Kilala mo ba ako? O akala mo lang kilala mo na ako pero sobrang marami ka pa palang 'di alam.
Kung ikaw talaga ay isang masugid na tagahanga, sinusubaybayan bawat kilos, bawat likes sa instagram, bawat tweets and retweets sa twitter, bawat promotions, tours, cfs, photoshoots at kung ano-ano pa, masasabi mo bang kilala mo na talaga ako?
Ang tunay na ako?
Ang kaibahan ko kay G-Dragon?
Ang pagkakaparehas namin?
Ang pagkakasalungat namin?
Mahirap maging ako akala mo lang. Sobrang dami ko nang pinagdaanan sa buhay.
Kung ikaw naman ay hater or anti ko, marami ka rin sigurong alam sa akin noh? Minsan daig mo pa nga ang ibang mga tagahanga sa sobrang dami mong alam na impormasyon tungkol sa akin.
Tama naman ba 'yang mga sinasabi mo at iniisip mo? O gusto mo lang talagang baluktutin ang katotohanan para merong mapag-usapan tungkol sa 'kin? O baka naman ang sarili mo ang gusto mong mapansin?
Tama na nga 'to....
Ako si Kwon Jiyong
na mas kilala sa aking stage name na G-Dragon...
Kakabit ng aking pangalan ay ang kasikatan, ang karangyaan, papuri...isama mo na rin ang pambabatikos na inaabot ko sa mga taong hindi naman talaga kilala ang tunay na ako at kung ano-ano lamang ang pinagsasabi.
Ang aking buhay pag-ibig?
'Wag niyo na nga lang itanong. Malabo e.
Ang masasabi ko lang sa ngayon e, "When we meet, we greet each other with Bbo Bbo Bbo. When we say good bye, we say see you later with Bbo Bbo Bbo."