Prologue

4.8K 169 53
                                    

2013

Kailangan naman n'ya ng bagong gadget kahit kabibili pa lang n'ya noong nakaraang araw. Marami tuloy ang nagtataka kung bakit wala naman siyang trabaho pero lahat ng luho n'ya sa katawan ay para lang pinipitas na kamatis sa likod-bahay. Walang humpay kung mamunga.

Tinanong ko siya kung saan nanggagaling ang buhos ng grasya na animo'y bukal na bumubulwak ng pera. Lahat daw yun sa internet n'ya nabili at hindi na kakailanganin pa ng credit card o ano pa mang payment system. In short, libre. Kahit daw pera kung kailangan n'ya... zooom fund transfer kaagad. At yung pulang kotse, isa pa yun, pansamantala daw munang pinahiram sa kanya.

Pwede ba yun? Ano ito lokohan?

Pero may limitasyon daw. Magdedepende daw ito sa ranking ng recruit. Mas mataas, mas madaming perks. Ibig sabihin may quota sila at may initiation.

Intriguing.

Bago pa man ilahad sa akin ng ilan sa mga nalalaman pa n'ya, pinagmasdan ko muna ang ginagawa n'yang proseso sa pagbili sa internet. May home page sila... SSS? Ano yun para sa mga pensioners? Naglog-in, s'yempre may password. Hinanap ang link ng Amazon at sa all department tinayp ang camera... basta dun na lang tayo sa cart. Hiningan ulit siya ng password at............. tinayp ang command na Alt... what the.. six times. Shit!

Pinaliwanag din n'ya sa akin na may apps na rin ito kung balak na bumili gamit ang cellphone. May specialized keyboard daw ito para sa password.

Pagkatapos nun, tinanong n'ya ako kung interesado ako. Sabi ko, pag-iisipan ko muna.

Ako ito.. Oo ako mismo ito.

10 days bago ang eksena sa taas...

#Romeo's Initiation

Tambay lang s'ya, walang pinag-aralan, maaagang nakapag-asawa, may dalawang anak, tatlo at isang taong gulang, paextra-extra lang minsan bilang dispatcher sa jeep. Gabuhok na rin ang pagitan ng kulungan sa masasabi n'yang tahanan dahil dalawang beses na rin siyang nasangkot sa pagnanakaw na sa tingin n'ya'y tanging paraan para maibsan ang nangangalit nilang sikmura. Nangangamba na baka isang araw, rehas na ang magiging kaakap n'ya sa gabi. Sa araw ding 'yon, mataas ang lagnat ng kanyang bunsong anak, walang pambiling gamot kaya't umaasang sa hiwaga ng tubig at pamunas, kahit papaano'y maaapula ang nangangalit na init sa katawan nito.

Ten pesos na lang ang natitirang pera n'ya na nakaipit sa kanyang punit-punit ng brief. Sa dami ng kanyang problema.. gusto n'yang mag-anwaynd. Wow unwind ha. Facebook at games.. kalahating oras, ayos na yun, sabi nya sa sarili. Diretso sa paboritong tambayan, ang Unwind Internet Cafe. Naglog-in sa Facebook. Una n'yang nakita, tatlong gustong makipag-friend. Click.. tiningnan ang profile ng isa. Aba hanep.. ganda , sabi sa sarili. Peke yan... eh ano wala naman mawawala, pagsalungat na sabi n'ya sa sarili. Ilang saglit pa, lumabas ang chat box ni...

Denise: hi..

Romeo: Sasagutin ko ba? Elo.. reply nya.

Pinagpawisan kaagad ang kamay at kilikili n'ya kahit naka-fully aircon ang room. Sa limang segundong nakalipas, nakalimutan kaagad ang pinapasan n'yang problema.

Matagal din ang palitan nang dalawa, kinikilig si Romeo hanggang sa mapunta sila sa usapang pera...

Denise: Alam kong nangangailangan ka ngayon ng pera, makinig ka sa akin nang mabuti. Hindi na yan problema.

Romeo: Shet, pano n'ya nalaman. Di n'ya tinayp.

Denise: Simple lang ang ipapagawa ko sa'yo sa halagang limang libo. Shoot ka ba?

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon