Kaklase kita sa literatura, pinapa-kwento tayo ng mga masasalimuot na pangyayari sa ating buhay. Hindi ko napigilang umiyak nang mga oras na 'yon sa harap ng klase.
Lumapit ka sa'kin at inabutan mo ako ng panyo na agad ko rin namang tinanggap. Nang mga oras na 'yon ay nakaramdam ako ng kakaiba para sayo.
Simula noon ay lagi na kitang tinititigan mula sa malayo. Paulit-ulit na sinasambit ang iyong pangalan sa mahinang boses. Umaasang ako'y iyong lingunin.
Minsan ako'y iyong nilingon, sa hiya ko'y tumalikod akong bigla. Lihim na napangiti sa isiping ako'y iyong nakita.
Gan'to pala kapag inlove nagiging makata bigla.
----"Jenaime, tayo raw ang mag-a-assist para sa darating na alumni party." Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang marinig ko iyon sa kaybigan kong bakla na si Gin.
Sa halip na magkomento ay tumalikod ako at naglakad paalis.
Ayoko ng umasa, masakit pala.
----
"Ano nanaman ba 'yon Gin?" Iritang tanong ko sa kanya."Hawak ko ang listahan ng mga pupunta sa alumni party." Talaga? Pupunta ka kaya? Makikita ba ulit kita?
Imbis na ipakita ang galak ay tinitigan ko lang s'ya.
"Gusto mo ba'ng sabihin ko sayo ang mga pupunta?" Hindi pa man ako nakakasagot ay nagbanggit na s'ya ng mga pangalan.
"Sarah, Renz, Deter, John, ay! Ano ba 'yan! Wait nga hanapin ko na 'yung pangalan ni Mikee--"
"Wag na Gin," pigil ko sa kanya.
Marinig ko lang ang pangalan mong parang isang napaka-gandang musika sa aking tainga ay masaya na 'ko.
----
Alumni party, Maingay ang paligid. Malakas ang tugtog na nagmumula sa speaker, maraming nagkakasiyahan.Ngunit isang masamang balita ang aking natanggap. Gusto kong sumigaw ngunit parang may bumara sa aking lalamunan. Nanikip ang aking dibdib at nanlabo ang aking mga mata.
Lumuluha akong tumakbo palapit kay Gin.
"Oh my God! Jenaime, what happened?" Hindi ko napigilang humagulgol ng malakas at mapakapit sa kanya. Nanghihina ang mga tuhod ko.
"Tulungan mo 'ko Gin, si mama, sinugod sa ospital. Inatake sa puso."
"Ssh. Wait lang, umupo ka muna at kumalma. Ikukuha kita ng tubig." Sinunod ko ang sinabi ni Gin. Paulit-ulit akong nag-inhale at exhale.
"Miss," Nilingon ko ang lalaking nagsalita. Saya, lungkot, takot. Halu-halo ang aking naramdaman.
Sa ikalawang pagkakataon ay nakita mo nanaman akong umiiyak at inabutan ng panyo.
"Nung una kitang nakitang umiiyak ay nang mag-kwento ka sa literature class natin. Ngayon umiiyak ka nanaman. Lagi ka nalang umiiyak tuwing magkikita tayo." Marahil paraan ng tadhana na tayo ay magtagpo para pagaanin ang aking kalooban.
"Punasan mo na ang luha mo bago pa kumalat ang make-up mo. Sayang, ang ganda mo pa naman." Kahit papano ay napangiti mo naman ako.
----
Matapos 'yon ay hindi na tayo muli pang nagkita. Ni salubong ay wala.Dapat ko bang pagsisihan ang hindi pag-amin sa aking nararamdaman patungkol sa'yo?
Madudugtungan ba ang ating istorya kapag nagkataon?
Magkikita pa kaya tayong dalawa?
O' patuloy ko nalang panghahawakan ang dalawang panyo mo na tanging nag-uugnay na lamang sa'ting dalawa.
Masakit umasa at mahirap maghintay.
Pero kahit papaano ay mayroon akong ala-ala sa'yo na dalawang panyo na hanggang ngayon ay aking iniingatan at tinatago-tago.
The End..