Prologue

245 4 2
                                    

My name is Mark Rafael Reyes. Sixteen years old. Anak ako ng isang kilalang abogado, at isang doktora. Nag iisang anak. Isa akong guitarist ng bandang Lost, isang banda na hindi ganun kasikat,pero tumutugtog na sa mga maliliit na events. Kasama ko sa banda si Pol, ang vocalist namin, at si Gab, ang drummer. Boring ang buhay ko. Bahay, banda, school. Wala akong interes mag aral, at wala din akong ganang mabuhay. Hindi naman ako ganito noon, nagbago lang nung may mangyaring hindi maganda magdadalawang taon na ang nakararaan. Nakilala ko si Shiela sa isang bar kung saan kami tumutugtog. She's rich, beautiful at napakabait. Minahal ko siya, pero hindi ko inakala na magtatapos lahat iyon isang gabing kasama ko siya.

Nawala siya. Nawala pati ang gana kong mabuhay. Corny nga siguro para sa iba, pero para sa'kin, napakabigat. Kung nag ingat lang sana ako sa pagdadrive nung gabing iyon, sana andito pa siya.. 

Hindi naman siguro ako masisisi ng mga magulang ko kung bakit biglang bumaba ang mga grades ko. Nung una hinayaan lang nila, they even tried na dalhin ako sa isang Psychologist but i refused. Pero hindi nakatiis si Mommy. Ni wala man lang akong pinakitang ekspresyon ng dalhin niya ako sa Private School na iyon..St Dominic University.

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon