Mission 65
Ngayong tinitingnan ko ang aking repleksyon sa salamin, kahit ako ay mabilis kong napansin ang malaking pagbabago sa akin. Malaki ang nabawas sa aking timbang. Kahit ang mga mata ko ay wala nang buhay at namumutla na ang aking balat.
I looked like a living zombie.
What should I expect? I don't have the appetite to eat. At kung hindi pa ako pipilitin ng mga pinsan ko, hindi na ako makakakain sa buong araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang katawan ni Dad. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko. Is he still alive? But that's too impossible.
Ayoko ng umasa dahil alam ko sa bandang huli ako lang ang masasaktan. Ako lang ang mananakit sa sarili ko, I should accept the fact that I don't have my parents anymore. I haven't even had the chance to experience a complete and peaceful family. Lagi na lang may gulo, lagi na lang may kulang. Lagi na lang may hadlang.
Mag iisang linggo na matapos mangyari ang pinakamalagim na parte ng aking buhay. At hindi ko alam kung papaano ulit mag uumpisa. Sa buong linggo inubos ko ang mga oras ko sa pagkukulong sa kwarto at ngayong araw lang ulit ako lalabas.
His burial.
Marahan kong sinusuklay ang maiksi kong buhok na bahagya lamang sumasayad sa aking balikat. I did apply powder and I put my shades to hide my lifeless eyes. I need to look decent atleast.
I did stand up and for the last time I checked my full reflection wearing a black simple dress.
Flashback
Hindi lang pala pagsabog ng barko ang gugulat sa amin. Dahil ang narinig kong balita ay mas matinding pasabog na talagang tagos hindi lamang sa aking puso kundi pati na rin sa mga Ferell.
"I'm sorry...it's because of me" all I did is to look down on the floor. I can't stand the fact that I might see their eyes full of hatred towards me.
Katahimikan lang ang bumalot sa amin. Wala kahit isa ang nagsasalita sa mga Ferell, natatakot ako sa katahimikang ito, natatakot ako sa anumang pwede nilang sabihin. Natatakot ako na marinig mula sa kanila ang paninisi sa lahat ng mga nangyaring ito.
Alam kong may karapatan sila para isisi sa akin ang lahat pero ang marinig ito mula sa kanila, mula sa mga boses nila na kailanman ay walang ginawa kundi pakalmahin, pasayahin at ipadama sa akin ang pagmamahal ay hindi ko makakaya.
Napaka laki ng parte ng mga Ferell sa buhay ko. And having the thought that someone from them is....
There's a sharp pain in here, napahawak na lang ako sa dibdib ko. This pain is killing me.
"I'm sorry...I'm sorry.." paulit ulit na sabi ko.
"I'm sorry..." niluhod ako ni Nero para magpantay kaming dalawa. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Ako ang may kasalanan ng lahat.
BINABASA MO ANG
Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)
Roman d'amourFormer title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in white feathers...caught by lies and secrets. Book 1 of Arms Trilogy Covers are not mine, credits to rightful owner.