UNANG KAPITULO
Nagising si Ronalyn dahil sa isang bagay na sumampal sa kanya. Napa-pokerface naman siya nang makitang ang katabi niyang si Smile na mahimbing na natutulog pala ang sumampal sa kanya.
"Kaya pala ayaw siyang katabi ni Jeremiah. Tsk." pa-iling-iling na sabi ni Ronalyn sa sarili. Napalinga siya sa paligid at nakitang halos lahat pala ng kasama niya ay tulog na, maliban syempre kay kuyang driver.
Nag-inat siya ng kaunti at tumingin sa labas ng bintana. Napakunot naman ang noo niya nang makitang madilim sa labas at parang uulan pa.
Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan kung anong oras na. 2 PM na ng hapon. Pero nasaan sila? Bakit walang masagap na signal ang cellphone niya?
Sinubukan niyang gisingin si Smile at si Marielle na katabi niya.
"Bakit, Madz? Inaantok pa ako.." tanong ni Marielle sa kanya.
"Bakit mo ko ginising? Di na tuloy ako makakatulog ulit. Wala na akong kape pampatulog! Hays." reklamo naman ni Smile sa kaibigan.
"Ang weird lang kasi. Kanina pa walang signal yung phone ko. Tapos ang dilim pa sa labas eh 2 PM pa lang." sabi ni Ronalyn.
"Ang OA mo naman! Malay mo sira na yung sim mo o kaya wala lang talagang signal dito. Tsaka baka kasi uulan kaya madilim." sagot sa kanya ni Marielle habang nagkukusot ng mata.
"Halaaa! Or baka nasa isang ghost town tayo!" pananakot ni Smile.
"Ano ba, Smile! Matulog ka na nga lang ulit!" saway sa kanya ni Marielle.
"Ge. Bigyan mo ko ng kape."
"Aanhin mo yung kape?"
"Iinumin malamang! Tungeks lang? Alangan namang ipanligo ko diba?" pamimilosopo ni Smile kay Marielle.
"Aysh! Ewan ko sa'yo!" inis na saad ni Marielle at nagtulug-tulugan.
"Walang common sense!" bulong ni Smile.
"Pero seryoso, Smile, kinikilabutan ako." sabi ni Ronalyn na walang pake sa nangyaring pang-iinis ni Smile kay Marielle.
Tinignan lang ni Smile si Ronalyn. "Alam mo–"
"Gising na, kids! Stop over muna tayo dito!" anunsyo ni kuyang driver.
***
"Ew! Kadiri naman!" sabi ni Marielle nang makita ang rest room ng gas station na pinagstop-over-an nila.
Sa loob ng rest room ay makikita ang sobrang karumihan nito. May suka sa lababo. May tae sa bowl. At may ihi sa sahig na umaalingasaw ang amoy sa loob ng banyo.
"Wala na bang ibang rest room dito?" nandidiri na tanong ni Ronalyn.
"Sasabihin ko sanang 'wag kayong maarte kaso totoo namang nakakadiri 'to. Yuck." pagsang-ayon ni June Alliah.
"Well, tiisin niyo nalang. Kesa naman maihi tayo sa bus." sabi ni Smile.
MEANWHILE SA BOYS'..
"Renz! Tara, bili tayo!" aya ni John Michael o JM kina Renz.
"Oo nga! Habang wala pa yung girls." singit ni France.
"May sinabi bang call time si kuya?" tanong ni Hope.
"Wala nga eh." sagot ni George.
"Kaya bilisan nalang natin para 'di tayo maiwan." saad ni Angelo.
"Oo nga! Masakit pa namang maiwan!" pagsang-ayon ni Christian John na may kasamang hugot.
"Bilisan niyo na guys! Tapos saraduhan natin ng pinto yung mga girls! Hahaha!" biro ni Christian Oliver.
"Siraulo 'to! Hahaha!" tawa nila Kevin na nakarinig sa sinabi ni Oliver.
***
"Asan na sila? Ang tagaaaal." bagot na sabi ni Cynnara.
"Uy, sila Quincy 'yun diba? Quincy! Lyka!" tawag ni Chilles sa kanila. Lumapit naman sila.
"Bakit?" tanong ni Lyka.
"Sabi ni kuya, malapit na daw tayong umalis. 'Wag na daw magpakalayo." sabi ni Chilles.
"Ah okay. Tara Lyks! Sabihin natin sa iba!" aya ni Quincy kay Lyka.
"Eh.. Sige."
"Oh, saan pupunta ang mga 'yun? Diba aalis na?" tanong nila Leunize nang makitang umalis sina Lyka.
"Oo. Sasabihin daw nila sa iba eh." sagot ni Alliyah Gaille.
"Ay guys, napansin niyo ba?" tanong ng kararating lang na si Xian.
"Ano 'yon?" tanong ni Fren na kasama niya. Nakinig lang naman sina Francenne, Elizabeth, Ivy at Camille na kasama nila.
"Na ang gloomy ng place na 'to? Tapos halos tayo lang yata yung tao? Creepy 'no?"
"Ano ba 'yan! Nananakot ka eh!"
"Hala, hindi ah! Sinasabi ko lang yung nakikita ko!"
"Tama na ang daldalan. Pumasok na kayo sa bus. Ngayon na."
Nagulat ang mga babae nang biglang may magsalita sa likod nila. Si Kuyang driver pala 'yun.
"Kuya, ayos ka lang?" tanong ni Xian nang mapansin ang malalaking eyebags ni kuya na wala naman kanina. Pati na din ang gulo-gulo nitong buhok at medyo mapupulang mga mata.
"Ayos lang ako. Pumasok na kayo. Aalis na tayo."
"Teka, Kuya, pwede pong magtanong?" tanong ni Renalyn.
"Ano 'yun?"
"Bakit po may naka-angkas sa likod mo?"
+++
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Misterio / SuspensoUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...