SIMULA
"Oy, guys! Bilisan niyo na 'yang pag-iimpake niyo!" utos ng isang lalaking nagngangalan na Christian Oliver Galopo sa mga kasama.
Ngayon ay ang araw ng Biyernes, Marso 4, kung kailan ang alis ng buong section ng Perlas papunta sa isang lugar kung saan sila magba-bonding-bonding dahil sa malapit na pagtatapos ng taon sa eskwelahan.
"BOYS! ANO BA? TIGILAN NIYO NA NGA 'YANG PAGHAHARUTAN NIYO! AYUSIN NIYO NA ANG MGA GAMIT NIYO!" sigaw ng isang babaeng nagngangalang Joanna Mae Anglit sa mga magugulong kaklase nilang lalaki. Sumang-ayon naman sa dalaga ang iba pang kasama nito.
"Oo nga! Ang gulo niyo eh!" segunda ni Marielle Labid na halata sa mukha ang pagka-inis.
"Edi wow." sagot ng isa sa mga lalaki na si Renz Benedict Nolasco sabay tawa kaya pati ang mga kasamahan niyang lalaki ay natawa din.
"Guys, nagtext na si Ma'am Mina. Mauna na daw tayo. Susunod nalang daw siya." anunsyo ni Andrea Mana-ay sa mga kaklase.
"Gano'n? Madz! Tawagin na natin si kuyang driver!" aya ni Mary Fren Pacarat kay Ronalyn Madriaga. Sumang-ayon naman si Ronalyn kaya agad nilang pinuntahan 'yong driver.
"Pagdating dito ng driver at 'di pa kayo tapos dyan, maiiwan talaga kayo." sabi ni Diomel Tabuloc sa mga lalaking pasaway kaya nagmamadali ng mag-ayos ang mga ito.
"Easy ka lang!" biro ni Chanel Rose Reyes sa lalaki.
"Lyks! Tabi tayo sa bus ha!" sabi ni Quincy Zandrae Olea sa kanyang matalik na kaibigan na si Edzhiquel Lyka Revilla. Tumango naman si Lyka at ngumiti bilang pagsang-ayon.
"GUYS, NANDITO NA 'YONG DRIVER! GORA NA!" sigaw ni Christian John Delapa at nagmamadaling sumakay sa bus para makapili ng mauupuan.
"Teka. Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Mary Smileian Obispo sa mga kasamahan.
"Wala pa yata sina Raymar Sarmiento." sagot ni Elizabeth Kamantigue sa tanong niya.
"'Yong mga 'yon talaga. Sige, pasok na muna kayo."
"Smile! Tabi tayo!" aya sa kanya ni Angelo Carhl Caudal.
Umiling si Smile at ngumiti. "Katabi ko na si Marielle at Madz eh!"
"Rebs! Lira! Cams! Ivy! Tabi-tabi tayo!" aya naman ni Xian Zuirghy Martinez sa mga ka-tropa niya na sina Francenne Gwyn Rebadomia, Lira Astorga, Camille Rose Ann Domingo, at Majel Ivy Pomario.
"Hey, bilisan niyo!" sigaw ni Ma. June Alliah Muñiz dahil ang bagal pumasok sa bus ng iba nilang kasama.
"Easy ka lang, Muñiz! Hahaha!" saad ni Ronagrace Arjona. Natawa nalang din sina Mary Chilles Ayad, Erica Cynnara Abawag, Alliyah Gaille Carayao at Jona Mae Campo.
Nang makapasok na sila ay nagroroll call na si Cricel Lapuz.
"France Maligaso?"
"Present!"
"Chyarrel Anne Argame?"
"PRESENT!"
"Julius Baladhay?"
"Absent! Hahaha! Joke, present!"
"Mark Jayson Argawanon?"
"PRESENT!"
"Uy ano ba, Argame, hindi ka naman si Argawanon eh!"
"Ayieeeee!"
"Stan Lee Ray Monzon?"
Nagtaas lang ng kamay si Stan Lee.
"Jeremiah Ecija?"
"Nandito na po."
"Fran Bernadette Delfinado?"
"Preseeeeent!"
"James Paul Cabulao?"
"Ayieeeee! Magkasunod talaga sila oh!"
"Andrew Hope Garde? John Michael Galindez?"
"Ha? Bakit?"
"Nagro-roll call tayo!"
"Ay sorry na! Hahaha!"
"Angelika Serrano? Leunize Andrea Cendaña?"
Nagtaas ng kamay si Leunize samantalang si Angelika naman ay napatanong lang ng, "Ano?"
"Joshua James Delatorre?"
"Nandito!"
"Pauline Ramos?"
"Kakarating lang." sabi ni Pauline at humanap ng mapwe-pwestuhan.
"Lyndon Lorilla? Mark Joshua Garcia? Kevin Christian Martinez?"
"NANDITO KAMI!" sigaw ni Kevin.
"Karen Gamao? Janna Janculan?"
"Nandito kami, be!"
"George Daniel Sobretodo?"
"Di ko po kita." Nagsitawanan naman sila sa biro ni George.
"Kulang pa tayo ng isa! Sino pa ang wala?" tanong ni Cricel.
"Kulang ba tayo?" nagtatakang tanong ni Chyarrel. "Kumpleto na kaya."
"Hindi!" iling ni Cricel. "Kulang pa tayo ng isa.."
"Baka 'di mo nabilang ang sarili mo?" sabi ni Pauline.
"Nabilang ko na. Kulang talaga e."
Natahimik silang lahat.
Nag-iisip ng malalim. Sino pa ba ang kulang sa kanila?
Nabasag ang katahimikan ng biglang..
"AAAAAAAAH!"
Sinamaan nila ng tingin ang bagong dating na tawa ng tawa.
"Hindi kamo nakakatuwa! Muntik na kaming atakihin sa takot!" singhal sa kanya ni Joanna.
"Pfft. Hahaha! Sorry, nakakatawa kasi mga mukha niyo eh!" tapos ay nagpeace sign si Renalyn Samudio at umupo na sa pwesto niya.
Kasunod namin nito ay dumating sila Ronalyn at Fren na may kasamang lalaki na driver nila.
"Okay, guys, wala po sanang magulo ha. Magpray din na sana i-bless ni God ang trip natin at hindi tayo mapahamak. Buckle up, aalis na tayo!" sabi ng driver na siya ding guide nila.
"YEAAAAAH!"
+++
So ayern. Sana nagustuhan niyo! Napahaba lang 'to dahil sa pag-iintroduce ko sa mga characters. Pfft. See you sa next chapter!
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...