"Alam mo, kalimutan mo na lang kaya siya. Di ka naman mamahalin nun." Sabi ni Patrick na parang wala lang. Kalimutan? Napaismid na lang ako nang marinig ko ang sinabi niya.
"Kung siguro madali lang kalimutan siya matagal ko nang ginawa. Para hindi na nasasaktan ang puso kong walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya. Oo tanggap ko na na hindi nia ako mamahalin. Kasi nga diba, may mahal siyang iba." Mahabang saad ko habang pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko.
Ang sakit eh. Masakit isipin na hundi ka magawang mahalin pabalik ng taong mahal mo. Na kahit na binigay mo na sa kanya ang lahat, hindi pa rinn sapat.
"Ginawa ko naman ang lahat. Binago ko yung sarili ko para ako yung magiging babae na gugustuhin niyang mahalin. Yung babaeng maipagmamalaki niya. Yung babaeng iingatan at aalagaan niya. Pero bakit ganun? Kung sino pa yung nag-e-effort ng todo, sila pa yung hindi pinapahalagahan. Yung taong binabalewala't fine-friendzone lang." Dagdag ko pa. Tiningnan ko si Patrick na nakatingin lang sa malayo.
"Alam mo kung bakit nababalewalla yung mga taong nnag-e-effort katulad mo?" tanong niya sa akin at tiningnan ako sa aking mga mata. Umiling ako bilang sagot. Iniwas ko na yung tingin ko sa kanya at napatingin nalang sa kawalan habang inaabangan kung ano ang magiging sagot niya.
"Dahil wala ng espasyo sa puso't isip niya para sa'yo. Dahil mayroon na siyang minamahal na iba at hindi ikaw yun."sabi nito. Napa-buntonghininga na lang ako.
"Kaya kung ako sa'yo, tama na ang pagpapaka-tanga't bitawan mo na siya. Ay, wala ka palang bibitawan kasi wala ka namang pinanghahawakan." Sabi nito at tumawa ma ng mahina. Yumuko na lang ako kasi di ko magawang tumawa gaya niya dahil ang nararamdaman ko ngayon ay purong sakit.
"Uy joke lang. masyado mo namang dinidibdib. Wala ka namang dibdib." At tumawa siya pagkatapos sabihin iyon. Tiningnan ko lang siya ng masama. Pero alam kong gusto niya lang pagaanin ang loob ko.
"Joke lang. Ito naman." Pagsuyo niya kaso di ko siya pinansin. Narinig kong nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga.
"Alam mo, kailangan mo na talagang bumitaw sa kanya." Seryosong sabi nito.
"Ayoko. Baka kasi sa panahong bumitaw ako, doon niya mapagtanto yung halaga ko." Sabi ko sa kanya. Malay mo, kami pala talaga sa isa't-isa.
"Paano kung hindi?" taning nito na ikinatahimik kong muli. Naramdaman kong muli ang sakit sa puso ko. Namumuo rin ang galit dahil kanina ko pa nahahalatang pinamumukha niya sa akin na wala na talaga akong pag-asa sa taong mahal ko. Na kailangan kong nbitawan siya.
"Dapat bumitaw ka na----" di ko siya pinatapos dahil napupuno na ako at di ko mapigilang pagtaasan siya ng boses.
"BAKIT MO BA PINAGPIPILITAN NA BUMITAW AKO SA KANYA? AKALA MO MADALI? HA? SINO KA BA?" sigaw ko sa kanya. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at mababasa mo roon ang sakit. Nakita kong ikinuyom niya ang kanyang kamao.
"Ako lang naman ang taong handa kang saluhin sa panahong bibitawan mo na siya. Ako lang naman yung kaibigan mo na effort ng effort pero di mo napapansin. Ako lang naman yung lalaking mahal ka pero di mo magawang mahalin!" sabi niya ng may diin at tiningnan akoo ng diretso sa aking mga mata.
"Simula't sapul ako yung taong nasa tabi mo. Ako yung laging nakaalalay at nakabantay sa'yo. Ako yung lalaking patago kang minamahal kaya patago ring nasasaktan." Dagdag pa nito. Hindi ko magawang magsalita dahil sa gulat. May kung ano akong nararamdaman dito sa puso ko at di ko alam kung ano ito.
"B-bakit ngayon mo lang sinabi?" maang tanong ko sa kanya.
"Bakit, kung sinabi ko ba ng mmas maaga na mahal kita, mamahalin mo rin ba ako?" tanong nito.
"Kung siguro inamin mo, siguro ang sagot ko'y oo. Di ka naman mahirap mahalin e. Pero bakit ngayon lang na may mahal na akong iba?" tiningnan ko siya. Kumalma na siya ngunit nandoon pa rin ang sakit sa mga mata niya na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.
"Papayagan mo ba akong tulungan ka para makalimutan mo siya?"