Gaano nga ba kasakit ang iwan ng taong pinakamamahal mo sa lahat
Paano ka pa magtitiwala kung halos lahat sila lagi kang pinapaluha at binabalewala?
Yong pakiramdam na akala mo kayo na pero para sa kanya hindi pala.Pinaglaban nyo ang isa't-isa tapos isang araw malalaman mo na lang na na wala na sya.
Buti pa ang bula makikita mo ang pagwala..eh yung lalaking minahal ko ng higit pa sa buhay ko nawala na lang at di na nagpakita.
Kung gaano kabitter ang mga tanong ko,ganun din kabitter ang lovelife ko.Ako kasi yung taong laging iniiwan sa hindi ko malamang dahilan.Maddie ang pangalan ko at wala yatang kasing malas ang buhay ko
Iniwan na nga ako ng parents ko,iniwan pa ako ni Rex..ang lalaking kinabaliwan ko since highschool .Gusto nya rin ako at naging kami kahit ayaw sakin ng side nya.Pinaglaban namin ang isat isa kaya lang isang araw diko na sya nakita.
Kahit anino nya hindi ko nakita.Wala akong ideya kung nasan sya.
New year sya nawala at mag iisang taon na ngayon mula ng iwan nya ako.Galit ako sa kanya,tinakasan nya ako ,siguro kasi wala na syang nararamdaman sakin at diko lang nahalata
"Miss? Miss pabili " untag sa akin ng babae
"Layo ng iniisip natin hah?" Sabi pa nito sabay ngiti
Ngumiti ako ng pilit.Sino ba tong masyadong FC?Kala nya naman close kami.May pangiti ngiti pa sya..duh? Sino na tong estrangherang to? Infairness mukhang galing manila.
Mukhang boyish,ano pa kaya? Hmmm mukhang makulit at cute din sya
"Miss magkano to?" Sabay hawak sa patatas habang nakatitig sa akin
"Malay ko hindi ko alam" sabi ko sabay reply sa nagtxt
"Eh ito na lang.Magkano isang kilo?"
"Bat ba ako ang tinatanong mo?" Naiinis ko tayong sa kanya
"Eh sinong dapat kong tanungin?Free ba'to,Get what you want?" Nakangiti nitong tanong.
"Di'ko to tindahan.Sa tita ko to.Pumunta lang ako dito para maghanap ng signal"
Ang ba naman tong babaeng to kung makangiti wagas,type ata ako.Tsk uso pa naman ang mga ganun ngayon
"Ganon ba?Tutal nandyan ka rin lang naman sa loob baka pwede namang pagbilhan mo nako"
"Sorry,ayoko.Baka mapagalitan ako " pagpapalusot ko
Bat ba kasi ako pa ang nautusan magbantay dito?Nakakainis ang mga mamimili dito.Masyadong makukulit.Pano kasi si ate ella dapat ang nandito pero ayun nasa galaan haayy kakahighblood.Dumagdag patong babaeng to
"Dimo naman ipapamigay eh.Bibilhin ko naman"
Ok fine sige na nga ,pagbilhan ko na para makaalis na tong babaeng masyadong pacute,as if naman cute sya.
Hoy Kakasabi mo lang kayang cute sya
Ay sige brain ganyan ka na, oo na nga cute sya hindi lang cute maganda pa.
Magandang tirisin grrr
"Anong bibilhin mo?" Pagtataray ko " bilis,bago pa magbago ang isip ko"
"Magkano tong softdrinks?"
"15" sagot ko "eh itong junk foods?"
"Ahh 6"
"Yung slice bread magkano?"
"Bibili ka ba o magtatanong?" Singhal ko sa kanya
"Magtatanong at bibili .Sungit sungit naman nito" pabulong lang yung huling part kaya hindi ko narinig
"May sinasabi ka?
"Wala"
"Bibili ka ba o ano?" Naiinis kong tanong
"Ok sige pakibalot na lang ng mga items na yan.pakisama na rin yong cobra't slicebread"
"Aling items?"
"Kahit ano jan basta di lang maglampas ng mga1000 price"
Hayy poor me,ang dami ko tuloy babalutin.Mayaman yata tong babaeng to at walang magawa sa buhay kaya naggagasta ng pera sa kung ano anong walang kwentang bagay
"Pakibalot muna to ha.Upo lang muna ako dun.By the way,I'm Bea..how about you missy?" Sabay abot ng kamay sa akin
"Secret"
"Can i get your number?"
"Sorry pero hindi pwede" sabi ko sa mataray na tono
"Ahh ok" sabi nito at tumalikod
Umupo ito sa shed kasama ang mga kababaihan.Infairness ang gaganda nila,naiba lang yung Bea na yun hmmp
Nang matapos kong maibalot,sinenyasan ko sya para ipaalam na tapos na.
"Salamt miss..Ilan lahat?" Pagpapacute nito tanong na maya kasamang kindat ..ugh I swear nagtayuan yung mga balahibo ko
"800" sabay lahad ng kamay ko sa harap nya
Hinawakan nya kamay ko at pinagtiklop ang palad ko habang nakangiting nakatingin sakin
"Here keep the change .."
Iniwas ko yung kamay ko...ano ba yung nafeel ko parang naground ako
"Wag mo nga akong hawakan,makakaalis ka na"
"Sorry naman...aalis na po miss suplada " sabi nya habang hindi parin nawawala ang ngiti nya
Tumalikod na sya,hindi pa sya nakakahakbang nung humarap ulit sya
"Btw Maddie your hands is so soft that would definitely fit with mine.This is not our last meet up so be ready cause --- sabay lapit sa tenga ko
"I'll bend you even your straighter than a ruler" sabay dampi nung labi nya sa tenga ko
Nanginginig naman ako nakatanaw sa kanya habang papaalis.Hindi parin ako makarecover sa ginawa nya.Isang malaking katanungan kung pano nya ako kilala at anong meaning nung sinabi nya kanina...ugghhh fuck that Bea
Makakabawi din ako sayo
****
So sa tingin nyo?Itutuloy ko ba? Nagpeplay kasi yan sa isip ko lately ...
Ano maganda ba?I need your suggestions
Balak ko na ding madaliing tapusin yung isa kong story,nakakahiya naman kasi sainyo,lahat na lang on going ang mga story ko
-Icedhen10-
BINABASA MO ANG
Dream BOY Nga Ba??? (Beaddie Fanfic)
RomanceDahil I love ALE naisipan kong gumawa ng story na sila ang chracter.. So sana magustuhan nyo to at suportahan gaya ng sa iba kong story Shipper ako ng Beaddie dahil crush ko si bea and maddie haha char So kita na lang tayo sa prologue ---