ONE
Nagising ako sa sinag ng araw. Minulat ko ang mata ko, inaayos ni Mama ‘yung kurtina ng bintana ko. “Happy birthday baby boy!”
“Hindi na ako baby boy Ma, eighteen na ako,” umupo ako sa kama. My mother sat beside me and planted a kiss on my forehead. “Ma, ang aga niyo akong ginising.”
“It’s already ten in the morning,” tumayo na siya. “Get up. Madami pa tayong aayusin para sa birthday party mo mamaya.”
“Ma, birthday ko naman ngayon. Can’t I celebrate it with my bed?”
“No dear. Your celebrating your birthday with your fiancee tonight,” then she left my room.
Ugh. That fiancee thing again. Mula bata ako, minulat na akong hindi ako manliligaw dahil may babae na para sa akin. They have this business friend a daughter. I just hate this damn arranged marriage! I don’t know this girl. I don’t even know her face nor her name. >.<
Bumaba na ako after I got bored in my room. Naabutan kong nanonood si Jianna, my older sister, with her fiance sa living room. I just call her by her name dahil ayaw niya daw magmukhang matanda. Binati nila ako, syempre I thanked them. She’s lucky, Kester’s a good looking. Mas pogi pa din ako. Hahaha. Nagkakilala din sila ni Kester nung debut niya. They fell in-love that day.
Tsssss. Love at first sight isn’t real. You need to know someone before you fall in-love. >.<
The whole day, sinamahan kong maggrocery si Mama at si Manang Felia. Birthday na birthday ko pero utusan ako. Hindi daw pwede yung driver namin so I have to drive them. Si Papa naman, hindi naman maaasahan yun na ipagdrive sila. Eh ako na lang ang lalaki sa bahay.
Mabuti na lang after pinagpahinga na ako ni Mama para daw may energy pa akong harapin mga bisita ko mamaya. Mabuti na lang at di ako tumataba.
“Jarred!” katok ni Jianna sa pintuan ng kwarto ko. Humihikab pa akong binuksan yung pintuan. “Be ready, we’re leaving in thirty minutes. Umalis na sila Papa, ikaw magdadrive sa akin. Kester will be late.”
“What?” kamot ko sa ulo.
“It’s already six in the evening,” then she left. “Hintayin na lang kita sa baba.”
Ugh. Can’t I celebrate my birthday in my way? Gusto ko lang naman ng simpleng celebration. Gusto kong tumambay sa Quantum kasama ang mga barkada ko hanggang sa magsara. Tapos mag-inuman sa Terry’s, yung tambayan naming resto. Pero pinipilit ni Mama yung ganito. >.<
Naligo na ako at nagbihis. Sinuot ko yung tuxedo na binili ni Mama last week. I have no choice, I don’t want to hurt my mother’s feelings.
Pagdating namin ni Jianna sa restaurant, puno na halos lahat ng table. Sabi nila, pili lang daw yung pupunta but, ugh! Ni hindi ko nga kilala ang mga ito. Pinakilala ako ni Mama sa mga bisita. Binati nila ako. Sinabihan pa akong ang pogi ko daw. Hahahaha.
Tapos maya-maya hinila ako ni Papa. “This is my son, Jarred. Jarred, siya si Mr. Arnulfo Saavedra.”
“Hello po,” ngumiti ako. Nakaharap ako sa bald na lalaki. Ngumiti din siya sa akin.
“Happy birthday iho. You’re really good looking, mana ka sa Papa mo.”
“Mana talaga ito sa akin kumpadre. Ganito din ako kagandang lalaki noong ganito ang edad ko,” pagmamayabang ni Papa. “Nasaan ba ang anak mo at ng magkakilala na sila?”
BINABASA MO ANG
THIS GIRL HAS GONE FAR AWAY (short story)
Короткий рассказAng pang-MMK na love story nina Jarred at Shina. This is a love story how love conquers all. :)))