Chapter 25.

779 16 0
                                    

CRAIG’S POV.

Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko ng lalong nagkakalapit ang loob nina Patricia at Paulo. Nagaalanganin na rin ako na baka magkagusto si Paulo kay Patricia. Dahil umamin na nga sa’kin noon si Patricia na mahal niya si Paulo. Maaga akong nagpuntang hacienda para yayain mag gym si Paulo at para na rin makita ko ng maaga si Patricia.

Tita Theresa: “Hey, Craig. Good morning.”

Me: “Hi, Tita! Good morning!” Nagbeso ako kay Tita. “Gising na po ba si Paulo?”

Tita Theresa: “Not yet. Pero, ginigising na siya ni Patricia ngayon. Bakit, may exercise ba kayo ngayon?”

Me: “Yayayain ko po sanang mag workout.” Ngiti ko kay Tita Theresa.

Tita Theresa: “Gigising na rin ‘yon. Hali ka, hijo. Kain ka.”

Me: “Salamat na lang po. Nagbreakfast na ko sa bahay.” Napansin na nga naming magkasabay ng dumadating sina Patricia at Paulo papuntang dining. Parang nagulat pa silang dalawa sa’kin dahil maaga akong nandito.

Paulo: “Oh, good morning Craig. Aga mo ha?” Sabi pa ni Paulo habang kinukusot pa yung mata niya.

Me: “Syempre, bro. Magwoworkout tayo e.”

Paulo: “Workout?” Napansin kong nagkatinginan si Paulo at Patricia. “Uh… ano kasi, Craig e. Aalis ako.”

Tita Theresa: “Where do you go?”

Paulo: “Lalabas lang, Ma. Tsaka… I’ll buy new things para sa’kin. Nakakasawa na rin kasi e. You know.”

Tita Theresa: “E di, magbonding kayo ni Craig. Kesa magworkout kayo, lumabas na lang kayo.”

Me: “No, it’s okay Tita. Hindi ko rin naman nasabihan si Paulo na yayayain ko siya. Okay lang naman.” Ngumiti na lang ako ng matipid.

Paulo: “Uhm, pasensya na bro ha? Bukas na lang tayo mag gym.”

Me: “Oo naman, bro. Okay lang.” Napatingin ako kay Patricia na nakatingin rin pala sa’kin habang nakatayo lang sa isang sulok. “Magstay na lang siguro ako dito sa hacienda. Makikipagkwentuhan kay Patricia.”

Patricia: “Huh?”

Paulo: “Craig… sasama ko kasi si Patricia e. Siya yung personal assistant ko. Alam mo naman.” Sabay inom ng juice si Paulo.

Me: “Uh-oh. I see. Babalik na lang siguro ako bukas.”

Paulo: “Pasensya na talaga, bro ha? Bukas na lang talaga.” I just nodded.

Me: “Tita, Paulo, Patricia, una na ko ha? Pasensya sa istorbo.”

Tita Theresa: “Ingat, hijo. Ayaw mo ba talaga makisalo sa’min?”

Me: “Busog na po ako, Tita. Thank you na lang po. Sige po.” Kumaway na lang ako at diretsong lumabas.

Hindi ko alam yung gusto kong maramdaman ngayon. Para kasing may kutob ako na may gusto na ‘tong si Paulo kay Patricia. Pero, imposible e. Ang mga tipo ni Paulo ay yung mga katulad ni Lorraine. Halos, hindi ko na nga gaano makasama si Patricia ‘di tulad ng dati. Dahil palagi na siyang busy magtrabaho sa mansion. Kaya mas marami yung time na magkasama sila ni Paulo.

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon