Before you go, gusto kong aminin lahat lahat sayo. Lahat ng kaisnungalingan ko.. wala ka mang pakielam kung sino ako, at kung bakit ko sinulat 'to pero sawa na akong lagi nalang nagtatago, sawa na akong lagi kong kinocontain feelings ko.. kaya bago ka grumaduate, aamin na ako.
Nagsimula lahat nung nakilala kita sa club na katabi ng club namin. Glee club ako, ikaw naman jammers(more on intsruments). Nakilala kita sa kaibigan ko na kaibigan mo rin. Natandaan ko pa nga eh, ang breezy mo. Pinapatanong mo yung pangalan nung babae na kaclub ko. Ako naman syempre, friendly at matulungin, gagawin ko nga pero sabi mo, joke lang. Hanggang sa kinuha mo ID ko, sabay tinignan pangalan ko. Kaso nagbell na kaya umuwi na ako..
Hindi ka masyadong pansinin sa pangingin ko noon, pero nung dalawang araw bago magkaroon ng schoolfair, nung nakaset up na yung rides, doon, napapansin na kita. Lunch, nakita mo ako sabay kinawayan mo ako. Pagkatapos naman ng lunch, nagkasalubong ulit tayo sa may drinking fountain ata? Tapos nung shift ko na sa pagbabantay sa Caterpillar(kasi section namin may hawak), nakipila ka tapos niyaya mo ako, sabi mo kailangan mo ng kasama.. eh ako naman si Shunga, kahit gusto ko, nireject ko. Gusto ko lang malaman mo na nireject kita hindi dahil ayoko sayo, nireject ko kasi ayokong makita ako ng mga kaklase ko sabihin may bago nanaman ako. Ma-issue pa naman yung mga gunggong na yon. Kaya nung time niyo na sa pagsakay, kada ikot ata napapatingin ako sa reactions mo, na kada Ikot, titingin ka sakin.. nakakatuwa nga eh. Pagkatapos non, nagbye ka na.. pag-uwi ko nung hapon, ikaw yung bigla nalang na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko nga alam kung bakit ganon eh.. ang gara. Parang kanina lang naman kita na notice.. naging lutang ako sayo hanggang magsimula na yung schoolfair. Ikaw na hinahanap ko non, tamang tama, may dedication booth at sila may hawak sa sound system ng buong school kaya parang malaradyo ang dating. Nagpadedicate ako.. "Para po kay kuya James ng 10-HOPIA, ang galing niyo po maggitara tapos ang cutecute niyo po. From kakilala." Narinig ko yon habang papunta na ako ng canteen kung nasaan mga kaibigan ko, pero tsaka ko lang narealize na section mo pala yung naka-assign sa dedication booth. Shet. Kaya nung pag-uwi, nakita ko na dinedescribe nila ako sayo, kung ano damit ko, height at iba pang physical appearance. Buti nalang civilian suot natin tuwing schoolfair, muntik na ako doon.
Pagkatapos noon, nagsimula na rin akong magkaroon ng basher na kabatch mo. Take note, grade 10 siya tapos papatulan niya ako na grade 9, na mas bata sa kanya. How PATHETIC. Nalaman ko sa kaservice niya na iniistalk pala niya ako at mga accounts ko. Nalaman ko rin na ex mo pala siya? Although yung kaservice niya said, lagi mo daw siyang dinedeny but you act as if you were together. Pero tinanong kita, sabi mo naman friends lang kayo.. We'll get back to that later.
Yun namang christmas party na, aba, maloloka ata ako doon. Binigyan mo ako ng gift, hindi ko inasahan seriously. Akala ko wala.. ako kasi wala. Pero hug nalang niregalo ko sayo.. hahaha lakas makabreezy? HAHAHAHAHA. Ayon..
Nung bago naman magnew year, madalas na tayo magkatweet at DM. At ito na, balik tayo dun sa babaeng nambabash sa akin. Natandaan mo nung puro ako nasa timeline mo kasi napaka daldal ko sayo? Tapos halos lahat ata ng tweets mo eh, nakamention ako. Hahaha. Nagpatama ba naman sakin, hindi ako nag-assume na ako yon at first pero nung matagal akong di nagtweet, aba nagtweet ba naman ng "Edi nanahimik ka" sarap jombagin eh. Grabe sya. Pero hindi ko na pinansin, blinock ko na.. and aaminin ko, iniirapan pa rin niya ako sa school until now. Paano ko nalaman? Sabi ng classmates ko na tingnan ko daw siya.. and they're right. Haha.
Nung nagback to school na, pinagawa kami ng sonnet ng teacher ko sa English. Yung akin title "You Aren't" tapos ibibigay daw kung kanino dinededicate. Edi syempre sayo. Pero hindi ako nagbigay kundi, si Sir DG. Pinabigay ko since music teacher ko siya at club moderator niyo siya. Pero nung uwian, pagkatapos ng club, hinanap mo ako. Alam kong papalapit ka na kaya nagtago ako sa bookshelf naming punong puno ng magazines. At himala, nagkasya ako. Pero yung mga lechugas kong kaklase, pati na rin bestfriend ko, binuking ako. Sakalap diba. Kaya nung nakita mo ako, tinanong mo bakit ako nagtatago and well, you know the rest. Basta ako talaga ang gumawa ng YOU AREN'T and para sayo talaga yon.
Tapos nung feastday namin, Hinahanap mo si Nikki, kasi hawak mo ID ng crush niya tapos ibibigay mo sa kanya. Sabi ko sayo gawin mo rin yan sa crush ko.. tapos tinanggal mo ID MO. SHEMAY. GANON NA BA AKO KAHALATA? anyway, maging obvious man kung sino 'to or hindi, gusto ko lang malaman mo pinagdsanan ko dahil sa nagkagusto lang ako sayo. Parang ang dali lang no? Pero ang hirap pala. Yung lagi nalang nila akong pinagtatapon ng paper box, kasi para daw masilayan kita. Loko sila eh, kuntento akong makita ka ng hindi sinasadya. Kuntento na akong hanggang dito lang ako eh.. kasi totoo. Gagraduate ka na, at nalabong magkagusto ka sakin. I seriously doubt that. Kaya talagang senpai kita. Yun nga codename ko sayo eh. Hays. Ang akin lang, grad pic mo lang, sapat na. Haha. Yun lang.. pero seryoso, salamat sa pagiging isa sa dahilan kung bakit ako masaya. Thank you and Goodluck sa Senior life.