" KANDILA NG PATAY"
Written by: LOUIE TAN
as Buboy Magtanggol
Nobyembre 01 alas 6:00 ng hapon.
Padilim na umpisa na naman ang nakagawiang pamahiin ng mga nakakatanda.
Ang pagsindi ng KANDILA.
Alaala sa mga minahal na yumaong o isang pangontra sa mga kaluluwang gala.
Sa baryo matahimik, isang liblib na lugar ay may mga pamahiing kailangang tuparin kapag araw ng patay o undas.
Ang araw ng Undas ay sadya ng ipinapatupad ang kanilang babala
sa lahat ng nakatira.
na huwag lalabas ng bahay sa paglubog ng pulang araw.
Sa oras na lumubog ang pulang araw ay senyales ito ng pag gala ng mga KALULUWANG di natatahimik.
Isang sigaw na malakas ang nangibabaw sa katahimikan ng gabi.
Saklolo...saklolo....
Tulong...parang awa na ninyo.
Lola Bebang may humihingi ng tulong. (saad ni Ela)
Iha' manahimik ka diyan at huwag na huwag mong bubuksan ang bintana o pintuan.
Baka makapasok ang KALULUWANG LIGAW.(saad ni Lola Bebang)
Pero lola may humihingi ng tulong.
Hindi ka ba naaawa sa kanya?
Anong silbi ng pangrontra mong agimat.
Para saan ba yang KANDILANG ITIM na yan.
Apo' hindi lahat ay kaya ng agimat ko.
May mga malalakas na kaluluwang iniiwasan ko.
SAKLOLO....
SAKLOLO.....
At biglang may kumatok sa pintuan sa bahay ni Ela at Lola Bebang.
Tok..tok...
Saklolo...tulong ..
Hindi nakatiis si Ela at dali dali itong tumakbo sa pintuan at biglaang binuksan ang pinto.
Napasigaw ng malakas si lola Bebang...
Apo, huwag.!!!
Isang malakas na pwersa ng hangin ang pumasok sa loob ng kanilang bahay at namatay ang kanilang ilaw na gasera.
Sa lakas ng hangin ay nagliparan ang mga magagaang na kagamitan sa loob ng bahay.
Napatakbong yumakap si Ela sa kanyang Lola Bebang.
Niyakap ng mahigpit ni lola bebang ang kanyang apo upang bigyang proteksyon sa kaluluwang pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Isang tinig ang nagsalita.
Akin ka!
Akin kayong lahat..
Umiyak si Ela at nangatog sa takot.
Hawak ni lola bebang ang kanyang ITIM na KANDILA
Ang KANDILANG panlaban sa kaluluwang gala.
Lumabas ang isang anyong lalaki na tila galit na galit at pilit na inaabot ang kamay ni Ela.
Sa akin ka Bata.!
Sa akin ka.
Sa akin kayong lahat.!
Matapang na inilapit ni Lola Bebang ang KANDILANG ITIM sa kaluluwang nagsasalita.
Lumayas ka dito!
Matahimik kaming namumuhay dito.(saad ni lola bebang)
Biglang sumindi ang kandilang hawak ni lola bebang.
Senyales na simula na ang pagbasa ng orasyon.
Nagdasal ito ng sampung Ama namin at isang kakaibang lenggwahe ang kanyang binigkas.
Nagwala sa galit ang kaluluwang gala at mas lalo pang lumakas ang ihip ng hangin..
Isang Boses babae ang nagsalita.
Inay...
Inay..masakit.
Inay... Tama na po.
Nagulat si lola bebang at napaluha sa kanyang nakita.
Isang anyo na pamilyar sa kanyang mata ang kanyang nasaksihan.
Matapang na ipinagpatuloy ni Lola Bebang ang kanyang pagdasal.
Mas lalong nagalit ang tinig na nagsasalita.
Nagwawalang tinig ang umaalingawngaw sa loob ng bahay.
At sa panghuling salitang binigkas ni lola bebang ay naglaho ang kaluluwang gala.
Natahimik ang kapaligiran ng kabahayan at nagkaroon ng kapanatagan ang mag lola.
Lola' wala na po ba ang kaluluwang gala?
(saad ni ela)
Oo' apo, kaya sa susunod na taon ay huwag ka ng magbubukas ng pintuan ha. (pautos na hinabilin ni lola bebang sa kanyang apo.)
Salamat sa Diyos at di niya tayo pinabayaan.
Salamat din sa KANDILANG ITIM na nagbigay liwanag sa ating tahanan.
THE END.
ANG PANANALIG SA ATING PANGINOON ANG KAILANGANG MANGIBABAW SA ATIN ISIPAN.
HUWAG KALIMUTANG MAY DIYOS TAYONG NAGMAMAHAL AT HANDANG IPAGLABAN ANG KANYANG MGA ANAK .
LABAN SA KAMPON NG KADILIMAN.
written by: buboy magtanggol
ang superhero na pwedeng arkilahin
BINABASA MO ANG
kandila ng patay (one shot )
Mystery / Thrilleraraw na naman ng patay araw ng pag alala natin sa mga mahal natin na nasa kabilang buhay na. pero kakaiba ang storyang ito.