Chapter 1 - #heartbreak

83 3 1
                                    

Bukang liwayway, tahol ng aso, tilaok ng manok, sigaw ni Manong na nag titinda ng taho. Ito ang mga bagay na makikita at maririnig sa kalye ng Ilang-Ilang sa subdivision ng White Plains sa Quezon City.

Alas sais ng umaga. Unang araw ng pasukan sa eskwela kung kaya't makikitang paroo't parito ang mga batang pasakay ng kani-kanilang mga shuttle service.

Madilim pa sa kwarto ni Angel. Nakasarado pa ang mga kurtina. Ang tanging maririnig lamang sa silid ay ang ugong ng air conditioner. 6:15. Tumunog ang alarm clock. Pangatlong alarm na naka set sa Iphone nya. Makikita sa screen ng telepono, "Slide to stop" at "Click to snooze".

Biglang kakalabog ang pinto. Sisilip si Aling Martha sa pinto. "Hoy, Angelica! Bumangon ka na! Kanina pa tumutunog ang alarm mo ah!" Sa totoo lang, antok na antok pa siya. Maga at pagod na pagod din ang mga mata sa kakaiyak kagabi. "Oho! Babangon na'po." Pasigaw na sasagot ang kanyang Mommy. "Aalis nako't mamamalengke. Wala ng gigising sa'yo! Dyan ka na!"

Yamot na yamot na babangon sa kama habang kausap ang sarili. "Si Mommy naman oh. Araw-araw na lang! Nakakainis naman!"

Biglang dadako ang tingin sa photo frame sa katabing bedside table. Picture ng isang babae at isang lalaki sa isang restaurant. Animo'y masayang-masayang magkasama. Biglang lulungkot ang mga mata ni Angel. " Grrr! Ayoko ng pumasok! Ayaw kita makita! Utang na loob naman!" At muling susubsob sa unan. Para siyang isang baliw na matitigilan. Tatayo at titingnan ang sarili sa salamin. "Lilipas din 'to. Masasanay din ako. Makaligo na nga. It should be a brand new day for me. Pare-pareho silang mga lalake. Hays!"

Kaka-break lang ni Angel sa kanyang boyfriend, este, bale ex-boyfriend na si Mike dalawang linggo na ang nakakalipas. At two days ago ng mabalitaan nyang idine-date nito ang isa pang estudyante sa kabilang klase.

Mass Communication ang kursong kinukuha ni Angel, Major in Broadcasting. Magtatapos na sya sa susunod na semester.

Sa school cafeteria. Tulala at tamad na tamad siyang kumain. Isang mamon na paborito nya at chocolate drink lang ang kanyang inorder. Pakiramdam niya hindi siya nagugutom pero kailangan dahil kanina pa nagrereklamo ang sikmura nya. Pati ang music sa background, nakikidalamhati sa nararamdaman niyang pighati. Ganoon nga yata talaga pag broken hearted. Feeling mo, lahat ng kantang tumutugtog, para sa'yo. Pati ang kanta ni April Boy Regino na "Di Ko Kayang Tanggapin", naiiyak ka.

Malapit ng tumulo ang kanyang mga luha. Pero agad niya itong binawi. Nakikita niyang papalapit ang lalaking dahilan ng masalimuot niyang araw.

" Pwede bang maki-share ng table?", patanong nito. Sa muling pagkakataon, narinig niyang muli ang boses nito. Makirot, masakit, nakaka-miss. Pero kailangang labanan. "Sure", walang gana ang tono ng kanyang boses. Animo'y biglang bumulong sa kanya si Lady Gaga..."P-O-K-E-R F-A-CE!"Sana naman umalis na ito. Sira ba sya? Lalo lamang nitong sinasaktan at pinapahirap ang pagmo-move on nya.

"Galit ka ba sa'kin?", Kunot-noong tanong ng ex-boyfriend. Napangisi siya bigla.

Eh hayop din naman pala 'tong gagong ito e. Two weeks ago, kakagaling lang niya sa Star City kasama ang mga kaklase niya. Ang saya-saya niya nung araw na iyon. Bukod sa first time niya doon, madami din siya nasakyan na mga extreme rides. Imagine mo naman, ang saya-saya noon di ba? To the highest baga. Tapos bigla syang tatawag sa cellphone mo para sabihin na break na kayo. Ang lupit di ba?

Nasasaktan man ngunit kailangan pa rin niya magpanggap. "Ano bang gusto mong mangyari? Magpa-party ako? ", pinipigilan ang paggaralgal ng boses. Diretso ang tingin sa kanyang mga matang sumagot ang ex-boyfriend, " I just want us to be friends." Hindi niya mapigilang mapangisi. Unti-unti nang bumibigat ang kanyang dibdib. Pinipigilang tumulo ang mga luha sa mga mata. Kailangan maipakita niya sa hambog na lalaking ito na matibay siya at hindi siya kawalan. "You...want...us...to...be...friends? You expect me to be friends with you? Again? And that's a week after our break up? Are you kidding me?" Pinagmamasdan pa rin niya ang reaksyon sa mukha nito. Nami-miss kaya siya nito? Umiiyak din kaya ito kapag mag-isa na lang sa kwarto. Naaalala din kaya nito ang mga dates nila?

"Look, Angel", pagpapatuloy nito. "Di na tayo bata. Ang panget naman kung magkikita tayo dito sa school araw-araw tapos hindi nagpapansinan."

"Look, Mr. Mike Solano. Wag mo'kong itulad sa mga babaeng pinaglaruan mo at paglalaruan mo pa. I am moving on right now and i'll do it my way no matter what it takes."

BIglang nagbago ang reaksyon sa mukha nito. Animo'y natigilan sa kanyang mga sinabi. Good! Medyo effective ang kanyang pagkukunwari. Akala yata nito hindi niya kayang mabuhay ng wala siya. Well, hindi niya rin alam kung paano haharapin ang susunod na mga araw na hindi niya ito nakikita o nakakasama. Pero bahala na. Marami siyang mga kaibigan at pwedeng mapaglibangan. Naalala niya tuloy ang isang tip na galing sa napanood niyang movie a week ago. Sa pag move-on daw, kailangan mo ng rebound. Kailangan mo ng mapaglilibangan. Kailangan mo ng mapagtutuunan ng pansin para makalimutan si ex. Napaisip tuloy siya. Hindi kaya mahal pa siya nito at ginagawa nga lamang rebound yung Regina na iyon.

"Okay, okay. Wala na'kong sinabi. So you are moving on na pala", mapapansing bumaba ang tono ng boses nito.

"Haha! What do you expect me to do? Pagkatapos kong malaman na nagde-date na kayo nung Regina na yun."

"So, nagseselos ka?," bumalik ang yabang sa boses nito.

" Pwede ba umalis ka...

" Ehem! Hi, girl! Are you done with your break?", anang boses na kilalang kilala nya.

Biglang tumayo si Mike, "Okay. I'm outta here."

"Hay naku, girl! Buti na lang dumating ka," nakahinga siya ng maluwag.

"Para saan pa naging bestfriend mo'ko? And why are you still talking to that a-hole?, "lumabas na naman ang pagka-antipatika nito. Ito ang isa sa mga reasons kung bakit sila naging mag-bestfriend.

Angel: He approached me first.
Beatrice: Kinilig ka naman?
Angel: Naku! Magsama kaya kayong dalawa!
Beatrice: Relax, girl. So what did he tell you?
Angel: All bullshits. Tara na nga sa library. I need to finish my commentary pa.

Matagal ng mag-bestfriend ang dalawa. Nagkakilala sila sa first day of their orientation ng makita ni Angel na umiiyak sa isang sulok si Beatrice. Iniwan din ng lalaki. Simula noon, magkadikit na sila araw-araw. Kung nasaan si Angel, nandun din si Beatrice. Pareho silang mag-isip, manamit, kumilos at wala ring pinagkaiba pagdating sa mga expressions. Pareho nilang pangarap maging magaling na DJ sa radyo.

Uwian ng karamihan. Maraming nakaparadang mga kotse sa labas ng school. Sinusundo ang mga girlfriends. Madadako ang kanyang mga mata sa green na Fortuner. Nakababa ang windshield. Si Mike. Mukhang may hinihintay. Napatingin ito sa kanya. Umayos ng upo at pinilit magtumikas ang mga balikat. Kumaway. Excited na excited ang expression ng mukha. Pero hindi sa kanya nakatingin. BIglang dumaan si Regina sa harap niya. Kumakaway at may excitement din habang patalo talon pa habang papalapit sa Fortuner. Nag-kiss ang dalawa. Isang moment na gusto nyang maglaho na lamang sa kanyang kinatatayuan.

Angel: (sa sarili) Napakayabang. Magsama kayo nyang rebound mo. Pwe! (sabay para ng cab)

Sa hapag kainan.
Aling Martha: O! Tulala ka na naman. Di mo ba gusto yung ulam?
Angel: (Tulala. Nakatingin sa kawalan) Okay, lang po.
Aling Martha: E bakit ganyan ang mukha mo.
Angel: Wala po.
Aling Martha: Wag nga ako ha, Angelica! Tigilan mo na yang kakaisip sa lalaking yon. Graduating ka na. Konti na lang magsusuot ka na ng toga. (uupo sa harap ng anak) Anak. Mas malaking mundo ang haharapin mo after ng graduation mo. Kailangan maging handa ka. Kailangan maging seryoso ka na sa buhay. Wala ka ng mga kaklase na makikita araw-araw. Wala ng kopyahan. Wala ng grouping grouping kapag may mga projects at defense. Mag-isa ka na lang. Ikaw na lang. Unahin mo ito (ituturo ang ulo), bago ito (turo sa dibdib).
Angel: (buntong hininga sabay patak ng isang butil ng luha. Isang butil lang talaga...pero ngumunguya pa rin)

Sa kwarto. Nakatingin ulit sa picture frame. Walang tigil ang luha. Pwede ng pigain ang hanky nya sa sobrang basa.

Angel: What went wrong, Mike? What went wrong? Akala ko ba masaya tayo? Akala ko ba masaya ka sa'kin. Sabi mo i'm the best girl you have ever met? Anong nangyari?

(Biglang kakanta ng "Anong Nangyari sa Ating Dalawa?" si Aiza Seguerra s background ) --- Pang-asar lang.

Konsensya: Bakit ka ba nagtitiis sa lalaking yan? E two weeks pa nga lang kayong break, meron na agad iba. E hindi mo nga alam ang exact reason bakit ka nya iniwan e. Kung talagang mahal ka nyan, hindi muna dapat sya nanligaw agad ng iba. E parang ayaw mabakante e. Ang gwapo e. Nakatulog na lang sya habang basa ang mga pisngi.

He Loves Me, He Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon