New school.

10 0 0
                                    

[Thea's POV]

"Good morning, class. I want you to meet your new classmate." Narinig kong sabi ni ma'am. Tumingin siya sa'kin at sinenyasan akong pumasok na ng room. Muli siyang humarap sa klase ng makapasok ako. "Althea Denise Skylotte. She's a transferee from Angelson Academy. Please, be good to her." Tumingin sa'kin si ma'am at ngumiti. "You may now take your seat." She said. Gumanti ako ng ngiti at naglakad na papunta sa vacant seat malapit sa bintana.

Nagdiscuss si ma'am then after that nagpaseatwork siya. I love seatworks. Hahaha. Kumuha na 'ko ng pen and paper sa bag ko. Naramdaman kong may kumalabit sa'kin. Lumingon ako sa katabi ko, siya kasi yung nangangalabit sa'kin.

"Yeah?" I asked him. Napakamot siya sa batok niya.

"Nakalimutan ko kasi yung ballpen ko sa bahay. Baka may extra pen ka?" Sabi niya ng nahihiya. Ang cute. Hahaha. Hindi ko napigilang mapahagikhik dahil sa itsura niya. Lalo naman siyang nahiya at pumula mukha niya.

"Meron. Heto oh." Inabot ko sa kanya yung hawak kong pen. Nginitian ko siya. Tinanggap niya naman yun at ngumiti din pabalik.

"Salamat ah. Pasensya na din. Hm. Kiel nga pala." Sabi niya at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman yun.

"Thea." Sabi ko ng nakangiti. Bumitaw na kami at kumuha na ko ng pen sa bag ko. Nagsimula na aking magsagot. Madali lang naman to.

After 30 mins. Pinapasa na ni ma'am yung papers namin sa kanya. Confident ako sa sagot ko at wala pang 15 mins. Tapos na ko. Nagring na rin yung bell matapos yun. Hudyat na second period na.

Mabilis na natapos ang klase. The bell rang again para sa lunch time. Niligpit ko na yung gamit ko.

"Hello Althea! Ako si Ayumi. Gusto mo sumabay sa'kin maglunch?" Masiglang sabi ng babaeng nasa harap ko ngayon. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.

"Okay lang ba?" Nahihiya kong tanong. Tumango naman siya at humagikhik.

"Oo naman no. Okay na okay. Haha." Sagot niya. I felt relieved kasi may kasabay na ko maglunch. Akala ko talaga mahihirapan ako sa school na to. Hindi pala. Napakafriendly kasi ng mga classmates ko. Natutuwa ako, honestly.

"Sabay na din ako sa inyo, Ayu." Biglang sabi ni Kiel at ngumiti sa'kin. Nginitian ko din siya.

"Sige ba. Tara na." Sabi ni Ayu sabay hila sakin. Natawa nalang ako sa kanya. "Kanina pa ko nagugutom eh. Hahaha." Dagdag niya pa at naglakad na kami papuntang cafeteria.

Nakahanap din kami agad ng pwesto sa cafeteria. Malaki at maluwag yung cafeteria ng school. Umupo na kami. Nasa tabi ko si Ayu at sa harap ko naman si Kiel. Tumayo din agad si Kiel.

"Ako nalang oorder. Anong gusto niyo?" Nakangiting sabi ni Kiel.

"Wow. Lilibre mo kami Kiel? Hahaha." Biro ni Ayu. Natawa nalang ako kasi napakamot sa ulo si Kiel. Tumingin sa'kin si Ayu. "Anong gusto mong kainin Thea?" Sabi niya sa'kin.

"Kahit ano nalang." Sagot ko tapos nginitian ko sila. Tumango si Kiel tapos pumunta na sa counter.

"Ang cute ni Kiel no?" Biglang sabi sa'kin ni Ayu ng nakangisi. I looked at her in confusion. Dahan dahan nalang akong tumango, nag-aalangan.

"You like him?" I asked her. Nanlaki naman yung mata niya tapos tinignan ako na parang baliw na ako.

"What!? Hindi no. Duh!? Magpinsan kami." Depensa niya sa sarili niya. Oh. Magpinsan pala sila. Kaya pala may pagkakahawig sila konti.

"Really? Sorry. Hahaha. Akala ko may gusto ka sa kanya." I said. Umiling naman siya nagpipigil ng tawa. Lumingon ako kay Kiel. Papalapit na siya samin. Ang dami niyang dalang pagkain. Haha.

"Here's the food. Kain na tayo." Sabi ni Kiel ng nakangiti habang nilalapag yung tray ng mga pagkain namin. Umupo na si Kiel sa harap ko tapos inabutan niya 'ko ng pagkain. "Eto sa'yo, Thea." Nginitian ko siya.

"Thank you." Sabi ko.

"Thea, sumama ka na lagi sa'min ah? Bestfriends na tayo." Masayang sabi ni Ayu. Napangiti ako sa narinig. Tumango ako.

"Sure. Thank you, Ayu." Sabi ko. Nginitian niya ko at kinindatan. Haha. Kumain na din kami.

Magandang simula to. May bestfriend na agad ako.

**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forbidden Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon