Isang babae nanasa isang kwarto ng isang hospital.
Isang babaeng nakatitig sa isang lalaking 2 linggong mahimbing na natutulog na hindi alam kung ...
Magigising pa ba
O
Hindi na magigising
Ang bumabagabag sa isip ng dalaga oras oras at araw araw na lumulipas.'Icah (aycah)'
Ewan ko ba kung bakit ganito yung nangyari. Akala ko magkakatoo na ang pangarap ko na maging kami.
Ewan ko ba kung paano pa ako nakakain sa nangyayari ngayon.
Ewan ko ba kung bakit nabubuhay pa ako.
Hindi ko kaya na nakikita kitang ganyan."Justine! Bakit ka nagkaganyan?! Hindi pa nga nasasagot ang lahat ng tanong ko !" Sabi ko habang tinitigan ang mukha niyang maamo.
"Bakit hindi mo ko hinintay?! Sana bago ka nagkaganyan sinabi mo naman na mahal mo ko. Kasi ngayon hindi ko alam kung mahal mo ba ako o hindi." Sabi ko habang hinawakan ang kanang kamay niya.
"Alam mo ang sama mo. Bakit?! Kasi ako pa ang naglinis ng nasayang mong suprise, alam mo ba?! Sa sobrang dami ng nilagay mo napagod ako." Sabi ko habang inaalala ang surprise niya sa akin.
Kung hindi lang siya nagkaganyan siguro naging kami na.Next day
"Hoy! Lalakeng ginaya si sleeping beauty. Ngayon napatunayan ko talagang bakla ka. Hindi ka pa talaga umaamin noon. Sabi sabi pang 'For Peter's sakes I'm not gay and you're the one and only girl who told me that I am gay. ' pero tingnan mo kinacarrier sleeping beauty mo pa ang pagiging sleeping beauty mo sabihin ko nga kay hagdan yun." Sabi ko habang tumatawa nung inaalala ko yung araw na yun. Akala ko talaga bakla siya pero hindi pala.
'Bakit naman siya magiging bakla itong lalaking ito eh nagustahan niya ako nito' tumatakbo sa isip ko.
"Oo nga pala! Binisita ko kanina si hagdan. Sabi ni hagdan miss kana niya at sabi pa niya magtatampo na daw siya." Sabi ko habang nilalagay sa plato yung hiniwa kong apple at tumabi sa tabi niya.
"Alam mo sabi ni hagdan ayaw niyang linisin ko siya ng hindi ka kasama. Talagang mahal ka niyon noh." Sabi ko habang ningunguya ang apple na hiniwa ko.
Nagulat ako ng gumalaw ang daliri ng kanang kamay niya.
Doon na ako nagsimulang umiyak dahil naalala ko yung araw na kumakain ako habang nagsasalita.Pinagalitan niya ako at sinabi niya ...
'Para kang baboy, nagsasalita habang kumakain, walang manners. Talagang hindi ka tao dahil baboy ka pala. Tingnan mo may dumi ka sa labi' sabay lapit sa akin pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang daliri ng kanang kamay niya.Kahit tulog ka nagalala ka pa rin sa akin.
"Sabi ni hagdan gumising kana para pagsabihan ako uli. Tingnan mo hindi pa rin ako nagbabago." Sabi ko habang pinupunasan ang taksil kong luha.
"Sabi ni hagdan pangit ka daw habang nakapikit kaya gumising kana." Sabi ko habang hinahaplos ang maamong mukha niya kahit alam kong masungit siya.
" Sabi ni hagdan gumising kana kundi lilinisin mo yung mga kalahi niya simula anak , asawa at kamaganak niya. Oo nga pati mga kamukha niya." Sabi ko habang umiiyak na tumatawa.
"Sabi ni hagdan tama na daw yata ang two weeks para sa pagod mo sa pag aayos sa kanya." Sabi ko habang nanginginig ang boses ko.
"Gumising kana ok na yang bilang parusa sa pagtatampo ko sayo. Please gumising kana quits na tayo." Sabi ko habang hindi ko na natigilang umiyak ng umiyak.
"Sabi ni hagdan mahal ka niya." Sabi ko habang umiiyak at humiga sa kanyang didib pinapakinggan ang tibok ng aking taong mahal.
BINABASA MO ANG
Stair To Love
Teen FictionStair in tagalog hagdan. Nang dahil sa hagdan nakilala ko siya. Nang dahil sa hagdan mas nakilala ko pa siya. Nang dahil sa hagdan naranasan kong mag alaga ng 'bata' Nang dahil sa hagdan naranasan kong maging 'ina'. Nang dahil sa hagdan nagmahal a...