Ivy's POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa cafe kung saan kami magkikita ni brix. Hindi ko alam kung bakit niya naisipang makipag usap sakin at wala akong idea kung bakit.
Malapit lang naman yung cafe since nasa tapat lang ito ng school na pinapasukan ko kaya naman mabilis akong nakarating doon.
Pumasok ako at humanap ng pwesto. Dun ako naupo sa bandang dulo. Wala pa si brix kasi mamaya pa matatapos ang last subject niya. Isang subject lang kami hindi magkaklase at iyon yung last subject namin. Oh hah! Alam na alam ko pati schedule niya.
Nakatingin lang ako sa labas habang hinihintay siya at tinitignan yung mga taong dumadaan nang may umupo sa tapat ko.
"Sorry! Kanina ka pa ba?" Nung una nagulat ako pero kalaunan ay napangiti ako. "H-hindi naman! Actually k-karating ko lang" Nakangiti pero nahihiya kong sabi sakanya. Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip kung bakit makikipag kita siya sakin. Baka naman nagandahan na siya sakin at naisip niya na ako yung love of his life! Emeged! Kinikilig ako kapag iniimagine ko yun pero sabi nga nila masakit mag assume.
"Wait! Oorder lang ako" Pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na siya papunta sa counter at umorder. Maya maya pa ay bumalik na siya at may dalang dalawang frappe.
Pagkaupo niya sa upuan ay inabot niya sakin yung isang frappe na binili niya. "S-salamat!" Nahihiya kong sabi. Hindi ko mapigilang mautal kapag nasa harap ko talaga siya.
"Amm... siguro nagtataka ka kung bakit kita niyaya ngayon when in fact hindi kita kinakausap sa school nor nilalapitan " Di ko alam kung masasaktan ako o matutuwa sa sinabi niya. Masasaktan dahil sa sinabi niyang hindi niya ako kinakausap sa school o matutuwa dahil kinakausap niya na ako ngayon. Hay naku! Hindi nga muna ako mag iisip ng negatives ngayon. Just go with the flow!
"N-nakakapagtaka nga! B-bakit mo ba naisipang m-makipag kita s-sakin?" Aish! Nauutal nanaman ako. Natawa siya sa sinabi ko or should i say sa way ng pag sasalita ko. Nakakahiya! >_< pero atleast napatawa ko siya! Good job ivy! May one point ka na.
"Hahaha! You're so cute" Nakangiti niyang sabi. Enebe! Tigil tigilan moko brix nekekeheye ne! Arrggh! Stop being pabebe ivy! Focus muna ngayon. Nababaliw nanaman ako dahil kinakausap ko ang sarili ko dahil sa kanya. Iba talaga kapag siya ang nasa harapan ko. Ang lakas ng tama ko dito.
"Hehe! T-thankyou!" Nakayuko kong sabi kaya hindi niya nakita ang pagbablush ko. Hindi ko magawang makipag eye to eye sakanya kasi feeling ko matutunaw ako! Okay feeling ko lang yun. "Amm.. zoe? May gusto lang sana akong itanong sayo" ayoko talagang tinatawag ako sa pangalan na zoe pero kapag siya ang tumatawag sakin nun okay lang.
"A-ano yun?" Nakayuko pa rin ako hanggang ngayon. Sobrang importante ba ng itatanong niya at kaylangang sa cafe pa kami mag usap? Parang date na to eh! Parang lang naman.
"Can i court you?" Hindi ko narinig yung huli niyang sinabi kasi biglang dumating yung pinaorder niya na strawberry cake. Tsk! Wrong timing naman oh! "I-im sorry! What was that? Di ko n-narinig yung huli mong s-sinabi eh" Inangat ko na yung ulo ko para makita siya.
"Zoe? Can i court you?" Nagulat ako sa tanong niya kaya naman bigla kong kinuha yung frappe at walang ano ano'y nilagok ko ito. Lagok talaga kasi hindi inom ang tawag dun sa ginawa ko. No poise ivy! Tsk! Baka ma-turn off si fafa brix mo niyan.
"H-huh?" Kunwari di ko narinig kasi sasabog na ako sa kilig. Naku naman brix! Ang lakas talag ng tama ko sayo.
"Hahaha! Can i court you ivy zoe villaruz?" At hinawakan niya ang kamay ko. "Mahal na kita dati pa! Hindi kita magawang kausapin kasi feeling ko baka hindi mo ako magustuhan at natatakot akong mareject mo pero nagkaroon ako ngayon ng lakas na loob para tanungin ka kung pwede kitang ligawan, so please say yes" Nakatingin siya ng diretso sa mata ko at feeling ko matutunaw nanaman ako. Nag paproccess pa rin sa utak ko ang mga sinabi niya sakin. Para kasing biglaan at imposibleng sabihin niya yun. Gustong kung itanong kung kelan niya pa ako minahal but i found myself saying
"Yes!" At naramdaman kung niyakap niya ako.
BINABASA MO ANG
Certified: Playboy
Teen FictionAkala ko nagbago na siya Hindi pa pala Ang tanga ko lang kasi naniwala ako sa isang Certified playboy