Chapter 2: Reborn

8 3 0
                                    

'Sabi ni Bella Swan, death is easy, while life is harder. In my own perspective, I would really agree with her. I have lived in this world for 500 years and I saw life and death. I witnessed them all, in my very eyes.'

"Is she going to be fine?"

Naririnig ko pa rin mga boses nila , pati yung lalaking yun. Siguro nasa hospital ako.

Ang sakit ng katawan ko, parang binugbog pati atay at balunbalunan ko.

'Psst.'

'Sino ka?'

'Lubayan mo muna yang katawan na yan, tara usap tayo.'

Umalis ako sa katawan ko at hinanap yung tumatawag sakin.

Nakita ko siya... At kilalang-kilala ko siya.

'Kamusta ka na?'

'Magiging okay ba ako kung naghihingalo na?'

'Hindi ka naman mamamatay. Alam mo yan. Kahit pa nagka lasug-lasog na buto pati atay mo, babalik ka rin sa dati.'

'Pwedeng patayin mo na ako? Ikaw naman si Kamatayan diba? Nahihirapan na ako.'

Nakakapagod din mabuhay sa mundong ito. Hindi ka man lang tatanda o magbabago man hitsura mo. Hindi ako bampira, wala akong pangil at kapangyarihan, pero namumuhay akong immortal sa mundong ito.

'Nakakatuwa talaga ang mga tao. Ikaw, gusto mong mamatay. Sila naman, gustong mabuhay ng matagal.'

'Hindi blessing to, isa itong sumpa.'

'Na agad mo namang tinanggap noon. Ngayon, harapin mo ang kapalit. Kung may lunas ba o wala, hindi ko masasabi.'

Naglaho na lang siya bigla sa harapan ko. Napabuntong hininga na lang ako.

'Electric shock!'

ARES POV

Is she mad? Now its my fault that she's fighting for her life. Hindi ko naman sinabi na iligtas niya ko.

'Dude, ya alright?' Luckily, my friend here came to my aid immediately.

'How could I Vince? Nag-aagaw buhay yung babae dahil sakin. Kasalanan niya rin kasi, bakit niya ako sinundan.'

'Ikaw na nga yung iniligtas, nagagalit ka pa. Dude, give the woman some credit.'

'What if she died? Habang buhay karga ng konsensya ko ng dahil sa kin may namatay.'

'We'll just hope for her to survive. Just stay calm' sabay tapik sa balikat ko.

Napaupo na lang ako. Ni minsan sa buhay ko, hindi pako dumating sa puntong nakapatay ng tao. Hindi ko siya pinatay directly, pero ng dahil sa kin kaya siya nag agaw buhay.

'Mr. Kosanov?' puna ng doctor sakin.

'How's the patient doc?' asked Vince.

'She's now stable. She have underwent surgery due to severe bleeding on her head. But we have to observe her condition closely because she might encounter complications.'

'Thank you doc. Please do what you can.'

'I'll take my leave.'

Atleast, my conscience is clear.

'Mayroon ba siyang kamag-anak?'

'Hindi ko alam. Hindi ko nakuha ang cellphone niya kasi durog na.'

'Quite a problem dude. But sure enough, someone will come.'

'Yeah.'

'Ill get something to eat.'

Now that she's fine, might as well leave. But can I really leave her behind?

ARA POV

Nararamdaman ko na ang pagbabalik ng katawan ko sa dati. Hindi ko nararamdaman ang sakit ng mga sugat ko. Para ngang props lang to na naikabit sa katawan ko kasali na ang mga aparatos.

'Ara..'

Iminulat ko ang mata ko at una kong nakita ang nag-alalang mukha ng secretary ko. Mamula-mula pa ang mata.

'Iiyak kana naman? Kanina lang, binabaan mo ko ng telepono.'

'Ikaw naman kasing bata ka, bakit ka pa nagpaka superhero at nanligtas ha?'

'Mabubuhay naman ako Cheska. Alam mo yun.'

'Oo, alam ko. Pero, kahit na. Hindi mo dapat ginawa yun.'

Ito ang kaibigan kong si Cheska. Na meet ko siya 20 years ago noong bumalik ako dito sa Pinas galing  sa New York. She was in her darkest point when I met her. At the age of 19, she was ordered to marry someone to pay her father's debt. She was used, maltreated and forced to work as a prostitute. I didn't pity her, but at some point we shared the same fate. Not that my father sold me.

Before I met her, I have a principle in life. I should not give, and take to avoid affection. I believe that is the way for me not to be hurt anymore. I closed my heart for others, and have been ruthless.

'Penny for your thoughts?'

I just smiled.

'Don't you worry about me, Ches. I will be fine, you know I will.'

Si Cheska lang ang nakakaalam ng sekreto ko. At naitago naman namin yun ng mabuti.

'Nakita mo ba yung kasama ko sa aksidente?"

'Ah! Yung Mr. Kasanov ba yun?'

'Ewan. I don't know him. Nakita mo ba?' Ang hirap magsalita ng may oxygen. 

'Oo, kanina andito siya. Binantayan ka. Titig na titig nga sayo eh.'

'Wee? Nag away pa kami noon bago kami nasagasaan. Bipolar yun.'

'Ano ka ba. Siya nga sumagot ng pagpapa-ospital mo eh.'

'Aba dapat lang! Kasalanan kaya niya, tumawid ba naman sa kalye basta-basta.'

'Ikaw din. Bakit ka ba nangligtas din?' kinurot niya ako sa tagiliran.

'Araay! Makakurot ka dyan, ang sakit huh! Hindi kana naawa sakin.' Tch

'Glad you are awake!' Sabi ng tao sa may pintuan.

Oh-oh. Hotty alert. Sino to? Hindi naman to yung lalaking Bipolar. Baka naligaw?

'You must be wondering who am I? I'm Vince Dela Cerna, friend of Ares Kosanov.' Kinamayan niya ko while smile pa. Oh. Perfect dimples.

'Saan na yung Bipolar mo na kaibigan?' Siniko ako kaagad ni Cheska. 

'M-A-N-N-E-R-S' she mouthed.

Tch.

'He has something to do regarding with his work. I will be taking care of you.'

'No need Vince. Sorry to bother you. I will be fine for a couple of days, don't worry.'

'I insist. I'm bored anyway.' Pfft. Iba talaga ang mundo ngayon. Pag bagot ka, kailangan talaga mag babysit ng hindi mo kilala?

'Okay. If you insist.'

'I hate to say this, but what's your name?' Napangiwi ako. Naman. Walang proper introduction.

'You can call me Ara.' I smiled. Unexpectedly, he bowed his head and kissed my hand.

Gentleman...

Forever YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon