Chapter 27.

665 17 2
                                    

PATRICIA’S POV.

 

 

 

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung napanaginipan ko. Simula pag gising ko pa lang kaninang umaga, ‘di na ko mapakali. Siguro, dahil na rin sa takot na pakiramdam ko’y magkakatotoo ‘yon. Iniisip ko pa nga lang ngayon na hindi ko na makikita si Paulo, masakit na e. Paano pa kaya kung nagkatotoo ng hindi ko na siya makikita pa? Kahit magkaibigan lang ang estado naming dalawa ngayon, kontento na ko sa atensyong binibigay niya sa’kin.

“Are you alright?” Nagising ako bigla sa realidad ng magsalita na si Craig na kaharap ko ngayon. I nodded as an answer para ‘di siya magtaka pa.

Craig: “Nakatitig ka lang kasi sa kinakain mo e. Parang may malalim kang iniisip? May problema ka ba ha?” Mahinahon niyang tinanong sa’kin. Nandito na kasi kami sa isang sosyal na romantic restaurant sa mall dahil nga sa pinagusapan din namin ni Craig kahapon.

Me: “Wa-Wala naman.” Pagsisinungaling ko na lang din kay Craig.

Craig: “Kahit hindi pa taon yung pinagsamahan natin, Patricia… kilala na kita.” Uminom siya ng iced tea niya at saka sumandal sa inuupuan niya. “What is it? Di ba nga sabi ko sa’yo noon, pwede mo lang akong sabihan ng problema mo anytime?” Napatingin lang ako sa ibaba na parang pakiramdam ko’y lalo akong nalungkot. At binitawan ko na nga yung hawak kong tinidor at kutsilyo.

Me: “Mag-Maghapon na kasing tumatakbo sa isip ko yung… yung napanaginipan ko.” Hindi ako makatingin ng diretso kay Craig kasi pakiramdam ko iiyak na naman ako. “Isang napaka pangit na panaginip.”

 

Craig: “You mean, it is a nightmare?” Malumanay lang siyang nagtatanong.

Me: “Ganun na nga.” Hindi pa rin ako makatingin ng diretso kay Craig. “Kasi… parang masakit sa’kin yung napanaginipan ko. Natatakot ako.”

 

Craig: “Scared because? Ano ba talagang napanaginipan mo?” Nag-aalala ng tono ni Craig.

Me: “Si… si… Paulo. Siya yung kasama ko sa panaginip ko.” Parang naluluha ko ng sinasabi sa kanya. “Nilalayo siya sa’kin. Nilalayo siya na hindi ko maintindihan kung ano.” Narinig ko yung pagbuntong-hininga ni Craig at napansin kong inalis na niya yung pagkakasandal niya sa upuan niya.

Craig: “It is Paulo again?” Nag nod lang ako. Nararamdaman ko ng naiiyak ako ‘pag naaalala ko yung panaginip na tumatak sa isip ko. “Bakit ka naman natatakot na lumayo siya sa’yo?”

 

Me: “Alam mo naman… siya yung tinitibok nito e.” Tumingin na ko sa kanya at tinuro ko yung puso ko mismo. “Kahit anong pigil ko hindi ko magawa e. Kasi habang pinipigilan ko… lalo lang lumalala yung nararamdaman ko.” Tumulo na yung luha ko na kanina pa naipon sa gilid ng mga mata ko.

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon