Kung gusto niyo pong mas may thrill sa pagbabasa, play the music sa side ^____^
***
"Mia! Halika na! Lintek. Ang bagal bagal naman oh!"
Tignan mo 'tong si Lucy, kala mo naman isang importanteng meeting pupuntahan namen. "Eto na! Eto na! Magsisintas lang ng sapatos eh."
"Ready na ba 'yung mga flashlights?" tanong ni Jake.
"Ready na lahat, boss!" sagot naman ni Pat.
"Di pa ba tayo aalis?" inip na tanong ni Xela.
"Miaaa!" sigaw uli ni Lucy.
Tumayo na ako sa hagdan at bumaba papunta sakanila sa may sala. Nagsitayuan naman sila. "Eto na! Mga atat." Kinuha ko na 'yung bag ko't sumunod sakanila palabas.
Hinagis ko 'yung bag ko sa likod ng compartment at saka tumalon papasok sa loob ng sasakyan. "Ready to go?" tanong ni Gio.
"All set!" excited na sabi ni Lucy.
Nilagay ko na 'yung earphones ko sa tenga ko. Papunta kami ngayon sa isang abandoned resthouse. Dito lang din sa Batangas. Sa may Brgy. San Felipe, Cuenca ata 'yun sa pagkakatanda ko. Mga isang oras na biyahe din mula dito sa Lipa. Isa nga pala kaming Communication Arts student. At ang dahilan namin sa pagpunta sa abandonadong resthouse ngayon ay para i-cover iyun.
Napabalita kasi dati na may grupo ng mga kabataan na bigla na lang naglaho matapos magbakasyon doon. At may sabi sabi din na mabigat ang aura sa paligid ng resthouse at tuwing madaling araw ay may sumisigaw na babae at humihingi ng tulong.
Hindi na sana ako sasama kaya binabagalan ko talaga ang pagkilos ko kanina. Kasi nakakaramdam talaga ako ng matinding takot. Isipin niyo, kung may naglahong grupo ng kabataan doon. Maaaring mangyari din 'yun sa amin ngayon. Pero wala naman akong magagawa, grade din namin ang nakasalalay dito.
Wala pang isang oras, nakadating na din kami sa sinasabi nilang resthouse. Tinigil ni Gio 'yung sasakyan sa tapat ng gate ng bahay. Saglit lang ang biyahe dahil madaling araw naman at maluwag ang kalsada. Bumaba na kami sa sasakyan at kinuha ang mga bag namin.
Hindi sapat ang liwanag ng street light para liwanagan ang malaking bahay. Madalim pa din sa paligid. Tinitigan ko ng mabuti 'yung bahay. Halatang luma na nga at abandonado. Puro basura na sa tapat ng gate. Nangangalawang na din ang bakal ng gate nito. May malaking padlock na nakakandado sa gate. Pero mababa lang ang gate nito at pwedeng pwedeng akyatin.
"Leggo!" yaya sa amin ni Jake. Umakbay siya kay Pat at pinalibot naman ni Pat 'yung braso niya sa bewang ni Jake. Nauna naman sa pag-akyat sa gate si Lucy. Samantalang nakasukbit naman sa braso ni Gio si Xela.
Pinanood ko silang isa isang umakyat sa gate. Nang makaakyat na silang lahat napaatras ako para bumalik na lang sa sasakyan. Hindi ko ata kaya 'to.
"Huy, Mia! Ano ba! Umakyat ka na!" suway sa akin ni Pat.
"Teka. Hindi ko ata kaya."
"Anong hindi kaya!? Andito na tayo oh! Umakyat ka na, nang mabilis na lang nateng matapos 'to!"
Nilibot ko uli 'yung mata ko sa paligid. Wala naman akong makita kundi itim. Umabante na ako para humawak sa gate. Dahan dahan akong umakyat sa gate at tumawid papasok.
BINABASA MO ANG
Barkada Trip: The Trapped (One Shot)
Mystery / ThrillerHi, guys! One Shot sequel lang po 'to nung Barkada Trip, http://www.wattpad.com/story/2523076-barkada-trip-completed Tinatamad kasi akong gumawa ng assignment. Kaya nagsulat na lang ako. Nyehehe. Oops! 'Wag gayahin ang katamaran ko pagdating sa pag...