sambit kahit na umiiyak ako.
"Hindi para sa inyong dalawa." Saad nya. "Akala mo tama ang iwan sya pero napagtanto mong sa huli mali pala. Akala nya tama ang solusyon nyang magpakamatay pero mali pala. Marami tao ang nagpapakamatay, pero isa lang ang hindi ko maintindihan. Are they that strong to face death?"