Lahat ng ito'y nagmula sa imagination ni Dreamer. Kung ayaw niyong basahin, then you can leave. Thanks. ^_^ -RKO :3
*****
Nakakainis, hindi ko alam kung bakit ko pa kailangang pumunta dito. Marami na naman sila eh. Kaya na nila 'yan. Dapat kanina pa ako nagpapakasaya sa bahay nila Mark. Pesteng GRADUATION ni Macky! Hindi ko tuloy pwedeng ilabas 'yung sigarilyo ko. Baka makita ni Dadz. HMFFT! Sabik na sabik na akong humithit ng sigarilyo. Oo, BABAE ako. Eh anong paki niyo? Eto ako eh. AKO SI JANE. Hah. Inosenteng-inosenteng TRESE at sa edad kong 'to, marunong na akong mag-yosi. Salamat kay Mareng Rona at tinuruan niya ako.
"Iha, ayos ka lang ba? Parang 'di ka mapakali." bungad sa akin ng isa pang peste sa buhay ko, ang tatay ko.
"Oks lang ako Dadz. Ge, upo na kayo 'dun. Bibili lang ako ng pagkain ko." pagsisinungaling ko sa kanya. Buti pinayagan niya ako. Nagbigay pa ng extrang pera si Dadz para bilhan niya ko sila ng pagkain. HAH! Asa naman siya! Ipang-hihithit ko na lang 'to ng sigarilyo. Mas masaya pa.
Lumapit ako sa tindahan. Bumili ako ng dalawang kaha dahil alam kong kukulangin ako kung isang kaha lang ang bibilhin ko. Kinapa ko 'yung bulsa ko. Tanging cellphone at wallet lang 'yung nakapa ko. ASAN 'YUNG LIGHTER KO?!
"SHIT! Naiwan ko 'yung lighter ko!" napailing na lang ako. Naiwan ko sa bag ni Mama 'yung lighter shit! Sana 'di niya makita, baka paghinalaan niya ako na naninigarilyo ako...
"Teh, may lighter pa kayo?" pagtanong ko sa tindera.
"Wala na iha." sagot niya ng may pagkadismaya.
"Putangina! Nagtindahan pa kayo kung wala kayong lighter!" sagot ko ng pabalik na may pagkainis.
" 'Di ba't masyado ka pang bata para diyan?" pag-usisa niya.
"Wala akong paki sa opinyon at nararamdaman mo! Leche ka! Tindera ka lang! Oh eto pera! 'Nang matahimik na 'yang bunganga mo!" sagot ko ng pabalag.
Hindi naman pala lahat ng mangyayari sa araw na 'to eh puro masama. Bakit? May nakita akong matanda na nagsisigarilyo. Nilapitan ko siya at sinabing..
"Tang, pasindi naman oh." sabi ko.
"Ganyan na ganyan 'din ako nuon." sabay sindi sa yosi ko.
"Oh tapos?" pag-usisa ko.
"Trese 'din ako 'nung una akong humithit ng sigarilyo." sabi ni tanda.
Hah! Wala pala 'to si tanda eh. Ako nga, nakatikim na ako ng shabu 'nung Grade 5 ako at natutong uminom 'nung Grade 6. 'Di kapanipaniwala ano? Eh 'di 'wag kang maniwala! Paki ko sa'yo? Weak pa 'to si tanda.
"Kinse ako ng natuto akong magsugal." sabi ni tanda.
"Oh? Ako na yata ang pinakamalupit makipagpustahan sa amin eh. Hah!" pagmamayabang kong sabi.
Napailing si Tanda. Aba, ayos 'yan.
"17 ako nang magkaroon ako ng syota.." sabi niya habang nakatitig sa mag-asawa na naglalakad.
"Ako nga, naka-ilan na eh!" pagmamataas ko.
"Ang sarap sa feeling ano? Parang may caretaker ka na mahal mo 'din... Feeling mo ligtas ka sa tabi niya. Na kayo na para sa isa't-isa.." pagpapatuloy ni Tanda.
"Naging mag-asawa kayo Tatang?" tanong ko.
"Hah. 'Yun lang. Hindi kami naging mag-asawa. Ang saklap no? Siya 'yung first love ko na 'di ko inaasahan na tatagal kami ng 12 na taon. Bakit kami 'di naging mag-asawa? Kasi ano nga ba ang magiging kinabukasan niya sa akin? Eh buong buhay ko, isang lang akong janitor hanggang sa takasan ako ng kaluluwa ko." pagkukwento ni Tanda.
"Wala ho kayong promotion?!" pagsasalita ko habang nagpipigil ng luha.
"Wala eh. Grade 3 lang natapos ko. Naiinis nga ako eh, Pati janitor kelangan graduate ka ng college eh maglilinis ka lang naman! Hahaha! Pero nag-aaral uli ako, scholar ba." tuloy niyang pagkwento.
"Eh asan na po 'yung syota niyo?" tanong ko.
"Ah. Ayun, nakapangasawa ng mayaman. Eh wala eh. Kung mahal mo, pakawalan mo." saad niya.
Doon na bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Bakit niya ako pakakasalan, eh kahit bisyo ko 'di ko na kayang ibili para sa sarili ko. Last na yosi ko na 'to. 'Di na kasi ako makakabili uli." sabay tapon sa yosi niya.
Lalo akong umiyak. Humahagulgol ako sa harap niya. Sa 'di kalayuan, magiging katulad niya ako kung 'di ako magseseryoso sa pag-aaral ko. Ayokong mangyari 'yun. Ayokong mangyari 'yung dumating na 'yang araw na lilisanin ko 'tong mundo eh walang iiyak para sa akin. Na dahil 'di ako nakatulong sa pamilya ko, na bulakbok ako, kababae kong tao. Na puro yaman sa lupa lang meron ako dahil sa mga kaibigan ko.
"Pasensya ka na iha., napa-MMK tuloy ako sa'yo. Nakikita ko kasi sarili ko sa'yo eh. Hahaha! O siya, mauna na ako!" pagpapaalam ni Lolo.
"Kawawa naman si Tatang, pambisyo niya na lang, 'di niya pa maipambili." bulong ko sa sarili.
Narinig ko ang mga palakpakan. Nagsimula na pala ang Graduation. Napailing na lang ako nang makita ko si Tatang nang makita ko siya sa stage.
"Valedictorian for S.Y. 2012-2013, Lolo "Felix" Cabayungan!"
Narinig kong maghiyawan ang mga bata. "Lolo! Lolo! Lolo!"
BINABASA MO ANG
Sigarilyo Pa! (One Shot)
Short Story"Ang lahat ng nagmamataas ay ibinababa at lahat ng nagpapakababa ay itinataas" Kk 14: 1 - 14 Isang istorya tungkol sa isang dalagang nalihis ng landas dahil sa maling barkada na nagturo sa kanya ng mga 'di kanais nais na gawain ng isang babae. Umino...