CHAPTER 4

110 6 0
                                    

When opportunity comes don't question it

"Ms. Sanchez? Are you okay? You look pale.", she has this worried look on her face.

Oh shoot! Nahalata niya! Pinapagpapawisan na ako ng malamig hanggang sa likod.

Umiling ako at itinaas ang kanang kamay ko, "Ah no. I'm okay. I feel a bit dizzy, that's all. But I'll be okay, maybe it's because of too much humid."

She nodded, "You're right. It's too much for me too, after all in America we don't experience this much. So, should we start discussing the matters?", nag-abot siya ng bottled water para inumin ko.

"Ah yes yes. Thank you."

Ngitian ko siya upang makabawi sa pamumutla ko, ngumiti din naman siya saakin. Maamo ang kanyang mukha, sa tingin ko ay magkakasundo kami nito. Sumakay kami sa elevator at nakarating sa fourth floor.

Habang naglalakad kami sa hallway patungo sa Business Center ng hotel ay nakita ko ang sarili ko sa salamin sa mga pader na mistulang disenyo nito. Okay lang kaya ang itsura ko? Ang ayos ko at ang damit ko? Mukha akong secretary ni Ms. Stacks sa suot ko.

Naka-dress akong A-line pastel pink na may blue floral print, below collar bone ang neck line, sleeveless at hanggang tuhod ang haba. Nag suot ako ng black blazer na three-fourths at hanggang bewang ang haba. Nag suot ako ng wedge na black at brown para bumagay at mag dagdag saakin ng height, pero pag tumabi ako sakanya e parang ang losyang ko.

Kakaisip ko e nakasimangot akong naglalakad hanggang makarating kami sa isang silid na may bilog na lamesa sa gitna at may apat na upuan. Ito ata ang isa sa mga meeting rooms ng hotel.
Doon ko lang napansin na may kasama siyang isang babae na assistant niya at isang lalaki na body guard niya.

Bago kami umupo ay kinausap niya ang mga ito at sinabihang mag intay na lamang sa pabas. Umupo na kaming dalwa parallel sa isat isa at inihanda ang sarili ko upang magsalita.

"So... Ms. Mavis Sanchez, Can I call you Mavis? Or do you prefer Ms. Sanchez?", nag cross arms siya.

"No, Mavis would be fine Ms. Stacks.", i replied.

"Okay, on a contrary, please call me Rosie. I am more comfortable working if the people I'm with calls me by name, I hope you too Mavis."

Tumango ako habang patapik tapik ang mga kamay na nakapatong sa aking hita. Pampaalis kaba.

Ipinatong niya ang kaliwang braso niya sa arm rest at ang kanang kamay sa dibdib tila ba nagpapakilala, "Again, I'm Rosie Stacks. Producer, Entrepreneur, Chef, Engaged, Thirty years old, Loves cats and collects ash trays."

Ipinatong niya ang parehas niyang kamay sa lamesa at magkadikit ang dalwang palad., "Um so Mavis, I heard a lot of things about you. Jad told me that you're an undergraduate at Tokyo University, studying music major in piano and that you compose music in your spare time. He said that you are good in what you do and that you are fit for the job. That being said of course I, personally have to know and see the quality of work that you do. Did you bring some of your works?" she continued.

Nako talaga naman Jad. Hindi mo sinabi saakin na kelangan ko mag dala ng mga gantong importanteng bagay.

Nakakainis!

Napatungo ako, "I'm sorry Ms. Sta.. err Rosie, Jad never mentioned that I have to bring sample CD's so I came unprepared but I know that's not a reason. I'm really sorry, if you would like I have some recorded in my phone if that's okay with you?" sabay tingin sakanya.

"Not a problem as long as there's something I can listen to."

She smiled.

Hay! Thank God she smiled. Akala ko magagalit siya or mawawalan ng interes. Sayang ang opportunity na ito, buti nalang maunwain at mabait si Ms. Stacks.

Inabot ko sakanya ang aking phone at pinarinig ang isa sa mga compose kong kanta, ang title nito ay 'Prayer and Lies', base sa reaksyon ng kanyang mukha hindi ko matukoy kung nagugustuhan ba niya o hindi.
Poker Face siya, pero sa tuwing titingin siya sakin ngumingiti siya. Hindi ko tuloy alam iisipin ko.

Please Lord, sana magustuhan niya.

Please.

Please po, Please.

Hala, tapos na ang kanta. Lord, Please!

"Well.. Ms. Mavis Sanchez."

"Ye.. yes Ms. Stacks?"

Nabubulol akong sumagot. Nakatingin lang siya sakin ng direso sa mata at walang expression ang mukha niya.

Napalunok ako ng malalim at pinagdikit ang aking dalwang palad. Hanggang sa maghiwalay na ang mga labi niya...

"..See you on Monday. My secretary would e-mail you the abstract of the project were working on. Our Musical Director will meet you also on Monday and please bring some composed songs of your liking. If you have a guitar that you can carry, bring it too and you can wear jeans and sneakers next time. I sense that you could be more comfortable working that way, though I would like to see you more dressed like that, you look very lovely. But anyways, see you on Monday Mavis, Looking forward to do amazing things with you. I'll be going first, I still have another meeting in the other room. Bye!"

Tumayo siya sa pagkakaupo niya at ngumiti.
She looks so pleased.
I think I did a great job. Nako Lord, Thank you po!

Nakipag-kamay siya saakin bago lumabas ng pinto, hindi maalis ang ngiti saaking mga labi, tila umaayon saakin ang panahon.

Thank you Lord!
Thank you Jad!
Kahit na iniwan mo ako sa ere.

*Beep Beep*
--
Fr. Jad Chris Deluna
Msg:
Yo MC! Congrats! Sabi ko na nga ba na kaya mo kahit di ako kasama. Oh alam kong galit ka wag ka ng magalit! Uyy ngingiti na yaaaaan! Babawi ako, sagot ko dinner mamaya 7PM sa Crest Café. Isama mo din si Joshua. Laters! ;)
---

Sira ulo talaga tong si Jad. Pasalamat talaga siya at kababata ko siya. Di na nagbago. Pero okay lang kung hindi dahil sakanya malamang hirap na hirap akong maghanap ng trabaho ngayon.

Kaso kung iisipin mo bakit parang ganun kabilis pumayag at nagustuhan ni Ms. Stacks ang gawa ko?

Hindi ba parang, too good to be true? Hmm.

Mavis, ano ba, blessing yan wag mo ng pag-isipan ng kung ano. Magandang balita ito para kay Joshua.

Umuwi tuloy akong parang baliw sa tuwa.

=====================================================================
In Memory of Dwight (2006-2016)
Love you.x
-Makih

Somewhat how it Ended is where it all BeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon