(Mikhaella Ramirez POV)
What the hell!!! The first word that pop up in my mind when he said the word "heaven."
Sa heaven nya daw ako dadalhin, the hell diba??!!
Gusto ko syang sakalin, sinapain, kalmutin at kalbuhin. Pero nagmamaneho kasi ang loko. Baka pag ginawa ko yun, literal na sa heaven talaga kami mapunta--ay ako lang pala, sya sa ummm, nevermind. Ang bad ng iniisip ko eh. Haha
"Saan mo talaga ako dadalhin?"
"Tss basta."
"Tss basta." I said mimicking him sabay irap. Naiirita na ako eh. Sabi nya kanina sa heaven tapos ngayon, basta naman?! Ano ba talaga koya? "Siguraduhin mo lang na hindi ako gagabihin. Malalagot ako kay mama."
"Hindi talaga tayo gagabihin kasi aabutin tayo mg madaling araw." Bulong nya. Ano daw?
"Ano?"
Ay nag-smirk lang ang loko.
"We're here." Sabi nya after 20? Or 30 mins na byahe.
"Ano 'to?" Kinakabahan ako.
"Condo malamang."
"Alam ko! Pe-pero bakit mo ako dinala dito? Anong balak mo?"
Lumapit ang mukha nya saakin. As in malapit na malapit. Kinoveran ko katawan ko using my both hands pero inalis nya 'yon. I gulp. Napapikit ako. Teka, wala ba syang pakundangan? Dito nya talaga gagawin? As in dito sa kotse nya?
Click
Woo.. Tinanggal lang pala yung seatbelt ko.
"Dito ko gagawin ang parusa mo." Bulong nya sabay baba tapos pumunta sya sa side ko para buksan ang pinto ng kotse. Pagbukas nya tumakbo agad ako pero nahuli nya ako at hinigit.
"Bitawan mo ko! Bitawan mo ko! Ummmmm." Tinakpan nya ang bibig ko pagsakay namin sa elevator. Pinagtitinginan kami ng mga tao kasi naghi-hysterical na talaga ako.
"Don't mind us. Gan'to lang talaga 'tong girlfriend ko pag may LQ kami." Girlfriend daw? Eh kung sipain ko kaya ulit yung ano nya!!!
Nagbulungan yung mga tao. Ewan ko lang kung naniwala sila pero hindi na nila ako pinansin! Hello? Kinidnap kaya ako neto! Wala man lang bang tutulong??
Pagdating sa 23th floor binuhat nya kong parang sako ng bigas. Pinagsusutok ko ang likod nya pero hindi nya 'yon ininda hanggang sa napasok nya na ako sa loob ng unit nya.
"You!" Inis na dinuro nya ako matapos akong ibagsak sa couch niya. "Kanina ka pa?!"
"Ano ba kasing balak mo saakin?" Naiiyak na ko pero nagsmirk lang sya. At ayoko ng smirk na 'yon.
Dito na ba matatapos ang matagal naming pinagsamahan ng virginity ko? After 17 long years mawawala na ba sya saakin.
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko gusto ang sunod nyang ginawa.
HINUBAD NYA SA HARAP KO ANG SHIRT NYA.
TUMAMBAD SAAKIN ANG ABS NYA. ANIM. 6 PACKS 'YON.
HINDI KO TALAGA 'YON GUSTO.
Unti-unti syang lumalapit saakin.
Byebye virginity na itu?
*gulp
*gulp
*gulpBakit ayokong pumikit? Bakit pinaghahandaan ko pa yata ang susunod nyang gagawin? Dilat na dilat parin ako hanggang sa ilang inch nalang ang pagitan ng mukha namin.
Tapos..tapos..
Eh?
Binagsak nya saakin ang hinubad nyang shirt.