Chapter 22.

667 18 2
                                    

PAULO’S POV.

 

 

 

 

After ko pumapak ng peanut butter na nakita ko lang sa fridge ay uminom ulit ako ng cold water. Ganito kasi ako kapag walang magawa. Mahilig ako pumapak ng mga sweets na nakikita ko lang sa loob ng ref.

Ate Tat: “Sir! Sir Paulo!” Napalingon ako kay Ate Tat dahil bakit parang may emergency siyang sasabihin. “Si… Si Jonas ho, Sir Paulo. Nakikipagaway ho kay Ma’am Lorraine. Nandoon ho sila sa salas.”

 

Me: “Ano?!” Napakunot-noo ako. Kaagad kong nalapag sa lababo yung glass na pinaginuman ko at kumaripas ng lakad papuntang salas.

Pagkarating ko ngang salas, naabutan kong nagkakasigawan sina Jonas at Lorraine na parang may malalim na pinagaawayan.

Lorraine: “Manahimik ka!”

 

Jonas: “Ikaw ang mananahimik ngayon! Sir! Madam!”

 

Me: “Ano ba yang away na yan?!” Napatingin sa’kin sina Lorraine at Jonas. Biglang tumakbo papalapit sa’kin si Lorraine at kaagad niya kong niyakap.

Lorraine: “Nababaliw na yang Jonas na yan!” She pointed at Jonas while she’s crying. Nakita ko yung galit na galit na reaksyon ni Jonas kay Lorraine.

Me: “Jonas, ano bang nangyayari na naman dito? Can you please explain it to me?” Malumanay kong tanong kay Jonas.

Jonas: “Sir, para sabihin ko sa inyo. Walang karapatan yang babae na yan na manakit ng kahit sinong tauhan dito.” He also pointed at Lorraine’s. “Wala siyang papeles dito para patunay na pwede na lang niyang sampal-sampalin ng ganun si Patring!”

 

Lorraine: “And so what?! She deserve that slap from me, dahil malandi naman talaga siya!”

 

Jonas: “Sabihin mo inggit ka lang!”

 

Lorraine: “Excuse me?! Bakit ako maiinggit sa babaeng ‘yon?!”

 

Me: “Ugggggh!” Biglang nanahimik si Jonas at Lorraine dahil sa sigaw ko sa kanila. Sumasakit na talaga lalo yung ulo ko dahil palagi na lang may gulo dito. “Hindi na natapos tapos ‘tong mga away niyo! The fuck?!” Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa bwisit ko.

“Paulo, Lorraine, Jonas! Anong gulo yan?!” Nabaling yung attention namin kay Mommy habang bumababa siya ng stairs.

Lorraine: “Tita Theresa, that poor guy! Ang kapal ng mukha na sagut-sagutin lang ako!” Nakaduro si Lorraine sa galit na si Jonas.

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon