We sometimes encounter people, even perfect strangers, who begin to interest us at first sight, somehow suddenly, all at once, before a word has been spoken.
- Fyodor Dostoevsky
ARA POV
Walanjo talaga yung lalaking yun! Hindi na nagpakita. It's been five days since the accident, at five days na rin siyang hindi nagpapakita. Buti na lang to si Vince, andito parati. Parang ako lang ang inaasikaso ng taong to.
Gulat na gulat ang mga doktor bakit daw ang dali ko lang naka recover. Hay! Kung alam lang sana nila.
'You want to eat?' tanong ni Vince.
Patatabain yata ako nito eh.
'Busog pa ako Vince. Salamat. Siyanga pala, wala ka bang trabaho?' Hindi ako interesado ha? Nagtatanong lang.
'Meron.'
'Bakit ka nandito? Dapat dun kana sa trabaho mo. Baka sisantehin ka, kasalanan ko pa.'
'Edi okay lang. Bigyan mo na lang ako ng trabaho kung ma sisante ako.'
'Gaya ng?' Weirdo to oh. Parang close na talaga kami.
'Maging personal nurse mo.' Pfft. Ano daw?
'Sira! Pero seryoso, ano trabaho mo?'
'Isa akong freelance photographer.' Sabay kindat sakin.
'Dapat nasa labas ka, naghahanap ng magandang subject para sa photo piece mo.' Sabi ko sabay nguya ng orange. Hindi raw nagugutom eh. Tch
'Andito naman ang pinakamagandang piece sa harapan ko.' He flashed his perfect smile and dimples. Yun oh! Ang gwapo.
'Nakakahiya ka naman! Isa ka sigurong player?'
'Hindi rin. Masama bang maka-appreciate ng magandang nilalang?'
'Ahem.' Life saver! Kung hindi mamumula talaga pati ilong ko. Agad kami lumingin ni Vince sa pinto kung sino yung dumating. At nagpakita na siya sa wakas. Tinaasan ko siya ng kilay.
'Tch. Is that how you greet people, woman?'
'Is that how you greet the one who saved your life?' Tinaasan ko pa kilay ko.
'I did not ask you to save me.'
BINABASA MO ANG
Forever Young
FantasyI live in a modern world though I came from the past. Time travel? No. I never aged, since the day I thought I died. How it happened? It's a long painful story. I realized from then on that life is mysterious, or so I thought. I live my life, watchi...