" Hindi lahat ng nang-aasar sa'yo, trip ka
lang,
....
Kadalasan, 'yong iba inaasar ka para
mapansin mo siya,
at iparamdam na mahal ka niyang talaga." ;-)Si Michelle De Magueba ay lumaking mahiyaing bata. Siya'y isang probinsyana. Siya'y nag-aaral sa pampublikong paaralang pang-elementarya 'Macanesta de Buen Gusto Elementary School' hanggang siya'y nakapagtapos ng Grade Six.
Ikaanim palang na baitang si Michelle ay nagdadalaga na kagaya ng kanyang mga kaklase. Nagkaroon nga siya ng "crush" na kaklase pa niya. Ito'y si Kelvin Villafuentes. Siya ang binatang palagi ring nangungulit ni Michelle at papansin masyado. ;-)
Months Later....
Nagtapos sila sa ikaanim na baitang. Si Michelle ay nagtapos sa kanyang elementarya na may award. Siya'y naging Valedictorian.
After Vacation....
Enrolment......
Naisipan ng mga magulang ni Michelle na pag-aralin siya sa pribadong paaralan sa kanyang sekondarya. Naging iskolar siya sa isang prestiyosong paaralan sa Macau City na Villaflores University kaya naman mas minabuti niyang magsikap sa kanyang pag-aaral. Isang masipag na magsasaka ang kanyang ama habang isang guro naman ang kanyang ina.Unang Araw ng Klase (High School) :-/
Unang araw ng pasok ay naninibago siya sa lahat. Ang akala niya ay matatalino lahat ang mga kaklase niya kaya siya'y kinakabahan na baka 'pag siya ang tinanong ng guro ay hindi siya makasagot.
Pagpasok nila sa pangalawang subject ay inatasan agad sila ng guro na kumuha ng isang kapat na papel at sumulat ng ekspektasyon sa paksa at sa guro dahil nga first day of school palang.
Ngunit, sa sobrang nerbiyos ni Michelle ay hindi niya masimulan ang kanyang susulatin kaya nagtanong muna siya sa kanyang katabi kung paano simulan ang pagsulat ng isang ekspektasyon.Hindi siya kagaya ng dati na maraming crushes sa buhay, Hehehe. Nawala iyon dahil pukos na pukos siya sa kanyang pag-aaral lalong lalo na iskolar pa siya sa paaralang kanyang pinapasukan.
Hanggang.......Sabi nga nila, normal lang ang magkakaroon ng crush, eh kapag wala nagiging abnormal kana daw.. :-)
Hindi nga natin maiwasang walang crush dba?? Hihi xD
Noong second year na si Michelle ay marami na siyang nakahalobilong mga estudyante lalong lalo na sa kanyang mga kaklase dahil nga hindi na siya ganun ka mahiyain.
Class mode...
Matapos ang discussion ng guro nila sa Araling Panlipunan ay mayroon itong ipinasipi sa pisara. Habang nagsusulat si Michelle ay kinukulit naman siya nitong isang mataas, may hindi gaanong kaitim na kompleksyon, may matangos na ilong at may itsura rin naman.
Siya'y si Charles Lewis. Palagi niyang hinihila ang kanyang silya para lang itabi sa kinauupuan ni Michelle habang palagi namang lumalayo at umiiwas si Michelle. Ngunit hindi na niya ito matiis kaya nagsumbong si Michelle sa kanilang guro."Aduh,! Naibog rana siya nimo maong siging panghilabot" ito ang mga katagang sinabi ng guro matapos ang kanyang pagsumbong. Doon nagsimula ang mga asaran at tuksuhan ng kanyang mga kaklase sa kanilang dalawa ni Charles.
"Oiiiiiiiii...."
Sa sumunod na araw ay hindi na nangungulit si Charles kay Michelle. Si Michelle naman ay palaging inaasar ng kanyang mga kaibigan.
Dahil don nagkailangan na silang pareho. Hindi na sila naging CLOSE friend, FRIEND na lamang.Dumaan ang ilang mga araw at bakasyon na.
---it's summer time---
Pagkatapos ng bakasyon ay pasukan na naman. Third Year High School na sila. Unang araw pa lang ng klase ay nahuli siya. 8:15am na siya dumating imbes 8:00am ang unang klase niya. Okay lang dahil unang araw pa lang naman ng klase.
BINABASA MO ANG
Girly Thing Called "Crush"
Teen Fiction(Ito'y basi sa totoong karanasan ng may akda. char! Hihihi xD) High School life story ito ni Michelle na isang probinsyana. Nagsimula sa simpleng "crush" hanggang siya'y umibig kay Jeymar, ang kaklaseng crush niya noon. Ganun din naman ang nadarama...