Wendyl
Tatlong araw na rin ang nakakaraan noong nangyari ang bagay na iyon sa infermary. Wala namang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Ro, tingin ko, sanay na syang halikan ang babae. Pagkatapos kasi noong araw na iyon nakita ko sya na kasama si Aliana. Best friend nya yun tapos di ko naman sinasadyang makita silang maghalikan sa loob ng classroom namin matapos ang klase namin noong araw na iyon.
Nahiwalay lang ako sa pagiisip ko ng may tumulak sa akin ng mahina mula sa likuran. "Huy, anong meron bakit ang lalim ng iniisip mo?" Si Al. Ngayon lang nya ulit ako kinausap mula noong nakita nya kami sa infermary. Nasa likuran nya si Rhianna na namumula ang mukha at alam kong di pa rin nya nalilimutan ang nakita nila noon.
Kinabukasan kasi noon agad akong hinikit ni Rhianna sa labas ng class room para itanong kung kami na ni Ro. Fan girl ata ito e. Tsk. =_=
Niyakap ko si Al nakaupo ako kaya sa badang dibdib nya ang ulo ko. Bahagya syang nagulat sa ginawa ko pero niyakap din nya ako. "Ganito mo ba talaga ako namiss Wends." Kahit di ako nakatingin sa mukha nya alam kong nakangiti sya ngayon. Mahal nya kasi ako. Brad kami e. Sya ang besplen ko wala ng magbabago dun.
Tumango na lang ako at idiniin ko pa ang mukha ko sa kanya. Inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko tapos bumulong. "Tol, para kang timang bitawan mo na nga ako baka mainlove pa ako sa kasweetan mo."
Ginawa ko ang sinabi nya tapos tiningnan ko ang mukha na ngayon ay nakangiti hanggang tenga. Para sya hayina. Yung hayup na aso tapos kumakain ng karne napanuood ko yun sa kung fu panda e at ganun ang ngiti nya ngayon. Napasulyap ako kay Rhianna at nakita ko ang lalong pamumula nya at pagkabalisa ng tumingin ako sa kanya.
Okay, kailangan ko talagang malaman ang mga nangyari sa kanila nitong nakaraang araw. Pakiramdam ko may hindi ako nalalaman e. Naku ka, patay sa saking Alwina ka kapag may sinabi ka sa kanya tungkol sa plano. Tiningnan ko sya ng I-must-know-everything look at ngumiti pa sya lalo.
"Al, bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan. Masaya ako lalo pat malapit kami sa isa't isa tapos palagi ko syang nakikita pero simula noong makita ko syang may kasamang iba nasasaktan ako." Narito kami ni Al sa cafeteria ng school vacant kami ng 1 hour kaya nagistoryahan na lang kaming dalawa. Namiss ko to. Ang magusap kami ng kami lang. Mabuti na lang at may extra class si Rhianna. Di ko makausap ng masinsinan si Al dahil nakabuntot sya sa akin.
Nilunok nya yung nasa bibig nya tapos nagsalita. "Ang bobo mo talaga tol," hininaan nya yung pagkakasabi nya ng TOL baka kasi may makarinig e. Tiningnan ko sya ng masama at pinagtoonan ko na lang ng pansin ang pagkain ko. "Nagseselos ka Wends, sino ba yung kasama ni Ro na pinagseselosan mo ha?" Di ko na sya sinagot sa tanong nya alam ko naman na masasaktan lang ako kapag sinabi ko pa sa kanya.
Padabog syang tumayo at hinikit nya ako sa braso ko. "Aray ko naman Al."
"Mag-uusap tayo ng matino ngayon na!"sabi nya sa Commanding voice nya.
Nagulat ako kasi bihira lang nya ako ganituhin. Gagawin lang nya to kapag asar na asar na talaga sya o dahil hindi siya si Aldrin.
"Wow, may LQ na agad sila oh." Narinig kong sabi nung isang girl malapit sa amin.
"Nito lang naging sila no tapos may away na agad."-Girl 2
"Laki lang ng katawan ni Wendy under naman pala sya ni Alwina." -girl 3
Narinig ni Al ang sinabi nung babae at lumapit sya rito. "Excuse me, do you have the right to judge us like that? Oh, I'm sorry. I forgot you DON'T." Taray nya ngayon may period ata. >:P
"Huwag mo nga akong ini-engles di porket mayaman ka matalino ka na." Sabi noong nagsabi na under ako.
"Wow excuse me. Ssc---hmmm" di nya natapos sasabihin nya kasi tinakpan ko agad ang bibig nya.
BINABASA MO ANG
Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)
Teen FictionSi Wendyl isang lalaki na gagawing ang lahat makita lang muling tumakbo ang babaeng sobra nyang minamahal. Ika nga mga sinaunang mangingibig. "Gagawin ko ang lahat masunod ka lamang." Kaya naman sumunod nga si Wendyl. Sa pambabae nga lang na Eskwela...