Change of Heart

345 5 1
                                    

Daniel's POV

"Kath, will you be my girlfriend?"

"I-I'm sorry Daniel. D-di kita mahal. May m-mahal akong iba."

Tumakbo sya palayo. Gusto ko sana syang habulin, yakapin, humingi ng isa pang chance, pero, wag na. Di na yan mangyayari. May mahal na syang iba e.

Habang tumatagal, napapansin kong nilalayuan nya na ako. Namamansin naman, pero di gaya nung dati na super close kami. Bestfriends kami nyan dati e. Parang kapatid ko na nga yan. Pero, ang tanga kasi ng puso ko, minahal pa si Kath.

Lagi akong nasasaktan pag nakikita kong magkasama sila ni Danny. Sino naman di masasaktan, diba? At halatang halata rin na si Danny ang mahal nya. Parang MU nga sila e.

A week later, sila na. Bongga pa naman yung pagkatanong ni Danny. Parang proposal na nga e. Psh. Talong -talo ako. Nung kay Danny, kasabwat buong school. Kahit nga and staff at faculty, kasabwat. Anak ata ng may-ari ng school.

1 year at 8 months na sila ngayon. Aaminin ko, di pa ako nakakamove-on. At alam kong di mawawala ang pagmamahal ko sakanya.

Papunta ako ngayon sa playground. Dun kasi kami nagkakilala. Dun ko rin sya tinanong, at- at- wag na. Kalimutan na natin yun. Sabagay, past is past naman diba?

Oh ayan. Andito na ako. Pero teka. May naririnig akong umiiyak. Hanapin ko. Babae sya. Halata. hahaha. Yun oh. Nahanap ko ung babae, nakaupo sa slide. Sinubukan kong kunin ang atensyon nun babae.

"Miss. Miss. Uy miss oh. Okay ka lang ba? Eto oh panyo."

"*sniff* *sniff* S-salamat."

Hala! Kilala ko yang boses na yan!

"Kathryn?"

"Oo. Ako nga to. Bak-- DANIEL?!"

"Ikaw nga." sabay naming sabi.

Makatanog nga.

"Oh. Bat ka umiiyak? dahil ba yan dun sa taeng Danny na yun?! Kung oo, papatayin ko na talaga yan."

"Wag! Wag! *sob* Wag mo syang patayin! *sob* mamamatay na nga sya papatayin mo pa!*sniff*"

Wtf mamamatay?

"Mamamatay? Bakit naman? Totoo ba yan?"

"M-may *sniff* sakit sya sa p-puso. *sniff* kelangan nya ng transplant *sob* P-pero wala silang mahanap. *sniff* K-kaya *sniff* iniisip ko *sob* na *sniff* ako nalang magdodonate ng puso para sakanya. *sobs*"

Niyakap ko sya. Ang ulo nua nasa balikat ko na.

"Shh Kath. No. Di kita papayagan. May mahahanap pa kayo nyan. Promise ko yan. Promise."

"P-pano mo naman nasabi?"

Oo nga noh. hahaha. Isip isip rin pag may time. haha. Pano kaya kung..

"I can tell the future."

"hahahaha. Yucks Eps Loko ka talaga foreverrr."

"Hay salamat naman tumawa ka naa."

"hahaha. Namiss kita." sya. :O

"Namiss rin kita. Lumayo ka kasi e."

Yinakap ko sya ng mahigpit. Hay. Namiss ko tong batang to.

Pagkatapos nun, wala naman kaming masyadong importante na pinagusapan na kelangan nyo pang alamin. Secret na namin yun. huehuehue

At about dun sa magdodonate ng puso, may kilala na ako.

Kath's POV

Pagkatapos nung conversation namin ni Daniel, dumiretso na ako sa ospital. Bibisitahin ko sana si Danny babes, pero natutulog daw kaya bumalik nalang ako mamaya. Sige sila naman talaga ang masusunod.

Bago naman akong umalis, kinausap ko ung doktor nya. Si Dr. Stephen Perez.

"Excuse me po Doc, may nahanap na po kayo ng puso?"

"Actually meron na, may tumawag kanina na lalaki, at sinabi nyang sya nalang magdodonate para kay Danny."

"Ah. Okay po. Salamat"

A few weeks passed at nag transplant na si Danny. success naman. Wala na syang sakit sa puso! Yeeyy!! :)

Hinahanap ko ngayon si Daniel. I want to tell him the good news! Hinanap ko sya sa buong school, wala. Tinawagan ko phone nya, wala rin. Kahit landline nya di nya sinasagot. Asan na ba yun? Hmm. Try ko kaya sa playground.

Hay, wala rin. Pero, ano to? May letter na naka dikit sa swing. may pangalan sa labas. Kathryn Bernardo.

Ha ano bakit Kathryn Bernardo ba kamo? Para saakin ung letter? Ah okaay.

Kinuha ko ung letter at binuksan. Wow ha. in fairness mahaba rin. Front page lang ng isang bond paper. Eh. Ayos na yan.

Binasa ko ung letter.

at napaiyak ako. Eto ung laman ng letter.:

Hoy Kathreng!

Tingnan mo oh naglletter letter na ako. Magaling kasi ako e. hahaha. I am awesooommee. Joke. No words can express how I love you Kath. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Kahit kaibigan lang turing mo saakin, mahal parin kita. Promise ko yan. Pero, may gusto akong sabihin sayo. Idodonate ko ang puso ko kay Danny para maging masaya ka. Alam ko naman na mas mahalaga si Danny para sayo, kaya eto gagawin ko to para sumaya ka. Alam mo ba, di parin ako nakamove-on sayo? Takteng puso to. Hay sige na Kath. I love you. Sana maging masaya ka na ha? Lagi mong tandaan na andyan lang ako sa tabi mo. Mumultohin kita! hahaha. Sige na. Byyyeee Kath. Wag mo akong kakalimutan ha. I love you. :*

Ang pinakagwapong  

nilalang sa buong mundo,  

Daniel Padilla <3

P.S. KUNG HINDI KA SI KATH IBALIK MO TO SA DATING POSISYON KUNDI MUMULTUHIN TALAGA KITA. AT WAG MO RIN IKALAT. KUNG OO MAN, NASA TABI MO NA AKO PAGGISING MO >:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon