Bawat pagmulat ng aking mga mata,
mukha mo ang aking nakikita,
iniilusyong ako'y iyong sinta,
ikaw at ako'y nag-iibigan na.
Hindi ko alam kung anong meron ka,
at ang aking puso'y nabihag mo na,
sa aking pagtulog, mukha'y di nabubura,
kaibigan kita, ngunit ito nga lang ba?
Ano nga kaya ang nakita sa iyo?
ikaw nama'y di gaanong matalino,
hindi ka rin naman masyadong gwapo..
ngunit ako'y nabulag ng totoo.
Tunay na puso ko'y lumiligalig,
lalo na kapag ika'y nakatitig,
paanong ang sarili'y aking mahahamig..
ano nga bang nadarama- Paghanga o Pag-ibig??