TORPE!

14 3 0
                                    

Malamig ang ihip ng hangin noong gabi na iyon.

Tahimik ang paligid.

Halos lahat kami tahimik habang nakahiga.

Tinititigan ang kalangitan.

Napakapayapa tignan.

Katabi ko ang babaeng pinakamamahal ko.

Kaso ...

Wala akong lakas ng loob na sabihin ang tunay kong nararamdaman.

Nanatili lang kaming nakahiga ..

Hndi ako sanay sa ganto katahimik ..

Nakakabinging katahimikan ..

Lumaki ako sa lugar kung saan maingay ..

Kinuha ko ang aking gitara ..

At nagsimula akong tumugtog ..

Malamig na ang gabi
Pwede bang ika'y makatabi?
Liwanag mo pa lang
Mainit na kahit ang buwan

Habang tumutugtog ako ng gitara ay napatingin ako sa kanya

Sa ilalim ng dilim
Ginagabay ako dahil
Ayokong maligaw sa malawak na mundo
Ikaw ang tala ko

Nakapikit sya habang nakangiti ..
Kaya't pumikit na din ako habang tumutugtog..

[Refrain]
Ngayon ka lang ba nanjan
Tuwing pasko ka lang ba makakamtan
Parol ka ng buhay ko magpakailanman

Nakakarelax yung ganto.
Lalo na at kasama ko sya.
Pagkatapos nitong kanta ay aaminin ko na sa kanya.

[Chorus]
Sana'y wag na maglaho

Ang liwanag na nagbago
Sa buhay kong madilim
Sa puso kong walang kapiling
Sana'y wag nang magbago
Ang pag-ibig na iyong tinago
Pwede naman buong taon
Nakasabit ka sa puso ko

Di ko alam kung paano ko sisimulan ..
Kinakabahan ako ..

Kahit san ako tumingin
Ikaw ang laging alaala
Kahit na anong gawin
Tuwing pasko ika'y laging kasama

Natapos na ang kanta at eto na ..
Aaminin ko na ..

Tumingin ako sa kanya tumingin din sya sa akin ..

Lumakas pa lalo ang ihip ng hangin ..
Sobrang lamig na ..

Sasabihin ko na sana ngunit inunahan nya ako ..

"MAHAL KITA"

at ngumiti sya sa akin ..

Kakaibang saya ang naramdaman ko nung mga gabi na iyon ..

Di ako makapagsalita ..

Pinangungunahan ako ng kaba ..

Ito na talaga ..

Sasabihin ko na ..

Huminga ako ng malalim at nagsalita ..

Ngunit ..

Hindi ko talaga kaya ..

Ilang minuto din syang nakatingin sa akin at tila nag hihintay sa aking isasagot .

Ilang segundo ang dumaan at nagsalita ulit sya ..

Ngumiti ulit sya sa akin ..

"PAALAM"

Nagtaka ako kung bakit sya nagpapaalam ..

Nakaramdam ako ng kaba nuong gabi na iyon ..

Di ko alam kung bakit ..

Maya maya pa ay natakpan ng ulap ang liwanag na nanggagaling sa buwan ..

Tila umiinit ang ihip ng hangin ..

Napatingin ako sa paligid ..

KADILIMAN ..

Bukod tanging kadiliman ..

Nakangiti pa rin sya sa akin ..

Hinawakan nya ako sa mukha ..

"PAALAM"

Sambit nyang muli ..

Unti unti nyang inilapit ang kanyang mga kamay sa aking dibdib ..

Tinulak nya akong bigla dahilan para ...

-  -  -  -  -  -  -  -  -

"A-arayyyy sakit sa likod" sambit ko sa sarili ..

Naupo ako sa gilid ng aking kama ..

Nahulog pala ako sa kama ..

Ibig sabihin ..

Panaginip lang pala ..

Pati ba naman sa panaginip TORPE pa rin ako?

Walanghiyang buhay to tsk tsk ..

Kinuha ko ang aking cellphone para tignan kung may mga mensahe ako ..

Naalala ko ..

Araw pala ng kamatayan nya ngayon ..

Bumaba na ako para kumain, maligo, at magbihis ..

Dumiretso na ako ng sementeryo para dalawin sya ..

At tulad pa rin ng dati ..

Ako lang ang laging dumadalaw sa kanya ..

Naupo at sa harap ng puntod nya ..

Nagsindi ng kandila ..

At kinausap sya ..

"Hi bestfriend .. Kamusta ka na? Miss na miss na kita alam mo ba?"

Sa puntong iyon di ko na napigilan ang pagluha ko ..

"Ilang taon na ang nagdaan pero di ko pa rin matanggap na wala ka na"

"Andaya mo naman kasi"

"Di sabi ko hintayin mo ako?"

"Diba sabi ko sayo ako mag aalaga sa iyo?"

"Tigas talaga ng ulo mo eh"

Pinunasan ko ang aking mga luha ..

Ang sakit sakit pa rin para sa akin na wala na sya ..

"Oo nga pala .. NAPANAGINIPAN kita kanina .. Hanggang dun TORPE pa rin ako"

"Sana pala nung araw na iyon sinabi ko na rin na mahal kita no?"

"Nagsisisi ako"

Umalis na ako ng puntod nya para makauwi na ..

At inisip yung napanaginipan ko kanina ..

Nasa camping kame noong araw na iyon bago sya mamatay ..

Tahimik ang lahat na nakatingin sa kalangitan noong araw na iyon ..

Napakapayapa ng paligid noon ..

Papauwi na kami noong nangyari ang aksidente ..

Nahulog sa bangin ang sinasakyan naming bus ..

Ako lamang ang bukod tanging nakaligtas..

Ngayon ..

Nagsisisi ako na hndi ko nasabi sa kanya yung nararamdaman ko ..

Nasa huli talaga ang pag sisisi ..

Araw araw lagi kong napapanaginipan ang eksena na iyon ..

Ilang taon na paulit ulit sa isip ko ..

Pero wala ehh ..

TORPE talaga ..

Mas gugustuhin ko na yung lagi kitang napapanaginipan ..

Malay mo ...

Dumating yung araw na ..

Masasabi ko rin sayo na ..

"MAHAL KITA"

Kahit sa PANAGINIP manlang

Tunay Ka Pala!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon