Itong nararamdaman ko sayo, di ko to sinasadya. Kung pwede nga lang hilahin tong feelings na 'to paalis sa katawan ko eh gagawin ko.
Ayaw kong magpahipokrita at sabihing okay lang sa akin magmahal nang hindi naman minamahal pabalik kasi alam kong hindi yun okay.
Masakit eh, masakit. Kahit sino ang tatanungin, masakit. At walang band-aid ang makakapaghilom ng sakit na yun kundi siguro ang pagtanggap.
Pero patawad pero kahit yung pagtanggap na sinasabi ko eh sa ngayo'y di ko pa magagawa.
Para bagang nakalubog yung kalahati ng katawan ko sa putikan at hindi ko magawang tulungan ang sarili kong ihaon kahit gustuhin ko man.
Baka nga tutulungan mo ko pero alam ko, alam mo, alam nating dalawa na iiwan mo rin ako sa bandang huli, kasi nga di mo ko mahal. Hindi naman ako bitter.
Kahit papaano eh nakikita ko naman yung realidad ko, realidad na hindi mo ko kayang mahalin.
Pero parang tanga eh no? Parang tangang sinipa ko pa rin yung bola papunta sayo kahit alam kong di mo yun sisipain pabalik sa akin. Alam kong ako rin mismo ang tatakbo at kukuha sa bolang sinipa ko.
Itong pagmamahal kong to para sayo, alam kong walang babalik sa akin. Tumaya ako kahit alam kong di ako mananalo.
Lumusong ako kahit alam kong talo lang din ako. Ewan ko ba. Hindi ko naman to ginustong maramdaman eh.
Kung pwede lang mamili ng taong mamahalin, pipiliin ko yung taong sigurado akong mamahalin din ako pabalik pero hindi eh.