Dadagdagan ko ng ilan pang chapters. I don't know kung ilan pa, probably 5-10 more. Bahala na hahahaha.
-~-
Everything went well for a week. Busy sa trabaho pero mas marami ng free time kumpara last week, ganoon din si Jerome kaya sinundo niya ako ngayon sa bahay.
"Jerome, make sure nakauwi na si Janella before 2 pm," walang-lingon na paalala ni Mama.
Agad tumango si Jerome, "Yes Tita. Sige po, mauuna na kami."
Tumango si Mama at nanatili ang titig sa TV, "Ingat.."
Bumaling ako kay Jerome. Ngumiti siya at lumapit sa akin, "After you."
Ang aga-aga, buhay na buhay ang diwa ko at hindi ko mapigilang ngumiti ng malaki. Pinagbuksan niya ako sa kotse pagkatapos ay umikot siya papasok sa driver's seat.
Kakain lang kami ng lunch sa isang restaurant ngayong araw, may photoshoot pa kasi ako mamaya kasama sina Elmo at Joshua.
We should really be careful. Naging mahigpit rin si Mama sa amin, naiintindihan ko naman. This will be a really busy year for me, ang dami kong nalaman na plano ng management para sa akin. They all kept on saying I should be wise on making my decisions. And I know they're right.
"We should make it fast. May trabaho pa ako at saka.. baka may makakita," suhestiyon ko.
Kumunot ang noo niya pero tumango na lang. Bumaling siya sa akin, "Kailan magsisimula ang taping niyo?" he asked referring to my upcoming soap.
"Early March.."
"Sa Japan?" sumulyap siya at nagtaas ng kilay. Tumango ako. Hindi na siya nagsalita ulit hanggang sa nakarating na kami sa restaurant.
"Don't worry. Private restaurant 'to.." sabi niya bago lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan ako.
Nilahad niya ang kamay niya, I gladly placed my hand on top of his. Pinaglalaruan niya ang mga daliri ko hanggang sa makapasok kami. Napangiti ako. I like it whenever he plays with my hands.
Tama nga ang sinabi niya, isang pribadong kainan ang restaurant na ito at talagang kakaonti at sobrang magkakalayo pa ang mga tao.
Habang naghihintay sa order namin, nagkukuwentuhan lang kami tungkol sa kung ano-ano.
"I'll be one of the interpreters sa himig handog. One-half, actually.."
Nag-angat siya ng tingin sa akin, nagtataka.
"Duet kami ni Marlo, e."
Napangiti siya bigla. "Talaga? Congrats sa inyo!"
Natawa ako, "Why are you so happy today?"
Ngumuso siya na parang nagpipigil ng ngiti. Matagal kaming nagtitigan, pinipigilang tumawa at kumurap. Only to be interrupted by the waiter na dala na ang pagkain.
Pagkaalis niya, humilig si Jerome sa lamesa. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at nangingiti pa rin.
"Bakit naman ako hindi magiging masaya? Kasama kita.." he grinned devishly.
Uminit ang pisngi ko. Napansin niya siguro ang panumula ng pisngi ko kaya bahagya siyang tumawa. Umupo na siya ng maayos at nagsimula kaming kumain.
"Magiging busy ka na sa March. May oras ka pa kaya sa 'kin?" may halong panunukso ang boses niya.
Nagtaas ako ng kilay.
"Ah, wala?" umiling siya at tumango, nang-aasar pa rin, "Naiintindihan ko."
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
DiversosWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...