PAULO’S POV.
When I entered on our home, naabutan ko si Mommy na nagbabasa ng magazine sa salas while drinking her coffee.
Mommy Theresa: “Oh, hijo? Where have you been?” Ngumiti lang ako ng matipid kay Mommy and I kissed her on cheeks. “What’s that?” Turo niya sa plastic na bitbit ko.
Me: “Uh, it’s boneless bangus. Binili ko po sa may Bayan. Dun kasi kami nanggaling ni Patricia e.” Sagot ko kay Mommy.
Mommy: “Really? Boneless bangus? Masarap yan lalo na kapag binili mo sa Bayan. Pero, bakit ka yata bumili niyan?” Binigyan ako ni Mommy ng isang questioning look.
Me: “Sabi po kasi ni Patricia masarap talaga yung mga products of Cebu. And I just wanna try kasi mukha namang masarap talaga. Paluto ko na lang ‘to kay Manang Gina for our dinner.”
Mommy: “Surely, hijo. If that’s what you want.” She smiled and nodded. I smiled at her, tapos dumiretso na ko ng kitchen para ipaluto kay Ate Gina mamaya ‘tong boneless bangus.
Pagpunta kong kitchen, naabutan ko si Ate Tat na may hinihiwang meat.
Me: “Uhm, Ate Tat, si Manang Gina nasaan?”
Ate Tat: “Sir, nagdidilig po sa labas e. Bakit po? May kailangan po ba kayo?”
Me: “Ipapaprito ko lang sana ‘tong bo---.”
“Ako na diyan!” Napalingon pa kami ni Ate Tat sa biglaang nagsalita. Si Patricia pala na nakangiti lang. Bigla siyang lumapit sa’kin at kinuha yung plastik na dala ko.
Patricia: “Ako na magpiprito nito. Kakainin mo ba ‘to para sa dinner mo?” Napansin kong napatingin siya kay Ate Tat. “Uh… Ang ibig ko pong sabihin, Sir Paulo. I-uulam niyo po ba ‘tong bangus?” Napakamot siya sa ulo niya at natawa ako ng mahina.
Me: “Oo, kaya lutuin mo na yan lahat mamaya.” Sagot ko lang habang nakangiti lang ako. “’Wag mong hahaluan ng lason yan ha?” Naka sarcastic smile ako sa kanya. Sumimangot lang siya sa ginawa ko.
Patricia: “Hindi ko naman po lalagyan ng lason ‘to.” Ngumiti siya ng pilit sa’kin na parang naaasar. “Teka pala. Uh… nandoon si Sir Craig sa labas ng kusina. Hinihintay ka daw po niya.” Tinuro pa niya yung palabas ng kusina.
Me: “Okay, okay.” Sinimulan ko ng maglakad pero tumigil ako sa may tabi niya para bulungan siya. “Hindi bagay sa’yo yung nag gagalang-galangan. Mukha kang ewan.” Nag grin pa ko sa kanya at tinuloy ko na yung lakad ko palayo. Malamang, lumalaki na naman yung butas ng ilong niya sa inis sa’kin.
BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Teen FictionSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...